Intro

1.1K 28 2
                                    

WARNING!
CONTAINS VIOLENCE

You can skip this part if you have painful experiences in life such as violence or depression. Those who get easily affected by extreme violence, please, SKIP the Intro.

-

Marahas na tumilapon ang katawan ng batang si Dart. Tumama ang payat na katawan nito sa gilid ng lamesa dahilan para umungol ito sa sakit ng pagkakatama ng tagiliran.

Gamit ang nanlalabo at mapupungay na mata ay tiningnan nya ang kinaroroonan ng nakababatang kapatid na babae. Wala itong malay na nakahandusay sa malamig na simentong marmol habang naliligo sa sariling dugo.

May isang lalaking nakatayo sa paanan ng dalagitang nasa limang taon pa lamang, nakangisi ito at nakatingin sa pitong taon na batang nilalabanan ang bumibigay na ulirat.

Mula naman sa kusina ay lumabas ang isang lalaki na nababalot ng tattoo ang hantad na braso. May hawak itong patalim at sa kabilang kamay ay hawak ang isang mansanas na kinakain nito.

"Matagal pa ba kayo diyan? Baka may dumating nang pulis" sabi ng lalaking lumabas sa kusina.

Mula sa ikalawang palapag ng bahay ay lumabas ang dalawang lalaki. Parehong hubad baro at kapuwa inaayos ang kanilang pantalon. Nakangisi ang dalawa, matalim ang mga mata at kitang-kita ng batang si Dart ang demonyo sa pagkatao ng mga lalaking pumasok sa bahay nila.

Kasunod na lumabas naman ay ang isa pang lalaki na may bitbit na dalawang malaking itim na bag, "Nalimas ko na lahat ng alahas at pera"

Humalakhak ang dalawang lalaking hubad baro, "At nalimas na namin ang katas ng sarap hahahaha"

Awtomatikong kumuyom ang kamao ni Dart. Nahihirapan ang kanyang kalooban, tila may sumasakal sa kanyang puso habang paulit-ulit na naririnig sa kanyang utak ang nagmamakaawang sigaw ng kanyang ina at tiyahin. Sunod-sunod na luha ang lumabas mula sa kanyang mga mata. Impit syang umungol nang sumakit ang tagiliran.

"Umalis na tayo" aya ng lalaking may dalang dalawang bag ngunit pinigilan ito ng lalaking nasa paanan ng kanyang kapatid.

"Sandali lang, hindi ko pa natitikman ang putaheng para sakin" nakangising sabi nito saka dahan-dahang lumuhod sa harapan ng batang babae na walang malay. May sugat sa braso ang bata, ang sintido nito ay may sugat din pati ang labi nito na ngayon ay namamaga na.

Humikbi si Dart, umiling-iling habang nakatingin sa walang malay na bunsong kapatid.

No! Hindi pwede! Hindi pwedeng pati si Aphrodite ay mawala sa kanya. Mahal na mahal nya ang kapatid, hindi sya makakapayag na masaktan ito!

Mas lumakas ang kabog ng dibdib ni Dart nang hawakan ng lalaki ang magkabilang binti ng kanyang kapatid. Nakita ng lalaki ang pagmamakaawa sa mata ng batang lalaki kaya naman humalakhak ito ng malakas, halakhak ng demonyo na walang kaluluwa.

"Bakit bata? Ayaw mo bang tikman ko ang kapatid mo?" nakangising tanong nito.

Umiling si Dart habang nagmamakaawa ang mga mata. Humalakhak naman ang apat pang lalaki, "Ayaw daw pare, baka gusto ay siya ang tikman mo hahahahaha" humalakhak na sabi ng isa.

"Hahahahaha"

Nagtawanan ang mga demonyo habang pinipilit ni Dart na gumapang palapit sa kanyang kawawang kapatid ngunit hindi pa man sya nakakalapit ay sinalubong na sya ng lalaking humawak kay Aphrodite kanina, hinawakan nito ang kanyang binti dahilan para magpapasag sya.

"Wag kang malikot! Akala ko ba gusto mo?" mapanganib na litanya ng lalaki.

Umiiyak na umiling ang kaawa-awang bata, "H-Hindi! H-Hindi! A-Ayoko!"

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon