Chapter 42

449 14 3
                                    

Chapter 42
Aphrodite Wesley

ISANG LINGGO  na ang lumipas mula noong umuwi si Edrix. Palagi kaming magkasama at ngayon ay inaasikaso nya ang papers nya para sa paglipat nya sa University dito sa Pilipinas. Sa tatlong taon na nawala sya, nalaman kong nag-aaral pala sya ng medisina. He wants to be a General Surgeon at sobrang proud ako nang malaman ko 'yon. He's in second year college. Mahabang panahon pa ang ilalaan nya sa pag-aaral dahil pagkatapos nya sa four years degree, ay may four years sa medical school pa at dapat magkaroon sya ng alteast five years of residency.

Isa lang ang ibig sabihin n'yon, kailangan kong maging matiyaga sa paghihintay sa kanya dahil alam ko naman na kasama ako sa mga pangarap nya.

“Baby, naipon ko na lahat ng requirements ko, bukas pupunta na ko sa University kung saan nagcollege si Helleia.” nilapitan ako ni Edrix na bitbit ang folder na ipinadala ng mom nya mula sa ibang bansa.

Nginitian ko sya at hinalikan sa pisngi. Binabasa ko ang reports na inisend sakin ng sekretarya ko galing sa accounting department habang nakaindian dit dito sa couch.

Naupo sa tabi ko si Edrix at ipinatong sa coffee table ang dala nya. Inakbayan nya ako saka inamoy-amoy ang buhok ko.

“Wala ka nang lakad?” tanong ko habang nakatutok pa rin sa laptop.

“Hmm, meron, pero kasama ka kung hindi ka na busy?”

Napalingon ako sa kanya. “Saan naman tayo pupunta?”

He smiled. “Susunduin natin 'yung kapatid ko sa airport kasama 'yung nobyo nya.”

Napatango-tango ako. Nabanggit na nya sakin ang nag-iisang kapatid nya na babae at naiintindihan na daw nya ngayon kung bakit mula pa noon ay napakaprotective ni Dart sa kanya.

“Hmm? Titira ba sya dito?”

Umiling sya kaagad. “Hindi, sa condo sya titira kasama ang nobyo nya. She wants to graduate from medschool and take residency to become an ob-gyn.”

Napatango ako. Napakahabang proseso talaga ng pag-aaral ng medisina. Tulad nalang ni Helleia na gustong maging heart surgeon. Pagkapanganak nya at kapag daw naka isang taon na ang magiging baby nila ni Red ay tutuloy sya sa medschool at magiging isang ganap na heart surgeon.

“Why?” kunot-noong tanong nya nang mapansin ang titig ko.

“Pwede ba kong magdemand ng kasal para masiguro kong akin ka hanggang sa grumaduate ka at maging isang magaling na doktor?”

Tumawa sya at ginulo ang buhok ko. He peck on my lips. “Pakakasalan po kita, hindi mo kailangang magdemand.”

Umawang ang labi ko nang unti-unti syang lumuhod sa harapan ko at may dinukot na itim na ring box sa bulsa nya. Nahigit ko ang hininga ko nang buksan nya 'yon. Isang magarang singsing na may blue diamond sa gitna.

Nangilid ang luha ko. Kasabay n'yon ang mga hiyaw, palakpak at malakas na boses na kumakanta.

“~Wag kang maniwala diyan, di ka nya mahal talaga—aray!”

Napalingon ako kay Percy na hindi na natuloy ang kinakanta dahil nadapa sya nang patirin ni Daemon Ace. Nagtatawanan ang mga kasama nina Percy dahil sa kabaliwan nito.

Sunod-sunod na pumasok sina Helleia kasama sina Wayne at ang mga kasintahan nila.

Napatingin ako kay Edrix na biglang tumayo. Galit nyang tiningnan si Percy. “Percius baga! Kinakabahan na nga 'ko dito!”

Natawa ako. Kasi naman, kailangan ba talagang kasama ang lahat sa pagpopropose nya?

Humagikgik si Percy saka binuksan ang cellphone nya at nagpatugtog ng malakas. Napangiwi naman ako sa pinatugtog nya. Versace on the floor.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon