Chapter 33

206 10 0
                                    

Chapter 33
Aphrodite Wesley

BUMALIK kami sa bahay nina Red at Helleia matapos naming umuwi at maligo sa bahay. Tumawag kasi samin si Sasuke na pinatawag sya ni uncle Fauv, pinapunta silang dalawa ni Percy sa Vandross. Sa tingin ko ay may kinalaman kay Helleia ang pag-uusapan nila.

Nagcommute ulit kami ni Edrix papunta sa bahay nila Helleia. Naabutan naman namin sina Sasuke at Percy na parehong nag-aabang sa labas.

“Where's Red?” tanong ko kaagad kay Percy.

“He left to fetch young miss, Miss Aphrodite.”

Tinanguan ko lang ang pormal na sagot ni Percy. Hanga talaga ako kay uncle Fauv. Talagang tinupad nya ang pangarap ni Percy na magkaroon ng robot na kamukha. Dalawa na ang robot na kamukha ni Percy, ang una ay ang AI 1 na kamukha ng batang si Percy at itong AI 2 na kamukha ng binatang si Percy.

Noong una ay awkward ang pakiramdam dahil nakilala namin sina Percy at uncle Fauv na dalawa na ang Percy, isang robot at isang tao na akala ko noon ay magkakambal pero hindi pala.

“Alis na kami. Pinagmamadali kami ni Mr. Enrile e.” paalam ni Sasuke.

Tinanguan ko silang dalawa ni Percy at pumasok naman kaming dalawa ni Edrix sa loob ng bahay.

Nagkatinginan kami ni Edrix. Pasulyap-sulyap kasi sya sakin kaya hinuli ko ang tingin nya

“What is it, Ed?”

Umiling sya at bahagyang ngumuso. “Gusto ko pa ring malaman kung bakit tinangka mong makipagbreak sakin.”

Umiwas ako ng tingin at kinuha ang remote. Binuksan ko ang tv at naghanap ng magandang palabas. I kept on changing the channel hanggang sa biglang agawin ni Edrix sakin ang remote at pinatay ang tv.

Naupo sya sa tabi ko at tiningnan ako sa mga mata. “What's the reason, Aphro? Kailangan kong malaman kung bakit tinangka mo ang bagay na 'yon.”

Umiling ako. Lumunok bago nagsalita. “Wala. Walang dahilan. I-I was just...testing you.”

“Think of another convincing reason, Aphrodite. You cried and i know something's not right. Please tell me so i can help you...” may pagmamakaawa na sabi nya saka hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.

He kissed my fingers that made my heart skip a beat.

Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Paano kung nakikita kami ni Primo ngayon at bigla nyang saktan si Edrix?

Tumingin ako sa paligid. Saka ko lang naalala na narito kami sa bahay nina Red at Helleia. Right, ligtas kami dito.

“Aphrodite...”

Tiningnan ko si Edrix. Bumuka ang bibig ko para sagutin ang tanong pero hindi ko magawa. Sa huli ay umiling ako. “Please don't ask, Edrix, hindi ko sasabihin sa'yo ang totoong dahilan.”

Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga. “Is this because of him? Primo?”

Mariin akong pumikit. Tinatagan ko ang damdamin ko. Hindi nya pwedeng malaman na binablackmail ako ni Primo dahil bakas mas maraming madamay.

“Hindi, Edrix...”

“Then what?”

Sinalubong ko ang nagagalit nyang mga mata. Humugot ako ng malalim na hininga. Kailangan kong sundin ang sinabi ni uncle Fauv. Kailangan kong magdesisyon dahil aniya ay malapit na ang totoong laban.

“Aphrodite!”

Marahas akong tumayo. “Because i still love Phoenix!”

Gusto kong bawiin pero hindi ko magawa. Pinigilan ko ang pangingilid ng luha ko nang umawang ang kanyang labi. Bakas sa mga mata ang sakit.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon