Chapter 37

261 12 0
                                    

Chapter 37
Aphrodite Wesley

EKSAKTONG pagputok ng araw, naglalakad na kami palabas ng DVU. Patay na si Toshiro Kobayashi maging ang lahat ng mga naniniwal sa kanya. May ilang estudyante pa kaming nailigtas at napakaganda ng dating n'yon sa pakiramdam ko.

“Ayos ka ba, Aphrodite?” seryosong tanong ni kuya nang makalapit sya sakin.

Naningkit ang mga mata ko at sinulyapan ang braso nyang tinatalian ng puting panyo. “Ako dapat ang nagtatanong sayo. May tama ka.”

He smiled. “Ayos lang ako.”

Lumingon ako sa paligid. Namataan ko si Mr. Lawrence at ang mga kaibigan nya. Nakangiti sila. Animo'y sobrang naligayahan sa kalayaang natamo nila ngayon.

Nahagip naman ng paningin ko si Aristotle Acosta. Tumingin sya sakin na tila naramdaman ang tingin ko. He slightly nodded at me. Ganoon din ang ginawa ko.

Pagkatapos ng unang pagsabog ay hindi na 'yon nasundan pa. Inidefused pala lahat ni Aristotle Acosta ang lahat ng bomba maliban sa naroon sa ilalim ng field kung saan nagtatago si Toshiro Kobayashi na natunugan ang pag-atake sa Kobayashi Clan sa Japan. Hindi inaasahan ni Toshiro na lalagyan ni Aristotle Acosta ng bomba doon dahil lubos nya itong pinagkakatiwalaan.

“PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT. PAGSISISIHAN NYO NA BINUHAY NYO PA AKO. BABALIKAN KO KAYO. LALONG-LALO KA NA ARIES! IKAW RIN HURRICANE AT MAGING IKAW AUTUMN SISON!”

Napatingin ako sa lalaking nagsisisigaw. Nakakadena ang katawan at mga braso nya. Hila hila sya ng mga mafia reapers ng Vandross.

“Ulol ka, Profan! Akala mo ba makikita mo pa ako kung makakatakas ka. Hindi na uy! Utot mo blue!” singhal ng babaeng kaibigan ni Mr. Lawrence, 'yong binigyan ko ng kutsilyo.

Mahina akong napatawa. The girl is crazy.

Pagkatapos namin doon ay agad kaming dumiretso ng uwi nina kuya. Mamaya ay pabalik na rin sina Red at sigurado akong kasama na nila si Helleia. Wala pang update tungkol sa nangyari sa Madrid at sa Japan pero batid kong ligtas ang lahat.

Agad akong dumiretso sa kwarto at inalis lahat ng damit ko. Walang saplot akong pumasok sa banyo at binuksan ang shower. Tumapat ako sa rumaragasang tubig at hinayaang yakapin ng lamig ang buong katawan ko.

Ikinuyom ko ang mga kamao kong nakapahinga sa tile wall. Gustong-gusto ko nang makita si Edrix pero pinipigilan ko ang sarili ko. Kailangan nya ng oras para sa personal na buhay nya at ayokong maging distraction nanaman ako sa kanya. Alam kong matagal na nyang gustong hanapin ang nakaraan nya, ang pagkatao at pamilya pero pinipigilan 'yon ng nararamdaman nya para sakin at ngayong nagkaroon sya ng kalayaan na hanapin ang pamilya nya na ang sanhi ay ang kabiguan mula sakin.

Akala nya...hindi ko sya mahal!

I gripped my chest tight and squezed my eyes close.

***

TANGHALI nang makauwi sina Killiana kinabukasan. Nakaabang kami sa bahay nina Red at Helleia pero masamang balita ang sumalubong sa amin. Naiwan sina Mr. Morfell, Red at Helleia sa Madrid dahil hindi pa nagigising ang mag-asawa. Natadtad ng bala si Red. Nakunan si Helleia at binabantayan ni Mr. Morfell ang dalawa.

“Anong sabi ng doktor tungkol sa kalagayan nila?” nag-aalalang tanong ko kay Natsume.

“It's their brain who doesn't want to wake up. Siguro ay hindi pa sila handang harapin ang realidad.”

Napatango ako at tiningnan si Killiana. Bakas sa kanyang mukha ang hindi maipaliwanag na emosyon na batid kong dahil sa nangyari kay Helleia at Moonstone. Si Sasuke ay kasama nina Mr. Troyes sa Morfell Palace. Bumalik naman sa Falcon Company sina Vangrey at Drake habang si Wayne ay naroon na ulit sa Vandross Lab.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon