Chapter 25

208 8 0
                                    

Chapter 25
Aphrodite Wesley

“Mag ice skating tayo.” aya ko kay Edrix habang nakatitig sa malaking drawing ng ice skating shoes.

Pinangunutan nya ako ng noo. “You're wearing a dress.”

Sumimangot ako. “Tara na!”

“Aphro!”

Kung si Phoenix ang kasama ko papayag kaagad sya pero dahil si Edrix ang kasama ko, kailangan ko pa syang pilitin. Mas conservative pa kasi kaysa sakin.

“Hindi naman ako matutumba. Marunong ako, Ed, tinuruan ako ni Phoenix.” sabi ko habang hila-hila sya. Napangiti ako nang makapasok kami sa loob. Binitawan ko si Edrix saka agad na lumapit sa nag-aassist. I smiled, “I wanna try.”

“Sure, ma'am. Let me help you.”

Tinulungan nya akong isuot ang ice skating shoes at safety gears. I smiled even more nang makatapak ako sa ice. Umikot ako, nagslide habang nakadipa saka tumigil at tiningnan si Edrix, tinutulungan na din sya ng nag-aassist. Kumaway ako sa kanya nang lumingon sya sakin. He smiled.

Nagskate ako ulit. Nagpaikot-ikot habang nakangiti. This is one hell of a date. Kung ganito lagi ang magiging date namin ni Edrix, talagang mag-eenjoy ako. Skating is one of the things that Phoenix taught me. Halos lahat ng adventures ay nagawa na namin, ang hindi nalang namin natupad sa wish list namin ay mountain climbing. I badly want to experience that but he's gone now, hindi ko na magagawa ang bagay na 'yon.

“Aphro!”

Lumingon ako kay Edrix. Napangiwi ako nang makitang nakadapa sya. Natawa ako nang bumagsak sya matapos subukang tumayo. Nilapitan ko sya at nginisihan, “You can't skate.”

Sumimangot sya, “Don't make fun of me, Aphro. I'm into music not adventures like this.”

Hindi ako nagsalita. Iniabot ko nalang sa kanya ang palad ko, “Get up, i'll teach you.”

His eyes sparkled, “Really?”

Itinagilid ko ang ulo ko, “You only have 10 chances, kapag bumagsak ka, minus 1 chance.”

Tumayo sya at muling sumimangot. Pinagpagan nya ang damit nya. “Is that a challenge?”

I smirk. “You can say that.”

Mayabang syang umismid, “I can do it in 3 chances, Aphro, trust me.”

“Wag kang mayabang!” natatawang sabi ko saka sya hinila.

Nanlaki ang mga mata nya nang isama ko sya sa pag-ikot ko. Magkahawak ang mga kamay naming dalawa habang tawa ako ng tawa. He looked so nervous.

“I'll let you go now—”

“NO! DON'T YOU DARE, APHRO!”

Humalakhak ako saka tumigil sa pag-ikot. Bumuga sya ng hangin nang tumigil kami sa paggalaw. Umiling sya at saka ko naman sya binitawan, nanlaki ang mga mata nya at  nawalan ng balanse, muntik syang mapasubsob pero agad ko syang sinalo. Tumawa ako ulit, “You're a coward.”

“What?!” pinangunutan nya ako ng noo saka umiling-iling. “I'm not a coward, Aphrodite.”

Hinawakan ko ang kanan nyang kamay saka sya muling hinila, we skate and skate until we got tired. Kapwa kami hinihingal na nakasandal sa gilid.

“Aphro...”

Nilingon ko sya. “Hmm?”

“Bukod dito, ano pang gusto mong gawin?”

Bumuntong-hininga ako. “May wish list kami ni Phoenix, lahat ay nagawa na namin maliban sa isa.”

“Ano 'yon?”

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon