Chapter 41

327 18 2
                                    

Chapter 41
Aphrodite Wesley

I WOKE UP with a severe headache. Mahapdi rin ang mga mata ko. Totoo ba 'yung nangyari? O nanaginip lang ako? Umuwi na ba talaga si Edrix o nag hahallucinate lang ako?

Dahan-dahan akong bumangon at nagbukas ng ilaw. Narito ako sa kwarto ko at alas dos palang ng madaling araw. Sinong nag-uwi sakin? Si Edrix ba? Kung gano'n hindi 'yon panaginip. Napalunok ako saka lumabas ng kwarto. I jumped in shock as i came face to face with a man who has been conquering my mind for three years now.

H-Hindi 'yon panaginip? My heart started beating so fast.

“E-Edrix...”

He smiled. “Binabantayan lang kita sa labas ng kwarto mo pero narinig ko ang yabag mo kaya lumapit ako.”

Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko at hinaplos ang pisngi nya. “You came back!”

Pumikit sya at dinama ang palad ko. “Hmm and i will never leave again.”

Lumunok ako at handa na syang yakapin nang maalala ko ang nakita ko. Tumalim ang tingin ko sa kanya saka ako umatras. “Sino 'yung babaeng kasama mo?”

Umawang ang labi nya. “Kasama ko? Wala naman—”

“Nakita kita sa mall, Alzona!” mariing putol ko sa sinasabi nya.

Napakurap-kurap sya saka sandaling natahimik. Ilang saglit pa ay tumatawa na sya ng mahina.

Galit na pinalo ko ang braso nya. “H'wag mo 'kong tawanan!”

“Sorry. Hindi ko kasi alam na selosa ka pala.”

Naningkit ang mga mata ko. “Sagutin mo ang tanong ko, Alzona!”

Hinila nya ako at hinalikan sa noo. Natigilan ako dahil doon. “Medyo may tama ka pa ng alak kaya malakas ang loob mo at hindi ko sya babae, kung 'yun ang iniisip mo. Makikilala mo rin sya, soon.”

Tinulak ko sya. “Edrix—”

He shut me up by kissing my lips. Natigilan ako. Ang bahagyang nakaawang kong labi ay sinamantala nya. He locked his lips on mine and kissed me with so much love.

Nang bumitaw sya ay tinitigan nya ako habang hawak ang magkabilang pisngi ko. “I'm sorry for leaving. Ginawa ko 'yon para hanapin ang pamilya ko. Medyo natagalan lang dahil maraming problema, hindi ako tinanggap ng pamilya ni mom dahil anak nya ako sa pagkadalaga. I was an outcast, baby, and i needed to woo my grandparents for mom because she want me to stay and live with them.”

Natahimik ako. Gano'n ang sinapit nya sa tatlong taon na wala sya? Bakit? Hindi naman nya kasalanan na anak sya sa pagkadalaga.

“Six months after i left, natagpuan ko ang mom ko. She's living with her family. Sinabi nya rin sakin ang dahilan kung bakit ibinigay nya ako kay papa at hindi na hinanap pa. She asked for my forgiveness and i forgive her.”

Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko saka 'yon hinalik-halikan. I missed this. I missed his sweet gestures. I missed his voice. I missed him!

Hinaplos ko ang magkabilang pisngi nya. “Thank you for coming back, Edrix.”

He smiled. “Maari bang hindi ako bumalik e nandito ang pangarap kong makasama habang buhay?”

Mahina akong natawa. Sa huli ay natahimik nalang kami habang nakatitig sa isa't-isa. Bahagyang nakaawang ang labi nya habang nakatingin sakin. Unconsciously, i rolled my tongue over my lip. Napatingin sya dito at kitang-kita ko ang paglunok nya.

Bumaba rin ang paningin ko sa nakaawang nyang labi at napalunok ko.

I was about to say something when he locked his lips on mine. His tongue invaded my mouth, teasing my tongue. I groaned and snaked my arms around his nape and tiptoed. I shut my eyes close as he gently caressed my waist.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon