Chapter 9

212 12 0
                                    

Chapter 9
Aphrodite Wesley

Nagvavacuum ako sa living room nang makarinig ako ng huni ng pusa. Natigilan ako at nagpalinga-linga sa paligid. Baka naman guni-guni ko lang? Napailing ako at nagpatuloy sa ginagawa.

Meow

Nangunot ang noo ko. Totoo. Kailan pa kami nagkaroon ng pusa?

Luminga akong muli at muntik nang madapa sa  vacuum nang mapaatras ako. Lumabas kasi mula sa ilalim ng pang-isahang sofa ang isang itim na kuting. Sobrang liit nito, sabog ang balahibo, payat at berde ang mga mata.

What the..

Meow

Nagkamot ako ng batok. Saan galing 'to? Paano siya nakapasok at sinong may-ari nito?

Akmang lalapitan ko ang pusa nang magtatakbo ito. Umakyat ito sa patungan ng tv. Nanlaki ang mata ko nang umakyat ito sa tv at tumulay hanggang sa makarating sa kabilang bahagi.

“Muning!” napahiyaw ako nang tumalon ito at nasagi ang maliit na flower vase. Nahulog at nabasag ang vase na gumawa ng ingay.

“APHRODITE, ANONG NANGYAYARI RIYAN?!”

Hindi ko pinansin ang pasigaw na tanong ni kuya mula sa itaas sa halip ay sinundan ko ang kuting na tumakbo papunta sa kusina.

“Muning!” tumakbo ako at hinuli ang kuting pero inangilan ako nito at kinalmot sa braso.

Inis na pinadyak ko ang paa ko saka sinamaan ng tingin ang kuting. Kanino ba kasi ang kuting na 'to? Bakit napunta dito sa bahay? Imposibleng pag-aari ito ng kapitbahay namin dahil wala namang ibang tao dito sa village kundi kami.

“Ano ba iyon, Aphro?”

Napalingon ako sa likuran. Nilapitan ako ni kuya at marahang hinila patayo. Nang makita niya ang kalmot sa braso ko ay kunot noo niya akong tiningnan. “Anong nangyari sayo?”

Itinuro ko ang ilalim ng dining table. “Kinalmot ako ng kuting.”

Umawang ang labi niya at nagtatakang yumuko para silipin ang nasa ilalim ng dining table. “Paano nagkaron ng kuting dito?”

Sumimangot ako. “Ewan.”

Umiling siya saka ako hinawakan sa braso. Hinila niya ako palapit sa lababo at itinapat sa gripo ang nakalmot kong braso saka hinugasan. “H'wag mo kasing habulin, natakot sayo kaya ka kinalmot.”

Hindi ako umimik. Umismid nalang ako. Wala talaga akong kaamor-amor sa pusa samantalang itong si kuya ay napakahilig sa ganoong hayop. Teka, hindi kaya siya ang nag-uwi ng pusa dito?

“Kuya, baka naman ikaw ang nagdala ng kuting na iyan?”

“Kung ako ang nagdala niyan dapat nasa kwarto ko iyan.”

Muli akong natahimik. Hindi kaya si Edrix? Isa pa rin iyong mahilig sa mga hayop e.

“Oo nga pala, aalis ulit ako. Kailangan kong tutukan ang kompanya.”

Tumango ako. “Paano ang misyon?”

“We'll talk later. Pag-uwi ko ay pag-uusapan natin ang tungkol sa bagay na iyan. H'wag mong paalisin si Edrix at tawagan mo si Drake.”

Mukhang magiging busy nanaman kami at naeexcite nanaman ako. Ito ang gusto ko. Ang palagi kaming may misyon para kahit papaano ay may pinagkakaabalahan akong isipin.

Nang makaalis si kuya ay ipinagpatuloy ko ang paglilinis ng bahay kahit pinagsabihan niya ako na huwag maglinis. Medyo sumasakit din ang tagiliran ko pero hindi ko iyon ininda. Mas gusto kong may ginagawa dahil kapag tumunganga lang ako, maiisip ko nanaman ang parents namin lalong lalo na si Phoenix. Maiiyak nanaman ako at masasaktan.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon