Chapter 32

192 13 1
                                    

Chapter 32
Aphrodite Wesley

ANOTHER DAY. We're here in Helleia and Red's house. Marami kami dito dahil free time din ni kuya kaya gusto nyang tumulong ulit sa paghahanap kay Red. Two days had passed since he ran away from home at hindi na maganda ang epekto nito kay Helleia.

“I know you’re bothered but please focus, hindi pwedeng hindi mo ituloy ang pag-aaral mo.” Moonstone said caressing Helleia's shoulder.

I'm sitting on the sofa with Natsume, Spencer and kuya. They’re hacking all the CCTV’s near our village hanggang sa mga CCTV sa kalsada just to find Red but he‘s nowhere to be seen. We actually hacked the CCTVs since the day he left pero umaasa kami na baka bumalik sya at nahagip ng CCTV.

“Tama si Moonstone, Helleia.” sang-ayon ko saka sinulyapan si Helleia.

She pursed her lips. “Puwede bang next year nalang ulit ako pumasok—”

What?

“No way! Naayos na ang papers mo, exam nalang ang kulang para tuluyan kang tanggapin sa University, please, Helleia, gusto ni Red na magtapos ka.” mariing putol ko sa sinasabi nya.

I glanced at Moonstone. Hindi rin nya nagustuhan ang sinabi ni Helleia.

“Mr. Falcon can handle himself, queen. He just need some time and i can assure you, he will eventually tell you everything.” Moonstone said, calming Helleia.

Lumunok sya saka tumango.

“Study and show him how you trust him by giving him time to think and tell you everything” dugtong pa ni Moonstone.

“Got’ya!”

Naagaw ni kuya ang atensyon namin. Nakangisi syang nagpipindot sa keyboard ng laptop nya saka iniharap ‘yon samin.

Nakukunan ng CCTV si Red. Walang emosyon syang naglalakad papunta sa kung saan.

Is that outside the house?

Tumayo si Helleia at tumakbo papunta sa main door.

“Kuya, you stupid! Kuha yan sa CCTV sa labas ng gate, nasa labas si Red!” iritadong singhal ko kay kuya. He's crazy!

Lumabas ng bahay si Helleia at mula sa bukas na bintana ay kitang-kita ko kung paano titigan ni Red ang asawa nya.

Tumayo si kuya at tumayo sa likuran ni Helleia. Chismoso talaga!

Hinayaan lang namin si Helleia na kausapin si Red hanggang sa biglang dumating si uncle Fauv. Napatayo na ako dahil doon. Uncle Fauv would never get involved in such situation unless it's dangerous.

We stayed in the kitchen habang nag-uusap sina Red, Helleia at uncle Fauv.

Napatingin ako kay Edrix nang isandal nya ang ulo ko sa balikat nya. Sina Moonstone, Sasuke at Percy ay tahimik lang habang si kuya ay nakangisi habang may katext.

Maya-maya pa ay kinapa ni Edrix ang kamay ko sa ilalim ng lamesa at pinagsiklop ang mga palad namin. Napapikit ako ng mariin at napangiti. Kung hindi rin lang si Edrix ang makakasama ko habang buhay, hindi na ako magiging masaya. Mahal ko na ang lalaking 'to at nagpapasalamat ako dahil nanatili sya sa tabi ko kahit ilang beses ko na syang pinagtabuyan noon.

“Pangarap ko lang 'to noon.” bulong ni Edrix sakin kaya napatingala ako sa kanya.

He smiled at pinisil ang kamay kong hawak nya na nakapatong sa hita nya. “Pangarap ko lang mahawakan ka ng ganito noon. Pangarap ko lang na mapansin mo ako tapos ngayon...heto ka, sa tabi ko, napakalapit sakin.”

Umayos ako ng sandal sa balikat nya at tiningnan ang mga kamay naming magkasiklop. He kiss my hair and i smiled at his action. Sobrang sweet nya talaga.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon