Chapter 11

243 13 0
                                    

Chapter 11
Aphrodite Wesley

“Jethro Macaraig.” mahinang pagbanggit ko sa pangalan ng pamilyar na lalaking lumabas mula sa crossover na nasa loob ng lumang bodega.

Nandito kami ni Wayne sa itaas ng puno na medyo may kalayuan mula sa mataas na gate na pinuntahan ko nang maaksidente ako. Pareho kaming may hawak na telescope at pinapanuod ang mga taong nasa likod ng bakal na gate.

“Kilala mo?” tanong ni Wayne. Obviously. Tss!

“Shareholder ng Wesley Enterprise.” tiim bagang na sagot ko. Nagkamali ako ng pinaghinalaan. Akala ko ay si Mr. Sanchez ang mastermind ng child trafficking.

Napaismid ako. Totoo nga talaga ang kasabihang 'Don't judge the book by it's cover.' Isa si Jethro Macaraig sa mga mababait na shareholders ng Wesley. Iyon nga lang, isa rin siya sa bumoto para patalsikin kami ni kuya. Napailing ako. I didn't expect this!

Ibinaba ko ang telescope saka nilingon si Wayne. “Ano nang gagawin natin?”

Pinagtaasan niya ako ng kilay. “Huwag ka ngang atat diyan, Aphrodite. Ang utos ni Dart ay alamin lang muna natin kung sino ang mastermind at base sa kilos ng mga tao sa loob, ang Jethro Macaraig na 'yon nga ang lider nila.”

“So uuwi na tayo?” naiinis na tanong ko. Alas tres palang ng hapon, kanina lang kaming alas dos dumating dito at ganito lang matatapos ang araw na ito? Nakakawalang gana. Bakit ba hindi na namin pasukin?

Pumitik ng daliri si Wayne. “Tumpak! Tayo na.” nagsimula na siyang bumaba ng puno.

Umikot naman ang mga mata ko saka bumaba na rin. Leche! Edi sana hindi na ako sumama dito. Inis na bumaba na rin ako ng puno. Nagsimula kaming paglakad palayo para puntahan ang kaniyang ducati panigale V4. Obsessed kasi si Wayne sa mga motor, palibhasa mayaman ang pinagmulang pamilya kaya nakukuha lahat ng gusto.

Inalis ni Wayne ang mga dahon na nagkukubli sa motor niya. Pinaandar niya iyon saka tumigil sa tapat ko. Inabutan niya ako ng helmet, ang isa naman ay isinuot niya.

“Ayusin mo nga iyang nguso mo, Aphrodite, nanghahaba nanaman.” saway niya sakin.

Inismiran ko lang siya saka ako sumakay sa motor niya.

“Kumapit ka.”

Nangunot ang noo ko. “Kaya ko ang sarili ko.”

“Tss! Alam mong racer ako.” may pagbabantang sabi niya.

I made a face and rolled my eyes. Humawak ako sa baywang niya na ikinaigtad niya.

“Fuck! May kiliti ako diyan, Aphro!”

Umawang ang labi ko. “E saan mo ko balak pahawakin?”

“Diyan din pero ayusin mo!” hinawakan niya ang braso ko. Hinila saka iniyakap sa baywang niya. Napirmi sa tiyan niya ang mga kamay ko na magkasiklop na. “Ayan! Ganyan!”

Hindi na ako umimik. Umayos ako ng pagkakaupo at pagkakahawak sa baywang niya. Eksaktong pagbuhay niya muli ng motor ay may sumigaw mula sa likuran namin.

“HOY!”

Suminghap ako at lumingon sa likuran. May isang van na nakatigil at naglalakad palapit sa amin ang dalawang armadong lalaki. Nagtiim-bagang ako nang makilala ang van. Iyon ang van na ginamit ng mga kumidnap sa bata!

“Damn it! Ang gulo mo kasi, nahuli tuloy tayo.” paninisi sakin ni Wayne kaya kinaltukan ko siya.

“Aray!”

“Imbes na magsalita ka, bat di pa tayo umalis? Akala ko ba racer ka!” inis na sermon ko.

Tila natauhan naman siya at mabilis na pinasibad ang motor.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon