Chapter 1

585 21 0
                                    

Napaaga ang update hehe. Hello, mafias. Nainip ba kayo? Hindi ko pa rin natatapos is Autumn, patayin ko nalang kaya para tapos na? Hahaha

By the way, please be advised that i changed Aphrodite's age. Magkakaedad na sila nina Percy at Helleia. Nagkaroon kasi ng conflict kaya kailangan kong baguhin. Hassle haha

-

Chapter 1
Aphrodite Wesley

Pagkatapos ng kasal nina Helleia at Red, magkakasabay kaming umuwi nina kuya at Edrix. Bumalik sina Vangrey at Drake sa sari-sarili nilang penthouse at nanatili naman kami sa bahay na iniwan namin dati. Ang dating bahay kung saan kami sinugod ng mga pekeng kaibigan ni Helleia. Halos alas onse na at ramdam ko ang pananakit ng katawan ko at sobrang pagod.

“That was a very corny vow” maya-maya’y sabi ni kuya.

“Sana kanina mo sinabi, sa harap ni Red” tumatawang sagot ni Edrix.

Napailing nalang ako saka tuluyang pumasok sa bahay. Inilibot ko ang tingin ko sa malaking bahay na nababalot ng malamig na temperatura. Sobrang daming alaala dito. Alaalang naghahatid ng pait sa puso ko.

Pagod na ibinagsak ko sa sofa ang katawan ko saka mariing pumikit at hinilot ang sintido ko.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko yon pinansin. Nanatili akong napikit hindi dahil masakit ang ulo ko kundi dahil nakikita ko ang masayang mukha ni Phoenix na nabubuo sa madilim na imaheng nakikita ko habang mariin ang pagkakapikit ng mga mata ko. He’s so handsome and he’s a jerk! Iniwan nya ko kaagad.

I pictured his sweet smile and my heart started beating in an abnormal way. He’s the only one who can make me feel this way.

Totoo bang dumadalaw ang kaluluwa ng isang namayapa? Bakit hindi pa ko dinadalaw ni Phoenix? Palagi nalang sya sa panaginip ko nagpapakita, bakit hindi kapag gising ako? I want to touch him. I want to feel him. I want to hug him. I want to kiss him but i can't. I just can't

“Ano nanamang problema mo, Tae ka at tumawag ka nanaman sakin?”

Napamulat ako ng mata. Si Edrix ang nagsalita, nasa tabi ko sya habang hawak ang phone nya na bahagyang nakataas, nasa screen ang isang lalaking agad na ngumisi nang makita ako.

“Tsh. Sinabi nang wag kang magpapakita ng ngiting tae kay Aphro!” si Edrix ulit dahilan kung bakit nalukot ang mukha ng lalaking kausap nya sa phone

Tangina mo talaga, Cooper! Taehyung ang pangalan ko, gago ka! Ginagawa mong mabantot ang magandang pangalan ko!”

Humalakhak si Edrix, “Bumalik ka na kasi sa Korea, naiirita ako sa ngisi mo”

Umismid ang kausap ni Edrix sa phone, “Mas naiirita ako sa mukha mo, Cooper, pasalamat ka pa nga't may gwapong nakikitira dito sa bansa mo!”

Naiiling na tumayo ako saka naglakad palayo. Mahabang diskusyon nanaman ang mangyayari sa pagitan ng dalawang alien na to.

“Ano kamo? Gagong nakikitira sa bansa?”

“Ano yon? May torpeng panget na Cooper ang pangalan?”

“Tsk! Tae!”

“Tsk! Torpe na panget!”

Bumuntong-hininga ako saka umakyat ng hagdan. Hindi ko alam kung paano nila natitiis na kausapin ang isa't-isa gayong puro panlalait lang naman ang napag-uusapan nila. Nagsasayang lang sila ng load.

Oo nga pala, ang Taehyung na yon. Isa sya sa miyembro ng Black na tumulong sa amin noon. Nakasama namin silang tumira sa private island ni Hellion hanggang sa gumaling ang isang miyembro nilang nagkritikal noon.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon