Chapter 23

239 10 3
                                    

Chapter 23
Aphrodite Wesley

What a life! I didn't know i'd explode like that. That bitch is pushing me to my limit. How dare her flirt with Edrix and kuya? Right infront of us! She have the guts!

"Aphro..."

Nilingon ko si Edrix, he's driving at nasa tabi nya sa passenger seat si kuya. Nasa likod naman ako habang nakahalukipkip at nakatingin sa bintana. I admit, i'm jealous but i will never tell Edrix.

"You okay?" muli nyang sabi.

Saglit ko siyang tinitigan. Nakakunot ang noo ko at alam kong hindi maganda ang timpla ng mukha ko. "You think i'm okay?"

Bumuga siya ng hangin. Pasulyap-sulyap siya sakin sa rear mirror pati na rin si kuya. "Mia is just a friend. We don't have anything special."

Mas lalong nalukot ang mukha mo. "Are you defending her?"

"What?" sumulyap siya sakin sakin saka muling tumingin sa daan. "Hindi ko siya pinagtatanggol, Aphro."

"You sounded like defending her. Do you like her, Edrix?"

"Why would i like her? I have you."

Sarkastiko akong tumawa. "Wow! Now you're trying to slip away."

"I didn't mean it like that, Aphro."

"Just admit it, Edrix, she affects you in some way! Ni hindi ka nga nagreklamo nang hawakan ka niya!"

Biglang tumigil ang sasakyan. Tumalim lalo ang tingin ko sa kaniya. I'm not wearing my seatbelt, muntik na akong masubsob!

Marahas siyang pumihit paharap sakin. "Hindi ako nagreklamo dahil ayokong masaktan 'yong tao. Alangan namang itulak ko palayo?"

Hinampas ko ang sandalan ng driver's seat dahilan para manlaki ang mga mata niya. "Anak ng tokwa naman, Edrix! Sobrang gentleman mo naman! At hindi ko naman sinabing itulak mo siya! Ang sinasabi ko parang gustong-gusto mo pang hinahawakan ka niya!"

Inihilamos niya ang palad sa sariling mukha. Tila problemadong-problemado. Napailing-iling ako at ikinuyom ang mga kamao ko.

"I already explained my side, Aphrodite! Ano pang kulang?"

Dinuro ko siya. "Kulang ka sa konkretong depensa, Edrix! Ang sabihin mo, gustong-gusto mo lang talaga na hinahawakan ka ng babaeng 'yon!"

"Hindi ko gustong hinahawakan nya ako!"

"E bakit hindi ka nagreklamo?"

"Dahil ayokong ipahiya 'yong tao!"

"Puro ka palusot!"

"My God, Aphro! Saan ka ba nanggagaling?"

"My God, Edrix! Saan ba tayo patutungo! Kung harap-harapan mo kong pagseselosin kalimutan mo nalang ang panliligaw mo!"

Natahimik siya. Tinitigan ako habang nakaawang ang mga labi. Napalunok, napakurap-kurap ako at mabilis na umiwas ng tingin nang mapagtanto kung ano ang sinabi ko. I balled my fist and tried to keep my irritated expression.

A-Ano bang sinabi ko? Dapat hindi ko sinabi 'yon! Pambihira naman!

Narinig ko ang pagbukas ng passenger seat. Nahagip ng mata ko kung paano pinagtulakan ni kuya si Edrix papunta sa passenger seat. "Usog, Ed, hindi ka na makakapagmaneho sa lagay na 'yan, mukha ka nang hihimatayin sa kilig."

Ikinuyom ko ang kamao ko. Gusto kong suntukin si kuya pero nararamdaman ko pa rin ang titig ni Edrix kaya hindi ako makakilos.

"Okay. We're going home. Sa bahay niyo na ipagpatuloy ang selosan niyo."

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon