Chapter 39

263 15 0
                                    

Chapter 39
Aphrodite Wesley

HALOS ISANG TAON na ang matulin na lumipas. Naging abala ako sa Wesley Enterprise. Totoong ipinasa sakin ni kuya ang posisyon nya bilang CEO at nagulat ako dahil bago na ang mga shareholders ng kompanya. Ngayon ay kampante rin akong makakapagtrabaho ako ng maayos dahil wala na ang mga shareholders na minamaliit ang kakayahan ko.

“Miss Aphrodite, narito na ang reports from accounting department.” inilapag ni Charity ang isang folder sa harapan ko.

Tiningnan ko sya. “Thank you, miss Cha.”

She laughed. “You're the boss, why are you calling me miss Cha?”

I just smirked at her. Matagal syang nagsilbi sa amin, kay kuya kaya ayokong magkaroon sya ng dahilan para magresign dahil aaminin kong hindi ako magkakandaugaga sa trabaho kung wala sya. Masyado na rin kasing busy si kuya after nyang maappoint bilang President A.M Steel Company.

Hinilot ko ang sintido ko nang pumitik ito. As usual, hindi ako nakatulog kagabi. Ilang buwan na akong inaatake ng insomnia at hindi na rin ako nakakapagpa check up.

Almost one year na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Edrix. Kahit mensahe o balita manlang ay wala. Hindi ko alam kung nasaan sya. Kung anong ginagawa nya. Kung kumusta na sya. Lumipas ang pasko, bagong taon, birthday nya, birthday ko na wala manlang akong narinig o natanggap mula sa kanya. Not even a single text saying 'hi'. Sinubukan kong kausapin si Daemon tungkol sa kinaroroonan ni Edrix but he feircely refused to tell a thing. Ang laki-laki ng Madrid kaya hindi ko sya mahahanap kung pupunta ako doon.

Sa sobrang desperada kong mahanap sya ay pati records ng flights sa mga airports noong araw na umalis sya ay ninakaw ko sa database ng airports. Pati ang mga pangalan ng pumasok sa Madrid after his disappearance ay kinolekta ko pero wala ang pangalan nya. Of course, mag-iingat sya ng sobra, alam nya ang kakayahan ko sa computer.

Months after ng gulo noon ay naging miserable ako. Kahit naman hanggang ngayon. May mga oras na napapaiyak nalang ako sa sobrang lungkot na nararamdaman ko. May mga gabing naglalasing ako sa bar kasama ang Code Zero na kung hindi man si Wayne ang susundo sakin ay si Charity.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Sumilip si Charity. “Miss Aphrodite, hindi ka pa ba uuwi? Alas diyes na ng gabi, overtime nanama ako dahil sayo.”

Natawa ako. “Go home, miss Cha. Mamaya ako uuwi.”

Wala rin naman kasi akong dadatnan sa bahay. Bihirang-bihira umuwi si kuya. Limitado rin ang oras nya dahil busy sya masyado sa kompanya.

Pumasok si Charity at naupo sa couch. “I'll stay.”

Hinayaan ko nalang syang humilata sa couch. Sumandal naman ako sa sandalan ng swiveling chair saka hinilot ang batok ko.

Mariin akong pumikit at doon ako muling sinalakay ng alaala ni Edrix. I felt the familiar pain in my heart so i stood up and grab my coat. Nilingon ko si Charity na bumangon din.

“Let's go, miss Cha.”

Sabay kaming lumabas ng office. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa tuluyan kaming makalabas ng building.

“May sasakyan ka ba, miss Cha?”

Charity pointed the scooter beside my car. “Hayon, miss Aphrodite, wag kang mag-alala sakin.”

Tumango ako. “Get home safe, miss Cha.”

She playfully salute at me. “Yes, boss.”

I just chuckled at lumapit sa kotse ko. Charity Alegre is older than me kaya pakiramdam ko ay may ate ako.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon