Chapter 18

208 12 0
                                    

I apologize for the super delayed update, mafias. I had severe headache kaya nahirapan akong humarap sa gadget. I'm okay now but i have to control the temptation of wattpad, charr! ;)

FYI, Chapter 26 ito sa Wife Series #2 :)

-

Chapter 18
Aphrodite Wesley

Halos araw-araw pumupunta si Primo dito sa bahay at bihira naman niyang abutin si kuya, palagi namang nasa kwarto si Edrix kapag nandito si Primo. Hindi na ako komportable. Hindi ako sanay na palagi akong dinadalaw. Kung hindi lang naging mabuti sakin si Primo ay hindi ko siya hahayaan na magpabalik-balik dito sa bahay.

"Wala ka bang balak magboyfriend, EA?" basag niya sa katahimikan na sandaling namayani sa pagitan namin.

Nginitian ko siya. "Hindi ko alam."

Tumawa siya. "Mahirap talagang kalimutan si Nix, no? How 'bout Edrix? Hindi ka ba niya pinopormahan?"

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya yumuko nalang ako.

"Well, pangit tingnan kung popormahan ka niya. Kaibigan niya si Nix, pagtatraydor 'yon."

Mabilis akong nag-angat ng tingin at kunot noong sinalubong ang tingin niya. He's smiling. "Sa tingin ko wala namang masama kung ligawan ako ni Edrix."

Nagkibit balikat siya. "Mukhang hindi mo naman kayang palitan si Nix. Hahaha!" humalakhak siya at nang hindi ako nagreact ay tumikhim siya. "Sorry.."

Bumuntong-hininga ako at binuhay ang screen ng cellphone ko para tingnan ang oras pero napatitig ako sa lockscreen ko.

"Mahal na mahal mo pa rin si Nix no?" puna ni Primo.

"Hanggang ngayon.." tumatangong sabi ko.

Lumipat siya sa tabi ko. Nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko at iniharap ako sa kaniya. "You can always talk to me about him, EA. Pwede rin akong magpanggap na si Nix, i can do that to help you move on."

Nakaramdam ako ng pagkaasiwa. Agad akong umatras. Oo, kamukhang kamukha niya si Phoenix pero magkaibang-magkaiba sila ng kilos at pananalita. Pati ang paraan ng pag tingin ay magkaiba.

"Primo.."

"I can be Phoenix, EA.."

Umawang ang labi ko sa gulat. What?

Tinitigan niya ako kaya tumayo ako at hinilot ang sintido ko. Tumingin ako sa labas ng bintana at nagsalita habang nananatili ang tingin sa labas. "Gagabihin ka na Primo, kailangan mo nang bumalik sa hote-"

Naputol ang sinasabi ko nang may humawak sa magkabilang pisngi ko. Nasa harapan ko na si Primo, nakatitig sa akin dahilan para mapigil ko ang aking hininga. Anong ginagawa niya?

Napaigtad ako nang halikan niya ako sa labi. Mabilis lang 'yon. Dampi lang pero hindi ko nagustuhan.

"PRIMO!"

Ano bang ginagawa niya? Shit!

Ngumiti siya. "Bukas ulit, EA." saka siya naglakad palayo.

Tumingin ako sa paligid. Hinanap ng mga mata ko si Edrix pero wala siya. Nakahinga ako ng maluwag at pabagsak na naupo sa sofa. Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang palad ko.

Damn you, Primo!

-

I woke up with a headache the next morning. Halos hindi ako nakatulog dahil sa katarantaduhang ginawa sakin ni Primo. I respect him dahil kapatid siya ni Phoenix pero kung babastusin niya ako ng ganoon, magiging bastos na rin ako sa kaniya.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon