Chapter 2

374 17 0
                                    

Chapter 2
Aphrodite Wesley's POV

I woke up late next morning. It's almost 10 am and my head's spinning. Mariin kong kinagat ang pang-ibaba kong labi saka bumangon. Dumiretso ako sa bintana saka binuksan ang kurtina. Nasa bandang likuran ng bahay ang kwarto ko at may pool sa likod nito. Ang bahay na ito ay ang bahay ni Red, dito kami tumira dahil ang sabi nya ay wala namang maninirahan dito, lumipat kasi silang mag-asawa sa bahay ng mga Vandross.

Sa gilid ng pool ay napansin ko si Edrix na nililinis ang tubig. Inaalis nya ang mga dahon na nakalutang. Nakahubad baro sya, lantad ang maputi at magandang hulma ng katawan. May suot syang shorts sa pang-ibaba at may maliit na towel sa balikat.

Umawang ang labi ko nang hagurin nya pabalik ang buhok nya saka itinigil ang ginagawa at kinuha ang isang bote na may tubig sa gilid nya, uminom sya doon saka ibinuhos ang kaonti sa kanyang buhok at ginalaw pakaliwa't pakanan ang ulo nya.

Nahigit ko ang hininga ko saka umatras. Hinawakan ko ang kaliwang bahagi ng dibdib ko, wala akong nararamdamang kung ano para sa kanya. Normal ang tibok ng puso ko at wala akong naramdamang kahit anong pagkakagusto pero mayroong kaonting atraksyon na normal lang naman na maramdaman ko. He's handsome, sweet, gentleman and all. Basta lahat ng magandang katangian ay nasa kanya na. He's almost close to a saint, kung hindi lang sya mafia reaper at kung hindi lang sya nagmumura, pwedeng-pwede na syang ihanay sa pila ng mga pinakamababait na tao na siguradong pangungunahan ni Percy.

I tightly shut my eyes. I've been waiting for my heart to beat for him pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari. Gusto ko na ring magmove on at harapin ang bagong pag-ibig na kumakatok pero ayaw naman ng puso ko.

"Aphrodite"

Mabilis akong napapunta sa may pintuan at binuksan 'yon, "Kuya"

Inaayos nya ang collar ng suot nyang polo, "Aalis na ko, ngayon na namin sisimulan ang pag-aayos kina Kei, Lei at Jelly."

Nangunot ang noo ko, "Diba dapat kanina ka pa umalis?"

"I was waiting for you to wake up saka kadarating lang ni Emerald galing U.S"

Tumango ako at tipid na ngumiti, "Ingat"

"Hmm" hinapit nya ang likod ng ulo ko saka pinatakan ng halik ang noo ko, "Nagpaalam sakin si Edrix na may lakad kayo ngayon. Ang sabi ko ay hanggang alas sais lang kayo. Hindi lalagpas, Aphro, hmm"

"Yes, kuya"

"Happy birthday nga pala."

"Thanks"

"Anong gusto mong regalo?"

Napangiti ako saka umiling, "Wala, kuya. Okay lang ako."

Ngumuso sya, "Hindi pwedeng wala. Mamaya pag-uwi nyo ni Edrix, lalabas tayo, kakain tayo sa labas"

"Sure"

"Sige sige. Aalis na ko." tinanguan ko lang sya, nagsimula naman syang maglakad pero bigla ring humarap sa akin, "Alas sais ha"

Natawa ako, "Yes, kuya"

Pagkaalis nya ay bumalik ako sa kwarto at mabilis na naligo sa banyo. Agad din akong lumabas at nagluto ng pananghalian. Saktong natapos ako ay pumasok naman ng kusina si Edrix. Nakaligo na sya at nakasuot lang ng cargo shorts at pulang shirt.

"Hey! Anong niluto mo?"

Inilapag ko sa lamesa ang niluto kong pinakbet at pritong tilapya. Ngumisi sya nang makita 'yon, "Hmm! Amoy palang masarap na."

Ngumiti lang ako at akmang kukuha ng plato nang hawakan nya ang braso ko, "Ako na, Aphro"

Hinayaan ko syang kumuha ng plato, kutsara't tinidor saka pitsel at tubig. Naupo naman ako at hinayaan syang lagyan ako ng plato sa harapan ko.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon