Chapter 40

325 15 1
                                    

Chapter 40
Aphrodite Wesley

THREE YEARS LATER...

WE ARE CELEBRATING Helleia's graduation. Narito kaming lahat sa bahay nila ni Red. Napangiti ako habang pinapanuod si Red na nakaunan sa hita ni Helleia. Tatlong buwan na itong buntis at pansin ko na apple nanaman ang pinaglilihian nya.

“Greyson, lapit ka kay tito pogi, dali!” tawag ni Wayne kay Greyson na ngayon ay tatlong taon na. Sya ang anak nina Mr. Morfell at Danger. Si Danger, nakakulong pa rin pero alam kong hinihintay sya ng mag-ama nya.

“Lapit ka daw kay tito pogito, Greyson.” natatawang sabi ni Drake. Kaakbay nya ang kasintahan nya.

Nakasimangot si Greyson dahil siguro alam nito na panggigigilan nanaman sya nina Wayne.

“Bobololobolobolo!” halos pahiyaw na sabi naman ng anak nina Vangrey at Alyssa.

Humalakhak ang mga kalalakihan na pinangungunahan ni Percy—ang totoong Percy.

“Bobo raw kayo sabi ni Cyrus! Hahahahaha!” humahalakhak na pang-aasar ni Percy kina Wayne at Drake.

Napailing nalang ako.

Nakangusong lumapit si Wayne sa kasintahan nya na kakuwentuhan ni Alyssa.

“Irog ko, inaaway nila ako.”

Inirapan sya ng kasintahan. “Ewan ko sayo, Wayne. Tigilan mo ko kundi sisipain kita. Nag-uusap kami ni Alyssa, ha!”

Natawa ako saka tumingin sa paligid. Abala sa pagsasaya ang iba na para bang kasalan ang naganap at hindi graduation. Dinudutdot-dutdot naman ng anak nina Van ang cake na kinakain ni Rage, ang bunsong kapatid nina Danger at Percy.

Umayos ako ng upo at nahagip ng naman ng paningin ko si kuya na kausap si Daemon Ace. Tulad ni Edrix ay hindi pa rin bumabalik si Maria. Walang paramdam na para bang nag-usap sila na huwag kaming kontakin.

Napayuko ako matapos uminom ng wine. I'm already 24 years old at ako na talaga ang nagpapatakbo sa Wesley Enterprise. Nagresign na si Charity dahil nahanap na nito ang lalaking mapapangasawa nya.

Tiningnan ko muli ang mga mafia reapers ng Vandross at Morfell. Van is happily married. Wayne found his woman na matagal nyang hinabol-habol and Drake is courting his girl. Si Fire Collins naman ay naayos na ang gusot sa pagitan nila ng asawa nya. 

Tumayo ako nang maubos ko ang wine. Agad akong napansin ni Helleia. “Aphro, aalis ka na?”

Ngumiti ako at inilapag sa coffee table ang hawak kong baso. “Oo. Maiwan ko na kayo. Congratulations ulit.”

“Salamat pero maagap pa ah. 3pm palang.”

Namulsa ako. “May pupuntahan ako e. Sige, Helleia, Red.” kumaway ako sa kanilang dalawa.

Nilingon ko naman si kuya na tinanguan ako. “Ingat, Aphrodite.”

Tumango lang ako at lumabas na. Nilaro-laro ko sa daliri ko ang susi ng kotse ko habang palapit doon. Nang makasakay ako ay agad kong inayos ang rear mirror saka nagsuot ng seatbelt.

I drove off to the nearest grocery store. Kumuha ako ng cart saka nagsimulang maglagay ng mga groceries at kung ano-anong magustuhan ko. At exactly 3:38 pm ay nakapila na ako sa counter.

“Six thousand four hundred and fourty-five cents, ma'am.”

Tumango ako sa cashier saka binayaran ng cash. Tinulungan naman ako ng bagger na ilagay ang mga pinamili ko sa kotse.

***

I REACHED my destination at exactly 4:35 pm. That was tha fastest drive i've done at sigurong sesermonan ako ni kuya kapag nalaman nya 'yon.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon