Chapter 10

278 11 3
                                    

Chapter 10
Aphrodite Wesley

“Delikado na iyan.” natigilan ako sa ginagawa ko nang punahin iyon ni Daemon. Nasa likuran ko siya, may hawak na mansanas at panay ang kain. Nandito kaming dalawa sa sala ng bahay, umaga palang at kaaalis pa ni kuya at Edrix nang dumating si Daemon.

Hindi ako nagsalita. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako kapag nasa paligid siya. Even by hearing or thinking of his name sends me goosebumps. Katulad ng kilabot na nararamdaman ko kapag nakikita ko ang malamig na tingin ni Red at walang emosyong mga mata ni Fire Collins.

Ewan ko ba. Magkakakilala naman kami nina Daemon mula pagkabata pero hindi pa rin ako komportable sa kaniya.

“Stop digging deeper, Aphrodite. Hindi mo magugustuhan ang makikita mo sa site na iyan.” muling saway sakin ni Daemon.

Binasa ko ang nasa screen. Nasa isang site ako na may pangalang GrislySite.com. Kinakailangan dito ang membership account at payment bago mabuksan ang site. Kung tutuusin ay kaya ko itong buksan gamit ang isang dummy account. I'll just have to change the IP address into a registered address ng site para makapasok.

Hindi ko alam kung bakit pero kusang gumalaw ang mga daliri ko para makapasok sa forbidden site ngunit bago ko pa matapos ang aking ginagawa ay pinigilan ako ng isang mahigpit na hawak sa aking pulsuhan. Napaigtad ako at mabilis na tumayo. Kumalat ang takot sa aking pagkatao nang makita ko ang matalim na tingin sa akin ni Daemon.

“You wanna know what's in that site? Those are videos and photos of a women who's being forced sexually. They are crying, they are begging, they are suffering and dying..”

Lumalim ang paghinga ko. Ang aking mga mata ay mabilisang nag-init. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung galit ba, takot o awa. Gumagap ako ng hangin. Nahihirapan akong huminga at mas lalong nahihirapan akong tanggapin na may mga babaeng nagdudusa sa mga bakal na kamay ng mga taong hayok sa laman.

Bumalik sa aking alaala ang sakit at takot na naranasan ko nang gahasain ang ina at tiyahin ko. Ang panginginig at pandidiri nang muntik na akong gawan ng masama ng mga taong iyon na halang ang bituka. Ang galit at awa na naramdaman ko nang babuyin ng mga hayop na iyon ang kuya ko sa mismong harapan ko.

Nanginig ang aking mga kamay. Hindi ko napigilang mapaluha habang bumabalik sa akin ang alaalang iyon. Akala ko ay okay na ako ngunit hindi pa pala. Narito pa rin ang sakit. Ang takot at ang hindi magandang pakiramdam na tila ba may nakatingin sa akin habang nakangisi ang mga labi. Mga matang tila tumatagos sa aking katawan. Mga matang hayok sa laman na hindi maaring hindi katakutan.

“Stop butting in to something that ain't your concern.” dugtong niya saka kinuha ang laptop na ginagamit ko kanina.

Naupo siya sa sahig saka sumandal sa pang-isahang sofa. May pinagpipindot siya sa keyboard. Mabilis at pulido ang galaw ng mga daliri niya. Wala naman akong nagawa kundi pagmasdan siya at hayaan nalang na gawin ang dapat ay trabaho ko.

Malakas pa rin ang kabog ng aking dibdib. Natakot ako sa maari kong makita kung sakaling hindi ako napigilan ni Daemon kanina. Natakot at nasaktan ako para sa mga babaeng nabanggit ni Daemon. I've seen how a monster destroy lives and i don't think i can watch another helpless people being maltreated and violated.

Tinapik ni Daemon ang mahabang sofa. “Sit here, lady. I hate seeing a woman's fear over that particular and disgusting act. Calm yourself before i call Dart to calm you down.”

Lumunok ako saka dahan-dahan naglakad palapit sa kaniya. Muntik pa akong matalisod dahil sa panginginig ng aking mga tuhod. Nang makaupo ako ay muli akong napaigtad nang lingunin ako ni Daemon. Ang natural na matalim niyang tingin ay naghatid ng milyon-milyong takot sa akin.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon