Chapter 19

192 14 0
                                    

Chapter 19
Aphrodite Wesley

I woke up early the next morning. Naligo ako at nagbihis saka lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina nang hindi ko nakita si kuya.

I was about to speak when i notice who's approaching me.

“Edrix.." hinawakan ko ang braso niya nang masalubong ko siya sa kusina. May dala siyang dalawang basong orange juice. May tuwalyang nakasabit sa balikat niya at sigurado akong maliligo siya sa pool.

Nandito na siya. Kailan siya dumating? Kanina? Kagabi? Anong oras? Bakit hindi ko alam?

"Hey, sayo 'tong isa." iniabot niya sakin ang isang baso.

Nang kunin ko 'yon ay agad niya akong nilampasan. Napayuko ako. He's avoiding me.

Bumuntong-hininga ako at bumalik sa kwarto ko. Ipinatong ko muna sa mesa ang basong hawak ko saka nagpalit ng panloob. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a two piece black bikini. Okay lang naman siguro ang hitsura ko. Kumuha ako ng bathrobe saka lumabas ng kwarto bitbit ang orange juice na ibinigay sakin ni Edrix.

Dumiretso ako sa pool. Naabutan ko siyang lumalangoy na.

Ibinaba ko ang hawak kong juice sa gilid ng pool katabi ng baso niya. Inalis ko ang bathrobe ko at doon ko nakuha ang atensyon niya. Nakaawang ang labi niya habang nakatingin sakin. He swallowed hard at bumaba ang paningin niya sa katawan ko na agad niya ring iniwasan. Tumikhim siya, lumangoy palapit sa harapan ko saka uminom ng juice. Doon siya sa baso ko uminom pero hindi ako nagsalita.

Tumikhim siya. "Tumalon ka na, Aphro, wag mo na kong akitin. Lalaki ako kaya tulungan mo akong pigilang maakit sayo."

Napalunok ako. Damn him!

Tinapon ko ang hinubad kong bathrobe saka tumalon sa tubig. Agad din akong umahon at nakapikit na hinagod ang nabasa kong buhok.

Napaigtad ako nang may humawak sa baywang ko. Nasa likuran ko si Edrix at nakahawang sa baywang ko. Napapikit ako nang patakan niya ng halik ang balikat ko. Ang init ng labi niya.

“I miss you, baby..” mahinang bulong niya saka pinihit ako paharap sa kaniya. Sinalubong ako ng magagaan niyang halik sa labi. Patak-patak lamang iyon pero pakiramdam ko ay uminit ang tubig ng pool kasabay ng pag-iinit ng pisngi ko.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at inilagay sa batok niya. Niyakap ko naman ang kaniyang leeg habang unti-unting lumalalim ang magagaan niyang halik. Dahan-dahan akong pumikit.

“Ako nalang, Aphro..ako nalang..”  bulong niya sa pagitan ng mga halik namin. Kasunod niyon ang pagkagat niya sa ibabang labi ko dahilan para mapaigtad ako  at mapamulat ng mata.

Napakurap-kurap ako nang wala na si Edrix. Puting kisame ang nakikita ko at ramdam ko sa likod ko ang lambot ng kama.

“Shit!” mahinang napamura ako nang marealize ang nangyari.

Fuck! Napanaginipan ko sya!

Bumangon ako at sinampal-sampal ang sarili ko. I like him, already! Finally!

I bit my lower lip. Pakiramdam ko ay totoong-totoo ang nangyari. Damn! Nababaliw na ko!

Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Mabilis akong naligo at nagbihis saka bumaba. Natigilan ako nang nasa puno na ako ng hagdan. Pupunta ba akong kusina? Wala pa naman siguro si Edrix. Lumakad ako pero agad ding natigilan. Pano kung nandito na si Edrix?

“Aphro.”

Nanigas ako sa kinatayayuan ko. Boses 'yon ni Edrix. Nandito na nga sya!

Dahan-dahan akong lumingon. Umawang ang labi ko nang makita siya. Nakasapatos pa sya, nakapants na itim at naka longsleeves polo na kulay navy blue. Nakatupi 'yon hanggang siko niya. Napatitig naman ako sa mukha niya matapos pagmasdan ang hitsura nya. Kumikinang ang peircing nya sa kaliwang tainga tuwing tatamaan ng liwanag, ang buhok naman niya ay medyo magulo pero bumagay pa rin sa kaniya.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon