Chapter 3

285 19 0
                                    

Chapter 3
Aphrodite Wesley

“You're just a teen, miss Wesley.”

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa pagkainsulto. Tuwid at matatag ang tindig ko sa harapan ng mga mayayaman at matatandang shareholders ng Wesley Enterprise. Naiirita ako, kung tingnan nila ako ay para bang wala akong karapatan sa posisyong ibinigay sa akin. Kung tutuusin ay mas may kapangyarihan ako kumpara sa kanila ngunit dahil pinakikinabangan sila ng kompanya ay hindi ko sila puwedeng bastusin at pagmataasan.

Hindi ako marunong makipag-usap sa mga tao, madaling maubos ang pasensya ko at maiksi ang pisi nito, kung hindi ko lang iniisip ang kompanya ay baka kanina ko pa sila pinagbabaril.

“This teen can handle any situation, sir. I can assure you that.”

Ngumisi ang nagsalitang shareholder. “Really, now, miss Wesley?” umiling siya kapagkuwan ay sumulyap sa pintuan, “Where is your brother? Siya ang kakausapin namin.”

Inilagay ko ang mga kamay ko sa aking likuran saka ito ikinuyom. Nagtaas ako ng noo, “Co-CEO ako ng Wesley Enterprise, i have all the rights to stand infront of you.”

“Co-CEO ka nga pero ang pinapatakbo mo, ninyo ng kapatid mo ay ang shares namin at higit sa kung sino pa man, may karapatan kami na patalsikin kayo.”

“You can't do that, sir.” matigas na saad ko.

Tumayo ang matanda, “Of course i can. How can a little girl manage a company? May gatas ka pa sa labi, hija.”

Doon napatid ang pagtitimpi ko. Mabilis ko siyang sinugod at sinuntok sa mukha. Suminghap ang iba pang mga shareholders, impit na tumili ang mga babae samantalang nagsitayuan naman sa gulat ang iba. Isang matandang lalaki lamang ang nakita kong nanatiling kalmado at nakaupo, ang may pinakamalaking share sa Wesley Enterprise. Si Mr. Mario Asuncion.

Tiningnan ko ang taong kaharap ko, hawak ko ang kwelyo ng coat nya habang nanlilisik ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. Tumutulo rin ang dugo sa kaniyang ilong kaya ngumisi ako.

“HOW DARE YOU BITCH!” malakas akong itinulak ng matandang sinuntok ko. May sumalo naman sa akin sa likuran ko kaya napigil ang muntik nang pagbagsak ko sa marmol na sahig.

Akmang sasampalin ako nito nang magsalita ang taong nasa likuran ko, “Maraming taon kong iningatan at inalagaan ang kapatid ko, Mr. Sanchez kaya hindi ako papayag na pagbuhatan mo siya ng kamay.”

Umawang ang labi ko, “Kuya.”

Bumaba ang tingin niya sakin saka ako hinawakan sa mga braso, iginiya niya ako paupo sa upuang inalisan ng isang shareholder saka muling hinarap ang matandang galit na galit na pinupunasan ng panyo ang dumudugong ilong.

“Bastos ang kapatid mo, Mr. Wesley!”

“Hindi niya kayo babastusin kung hindi niyo siya binastos.” matigas na sagot ni kuya.

Suminghap ang matanda. Nameywang siya at mayabang na tiningnan ang iba pang mga shareholders, “I can't believe this! Tingnan niyo, ito ba ang dapat na ugali ng CEO ng kompanya?”

Muli itong tumingin sa akin saka kay kuya. “Isa ka lang ring bata, Dart Wesley. Hindi mo kaya ang responsibilidad sa kompanya!”

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon