Chapter 5

231 13 0
                                    

Chapter 5
Aphrodite Wesley

"Hihi" kasunod ng mahinang hagikhik na 'yon ang pag-igtad ko dahil sa kung anong matulis na bagay na tumusok sa pisngi ko. Mabilis akong nagmulat at bumangon. Agad rin akong napangiwi nang sumigid ang sakit sa buong katawan ko lalong-lalo na sa kanang tagiliran.

"Katkat, buhay na siya! Ang galing mong doktor!" tiningnan ko ang batang lalaki na nagsalita. Marungis ito, ang puting sando na suot ay parang binabad sa putik. May natuyong sipon siya sa pisngi at nawawala ang dalawang ngipin sa unahan.

"Syempre naman, Kitong!" nilingon ko naman ang isa pang batang babae sa kabilang gilid ko. May suot siyang salamin sa mata na basag. Sa tingin ko ay may grado 'yon. May nakasampay na puting kurtina sa kaniyang mga balikat na umabot sa kaniyang paa. May hawak din siyang syringe na luma, wala 'yong laman, marumi at may karayom na sa tingin ko ay pang-tahi ng damit.

Gusto kong bulyawan ang mga bata dahil sa inis pero nanunuyo ang lalamunan ko at nanghihina ako. Maya-maya ay may humawi sa berdeng kurtina na mukha nang pinamunasan ng paa dahil sa dungis.

Suminghap ang matandang babaeng pumasok nang mamataan ang dalawang bata sa magkabilang gilid ko.

"Hay naku talaga kayong mga sutil na bata kayo. Bakit niyo siya ginising? Hala magsilabas kayo at maligo, naglalaba sa poso ang ate niyo pumunta kayo doon!" pinalo niya sa pwet ang dalawang bata.

"Aray ko po, nanay lola"

Nang makalabas ang mga bata ay lumapit sa akin ang matada. Pinakatitigan ko pa siya sa mukha habang inaalala ang nangyari, saka lamang bumalik sa isip ko ang disgrasyang natamo ko.

"Sus ginoo talaga si Katkat!" suminghap siya at dumampot ng isang damit mula sa kahon na luma. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang pisngi ko, saka ko lang napansing dumugo ang bahagi ng pisngi ko na tinusok ng bata ng karayom.

"Pasensya ka na sa mga apo ko, ineng. Kulang kasi sa disiplina ang mga 'yon palibhasa'y lumaking walang magulang."

Tumango lamang ako saka hinawi ang kapirasong tela na ginawang kumot para takpan ang katawan ko.

"K-Kailangan ko na h-hong umuwi."

Tumango siya at inalalayan akong tumayo. "Tamang-tama, ineng kababalik lang ni Pidyong galing sa unang pasada."

Unang pasada? Natigilan ako. "A-Anong oras n-na ho ba?"

"Alas diyes na ng tanghali, ineng."

Mariin akong napapikit. Damn! Siguradong galit na galit na ngayon si kuya.

Nang makalabas kami sa maliit na barong-barong ay inakay pa ako ng matandang babae habang papalabas kami ng eskinita.

"Sigurado ka bang uuwi ka na, ineng? Hindi mo pa kayang maglakad."

Tiningnan ko ang mga paa ko. Halos hindi ako makatayo ng tuwid dahil sa panghihina pero kailangan ko na talagang makauwi.

"N-Nag-aalala na h-ho ang kapatid k-ko."

Tumango-tango siya. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa bigla kaming harangin ng isang hubad na lasing. Malaki ang tiyan nito, balbas sarado at madilaw ang sungki na ngipin.

"Uy aling Ishing, ang gandya nyang kashama mo ah!"

"Heh! Umalis ka diyan, Berto kundi ay ipapapulis kita!"

Nanlaki ang mata ng lasing saka parang maamong tupa na nilampasan kami. Napailing ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad sa maliit na eskinita hanggang sa makalabas kami, natanaw ko ang isang taxi, sa tapat ng pinagparadahan nito ay mayroong kumpulan ng mga tao na nag-iinuman at nagvivideoke.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon