Epilogue

626 19 6
                                    

Thank you for reaching this far :) sana patuloy nyong suportahan ang series. I love you, guyssssss

Stay safe ;)

-

Edrix Cooper Alzona

IT'S NOT EASY to lose everything when you're still young. You have to live on your own. Stand on your own and cry alone. In my case, i never felt like i was alone. Even from the very beginning, mayroon akong nakakasama, hindi nga lang literal dahil nasa isip at puso ko lang sya.

I was around 3 to 4 years old when my father died. Iniwan nya ako sa bahay ampunan. Ayoko doon. Maraming mga bata at may nag-aalaga sakin pero ramdam na ramdam ko ang lungkot. I ran away when i turned 5 years old. At the age of 5, malawak ang imahinasyon ko, just like the other kids, i dreamed of becoming rich in an instant but i'm just too young. Isang linggo rin akong naging palaboy hanggang sa may grupo ng mga armadong lalaki na kumuha sa sakin, sa amin na mga batang kalye.

Habang nakapiring ang mga mata at nakatali ang mga kamay sa likod ay pinakikiramdaman ko ang paligid.

Rinig ko ang mumunting iyak ng mga batang kasama ko at ang nanginginig nilang pakiusap na pakawalan sila.

“Anong sabi ni boss? Ibabyahe na ba natin ang mga batang 'to?” rinig kong sabi ng isang boses.

Saan nila kami dadalhin?

“Hindi daw muna. Mainit tayo sa mata ng NBI, may organisasyon din daw na nakikialam sa negosyo natin sabi ni boss.”

Nanatili akong nakikiramdam hanggang sa tumahimik ang paligid. Mukhang umalis ang mga lalaki. Ginalaw-galaw ko ang pisngi ko para sana lumuwag ang piring ko pero masyadong mahigpit. Sinubukan kong alisin ang tali sa kamay ko pero wala rin akong magawa.

“Makakaalis pa ba tayo dito?” rinig kong tanong ng batang babae na umiiyak.

“Hindi ko rin alam. Baka patayin nila tayo.” sagot ng boses ng batang lalaki.

“Baka hindi ko na mahanap ang nanay ko!”

“Ayoko pang mamatay!”

Sabay-sabay na halos silang nagsasalita kaya hindi na halos sila magkaintindihan. Mariin akong pumikit at pinagbuti ang pagkalas ng tali sa kamay ko. Napabuntong-hininga ako at tuluyang sumuko nang nanakit nalang ang pulsuhan ko ay hindi pa lumuluwag ang tali sa kamay ko.

Ilang araw din kaming nanatili sa maruming lugar. Pinakakain kami ng mga lalaki. Wala na ang piring at tali sa mga kamay namin pero lahat kami ay may nakakabit na kadena sa paa. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang gawin ito pero hindi ko sila papayagan na magtagumpay.

Isang gabi, habang tulog na tulog na ang mga batang kasama ko, sinubukan kong hilahin ang paa ko mula sa nakakabit na bakal pero ayaw rin maalis.

“Ah! Aray!” mahina akong dumaing nang masugat ang balat ko dahil sa bakal.

Niyakap ko ang mga binti ko saka isinubsob ang mukha ko sa tuhod ko. Dapat siguro ay hindi na ako umalis sa bahay-ampunan.

Nakakatulog na ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Napatayo ako at pilit na sumilip sa mataas na bintanang maliit. Nakakakita ako ng mga ilaw at nakakarinig ako ng malalakas na yabag. Nagising ang mga batang kasama ko at nagsiksikan sila sa isang sulok. Takot na takot.

The gunshots eachoing in my head introduced me to the world i never expected to be part of.  Saka ko lang napagtanto ang kinahinatnan ng pagtakas ko sa ampunan. I was kidnapped and almost sold to become an organ donor.

Pagkatapos ng engkwentro ay nanatili kami ng mga kasama kong bata sa presinto dahil susunduin daw kami ng DSWD. I was tempted to run away again until i saw a kid. Hawak sya ng isang pulis habang kumakain ng ice cream.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon