Chapter 4

255 15 0
                                    

Chapter 4
Aphrodite Wesley

Mataman kong pinagmamasdan ang bawat kilos ni Mia. Panay ang halakhak niya habang nakikipagkuwentuhan kay Edrix na kumakamot lang ng batok habang tipid na ngumingiti pero paminsan-minsan din ay pumuputok ang halakhak niya na ikinakukunot ng noo ko. He's not like that everytime he's with me. Limitado ang bawat kilos niya na tila ba pinag-iingatang makagawa ng kilos na ikagagalit ko. Iyon nga lang, minsan ay humuhulagpos siya sa limitasyon at nakakapagsalita ng hindi ko gusto.

“You know what, Eydriyx, i tried to look for you and Dart kaya. You are so mahirap hanapin lang talaga. Luckily, i came here to unwind. I'm so stress these past few days kase, modeling is just so stressful.”

Kumunot ang noo ko. May problema pa rin siya sa dila niya. Ano kaya kung hilahin ko at iplantsa para matuwid?

“Hehehe. Mabuti naman natupad mo na ang pangarap mo, Mia.” nakangiting komento ni Edrix saka uminom ng beer.

“I know right. I'm so maganda kaya, Eydriyx. Diba, i'm so maganda?”

“Hehehe. Oo ah!”

Tumayo ako. Mukhang nakalimutan na niyang kasama niya ako at birthday ko ngayon.

“OH MY GOSH!”

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong napatalon si Mia habang nanlalaki ang mga mata. Tumapon ang juice sa dibdib niya at nasa pagitan nito ang ice cube na halos tunaw na.

“Eydriyx, pakiget mo nga. It's cold! It's cold!”

Napamaang ako. What?

“Ha? Pero...”

“Come on, Eydriyx! It's so cold!!!”

Bumuga ako ng hangin. Nakita kong kinuha ni Edrix ang pansipit ng yelo at bago ko pa makita ang kasunod niyang gagawin ay tumalikod na ako at lumabas.

Naiinis ako. Naiinis pa rin ako kay Mia. Mula pagkabata namin ay palagi na niyang inaagaw ang atensyon nina kuya sakin.

Lumabas ako ng bar at tumayo sa gilid ng poste ng ilaw.

“Yosi kayo diyan! Yosi!”

Tiningnan ko ang bata lalaking nagbebenta ng sigarilyo. Bahagya akong tumingala sa kalangitan. Maliwanag pa. Pumikit ako sandali. Isa lang Phoenix.

“Psst!” sinitsitan ko ang bata. Lumingon naman ito sa akin at agad na lumapit. “Pabiling isa.”

“Anong sigarilyo ho?”

Kunot-noong tiningnan ko ang mga tinda niya. Iisang klase lang naman e.

“Marlboro, 'yang pula. Isa lang.”

Kumuha sya ng isang stick at iniabot sakin. Binayaran ko siya ng isang daang piso. Kumamot naman siya ng batok. “Wala ho akong barya.”

Kinuha ko ang lighter mula sa kahon na hawak niya saka sumindi. “Sa'yo na 'yang sukli.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Talaga ho? Salamat ate!”

Tumango lang ako. “Hmm..”

Tinanaw ko siya habang naglalakad palayo. Sa tantiya ko ay nasa pitong taon lang siya. Bigla siyang tumigil at humarap sa akin. Ngumiti siya. “LAST NA DAPAT 'YAN, ATE. MASAMA SA KATAWAN ANG SIGARILYO!”

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon