Chapter 34

218 12 0
                                    

Chapter 34
Aphrodite Wesley

EDRIX IS NOT HOME and he's not coming home. Ilang araw na ang lumipas pero hindi talaga sya nagpapakita sakin. Alam ko naman na naroon sya kina uncle Fauv pero nagdadalawang isip ako na sundan sya. I pushed him away without a reason.

After that terrifying night with Daemon Ace and Spencer Troyes, hindi ko na nakita ang dalawa. Maging ang katawan ni Primo ay hindi nila sinabi sa'kin kung nasaan.

Bumuntong-hininga ako. Nag-iisa ako dito sa bahay dahil hindi rin umuuwi si kuya. Noong isang araw ay pumunta sya dito at nagpaalam na kailangan nyang mag stay sa Vandross Lab para kina Jelly lalo na ngayon at nakikitaan nila ng mali si Percy. Minsan kasi ay nagmamalfunction ito at hindi nakikilala ang kaharap. Kuya even bought me a new phone dahil nakita nya ang sira kong cellphone sa kwarto ko.

Hinilot ko ang sintido ko. Mag-aala una na pero hindi pa ako kumakain dahil wala talaga akong gana. Sino ba namang gaganahang kumain mag-isa? Isa pa, kahit saan ako tumingin ay nakikita ko si Edrix at nagsisisi ako na hindi ako nagtiwala sa kanya. I faced the problem alone na dapat ay magkasama naming niresolba.

Tiningnan ko ang bago kong cellphone na nasa coffee table. Inilagay ko doon ang simcard ko sa pag-asang tatawagan ako ni Edrix pero wala.

Anong gagawin ko? Gusto ko syang makausap. Gusto kong humingi ng sorry sa kanya pero nahihiya ako sa pinaggagawa at pinagsasabi ko. Pinanghihinaan din ako ng loob sa posibilidad na baka hindi na nya ako paniwalaan at tanggapin.

Maya-maya ay napatayo ako nang makarinig ako ng dumating na kotse, sa pag-aakalang si Edrix 'yon ay agad akong lumabas pero si kuya ang bumaba sa kotse.

"Aphro, sama ka sakin, may nagtangkang dumukot kay Helleia."

Nangunot ang noo ko. What? Wala pa naman si Red dahil kasama ito ni Vangrey sa Ilocos. They're investigating the product replica na isinauli ng isang buyer sa Falcon Company.

Kinuha ko ang duplicate ko ng susi saka isinilid sa bulsa ng jeans ko. Lumabas ako ng bahay matapos ilock ang pinto saka sumakay sa kotse ni kuya. Agad naman nya itong pinaandar.

Mabilis kaming nakarating kina Helleia. Naabutan namin si Sasuke na nakaupo sa sofa at tulala. Agad syang nilapitan at kinausap ni kuya. "Nasaan si Helleia?"

Nag-angat ng tingin si Sasuke. "Upstairs."

Umupo ako sa tabi ni kuya, humalukipkip ako at tumingin sa hagdanan. Hinihintay ang pagbaba ni Helleia na ilang saglit lang ay natanaw ko na.

"Wala ka bang balak sabihin kay Red ang nangyari?" tanong ko na may pagtataka dahil sa kalmado nyang mukha.

She sat on the single couch and calmly said, "Wala."

"Dapat nyang malaman, Helleia." pangungumbinsi ni kuya pero tiningnan sya ni Helleia ng masama.

"I said no! Alam ko ang ginagawa ko."

Nangunot ang noo ko. "Helleia—"

"Tell him and you'll regret it right away!" putol nya sa sinasabi ko.

Hindi na ako nakapagsalita. She really looked pissed at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako napikon gayong napipikon ako kapag pinuputol ng kung sino ang sinasabi ko.

Napabuga nalang ako ng hangin at matamlay na sumandal sa sofa. Hindi ko pa nakakausap si Edrix at wala akong gana sa lahat ng bagay. Wala rin akong lakas na makipag debate pa kay Helleia lalo na't alam ko na tulad ng sinabi nya ay alam nya ang ginagawa nya.

Maybe she doesn't want Red to worry about her.

Maya-maya ay biglang bumukas ang main door. Lumingon ako doon. Pumasok sina Moonstone at Killiana.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon