Chapter 13

203 14 1
                                    

Chapter 13
Aphrodite Wesley

Pagkatapos ng misa ay inaya pa ako ni Edrix sa gilid ng simbahan, nagsindi siya ng kandila at nagdasal tapos iniwan niya ako doon at lumapit siya sa wishing well. Pinagmasdan ko siyang maghulog ng barya sa tubig. Saglit pa siyang tumitig doon bago bumalik sakin.

Hindi ko alam bakit hindi pa rin ako nahuhulog sa kaniya. He’s a man of every woman’s dreams. Kung sa ibang pagkakataon siguro, baka nahulog na agad ang loob ko sa lalaking 'to.

“Tara na?” nakangiti niyang pag-aaya nang makarating siya sa harapan ko.

“Nagwish ka?”

“Oo, gusto mong malaman kung ano?”

Natawa ako. “Hindi ba dapat sikreto lang iyon? Baka hindi magkatotoo.”

Nagkamot siya ng batok saka mahinang tumawa. “Hindi naman ako naniniwala don. Kapag kasi nagwish ka, dapat kumilos ka rin, kung baga, pampalakas lang ng paniniwala ang wishing well. Sabi nga, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”

Pabiro akong umirap. “Ang dami mo talagang alam.”

Muli siyang tumawa at ginulo ang buhok ko. “Kaya nga pati mahalin ka nalaman ko.”

Naningkit ang mga mata ko. Dapat ay mailang ako sa sinabi niya pero napangiwi ako sa kakornihan niya. Ito ang isa sa bagay na wala si Phoenix, hindi siya nagsabi ng kahit na anong baduy ang dating sakin o baka masyado lang akong lunod sa pagmamahal sa kaniya kaya sa lahat ng sinasabi niya ay kinikilig ako.

Nagsimula kaming lumabas ng simbahan habang mahinang nagkukwentuhan.

“Sana madalas tayong makasimba.”

Saglit ko siyang nilingon. “Sobrang relihiyoso mo talaga no.”

“Malaki kasi ang pangangailangan ko sa kanya.” pabiro niyang sagot.

“Tulad ng ano?”

“Kailangan ko ang tulong niya para makumpleto ang buhay ko. Marami pa kasing kulang, isa ka doon.”

Doon ako hindi nakapagsalita. Kung kanina ay nabaduyan ako sa sinabi niya, ngayon ay napipilan ako dahil sa kakaibang hatid ng sinabi niya sakin.

Bigla siyang humalakhak at nagkamot ng batok. “Ang korni pa din. Mag cotton candy nalang tayo.” patakbo siyang lumapit sa nagtitinda ng cotton candy.

Dumiretso naman ako kotse pero hindi ako sumakay kaagad, humalukipkip ako at sumandal sa hood habang pinagmamasdan si Edrix. Naging ugali ko nang pagmasdan ang mga taong malalapit sakin. Gusto ko kasing makilala sila base sa mga kilos nila, pananalita at mannerism. Isa sa napansin ko kay Edrix ay pasensyoso siyang tao, kapag naiilang siya ay kumakamot siya sa batok, kapag may sinserong bagay siyang sinasabi ay diretso siyang tumitingin sa mga mata ng kausap niya at hindi niya ugaling itago ang nararamdaman niya.

Nang magsimula na siyang maglakad palapit sa akin hawak ang dalawang cotton candy ay umayos ako ng tayo.

“Here.” iniabot niya sakin ang isa na agad kong tinanggap. “Thanks.”

“Tara na? Maggogrocery pa tayo.” dinukot niya ang susi ng kotse sa bulsa niya saka lumapit sa pinto ng driver’s seat.

Nang makapasok siya ay inalis niya ang pagkakalock ng pinto ng passenger seat at saka lang ako nakapasok sa kotse.

“Aphro, okay lang ba na sa public market tayo bumili ng mga gulay, prutas at karne? Doon kasi talaga ako bumibili, mas nakakamura at siguradong fresh.”

Silang dalawa ni kuya ang talagang namamalengke, kung wala naman si kuya ay siya lang mag-isa kaya ngayon ko lang nalaman kung bakit fresh nga talaga ang mga gulay at prutas na binibili niya. Nakakamangha! Ang ugaling ito ni Edrix ang pinakahindi ko inaasahan sa kaniya. Matipid sya. Kung tutuusin naman ay mayaman talaga siya, kahit wala siyang pamilya ay may malaki siyang shares sa kompanya ni tito Fauv na umampon sa kaniya noon.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon