Chapter 8

233 18 0
                                    

Chapter 8
Aphrodite Wesley

Nagising ako dahil sa mahihinang kalabog sa labas ng kwarto ko. Napakamot ako sa ulo at tamad na bumangon. Nilingon ko ang orasan. Alas tres ng madaling araw. Anong ingay 'yon? Si kuya kaya—

Mabilis akong napatakbo sa cabinet ko at kinuha ang baril sa ilalim ng mga damit ko. Natulog ako na walang kasama dahil nagpaalam si kuya na may kailangan siyang kausaping tao. Si Edrix naman ay hindi pa umuuwi. Teka, sino ang nasa labas?

Nagtaas ako ng noo at dahan-dahang lumapit sa pinto ng kwarto ko. Hindi na ako nag-abalang buksan ang ilaw. Itinapat ko ang tainga ko sa pinto, pinakinggan ang ingay sa labas, saktong may kumalabog at nakarinig ako ng mahinang ungol. Pamilyar ang ungol. Edrix?

Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Napatanga ako at mabilis na naibaba ang kamay na may hawak na baril nang mamukhaan ko ang taong nakatayo sa labas ng kwarto ko.

“Edrix.”

Nakayuko siya. May yakap na gitara na kinukutingting niya. Anong ginagawa niya?

Bigla siyang nag-angat ng tingin. Namumungay ang mga mata niya at mapula ang buong mukha. Ngumisi siya nang makita ako. “Aphrodite!”

Bumuntong-hininga ako saka bumalik sa loob ng kwarto, itinago ko ang baril saka binalikan si Edrix. Bakit ba siya naglasing? Saka alas tres na ng umaga.

Gumewang siya at muntik matumba, sumubsob ang mukha niya sa leeg ko pero agad din siyang tumayo ng tuwid.

“K-Kakatahan kita *hik* K-Kakanta ako, Aphro..”

Napailing ako at hinawakan ang gitara. Tinangka kong agawin ito sa kaniya pero niyakap niya lang ito at ngumuso habang namumungay ang mga matang nakatingin sakin. “K-Kakanta ako e! *hik* H-Hindi kita *hik* nakantahan nung b-birthday mo.”

“Lasing ka, Edrix. Matulog ka na. Akina 'yang gitara mo, itatabi ko na.”

“P-Pero..”

Hinawakan ko siya sa balikat at hinila pero bago pa ako makahakbang ay nabitawan ko na siya nang bigla siyang bumagsak sa sahig. Napabuga ako ng hangin. Nakadapa siya sa sahig at hindi na gumagalaw. Humakbang ako palapit sa kaniya saka tinapik ang balikat niya. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at pagewang-gewang na naglakad papasok sa kwarto ko.

“S-Sandali, Edrix...”

Mariin akong napapikit at hinilot ang sintido ko. Sinundan ko siya kwarto ko. Napasinghap ako nang maabutan ko siyang nakaboxer shorts at topless. Sakto sa pagpasok ko ang paghubad niya ng pantalon niya. Umawang ang labi ko nang bumagsak siya padapa sa kama ko. Ni hindi niya nahubad ng tuluyan ang pantalon niya dahil suot niya pa ang sapatos niya kung saan sumabit ang pantalon.

Napailing ako at inilapag ang gitara sa ibabaw ng single couch sa gilid. Nilapitan ko siya. Hinampas ko ang balikat niya pero wala manlang siyang reaksyon.

Napakamot ako ng batok at tiningnan ang kabuohan niya. Kita ko ang kanang pisngi niya. Namumula pa rin ang mukha niya hanggang sa leeg at batok.

Anong gagawin ko? Mukhang hapon na magigising ang isang 'to. Damn! Kung kailan ako umiiwas saka naman siya nagpagani-ganito. Tsk!

Pinagmasdan ko siya. Hindi ko alam kung bakit pero napatitig nalang ako sa kaniyang mukha. Sobrang tangos ng ilong niya. Makapal ang kilay at mahaba ang pilikmata. Kung titingnang maigi ay kapansin-pansin ang kakaibang features niya. Kakaiba ang tapang nya sa mukha na bumagay sa bilugang hugis ng kaniyang mukha. May lahi yata ang isang 'to.

“Hindi ba mabaho ang paa mo?” pabulong na tanong ko, saka ko lang napansin na inaalis ko na pala ang sapatos niya.

Ano bang nangyayari sakin? Para akong nawawala sa sarili kapag nakikita ko siya.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon