Chapter 21

242 12 0
                                    

Chapter 21
Aphrodite Wesley

It's July 26 today. Maaga akong bumangon. Alas kuwatro palang ay nakaayos na ako para magjogging. Bitbit ang isang hindi ganoon kalaking tuwalya ay lumabas ako ng silid at dumiretso sa labas. Nagsimula akong tumakbo sa labas palang ng gate ng bahay. The private village seem so cold towards me. Walang ibang tao. Tahimik at malinis.

Tumingala ako saka nagpatuloy sa pagjog. It took me 10 minutes to reach the entrance of the village. The Villa Scott village is one of the old village in town.

Bago ako makalabas ng village ay umikot na rin ako pabalik. Ilang beses pa akong nagpabalik-balik sa pagjjogging hanggang sa tuluyan akong napagod. 7:12 am nang makabalik ako sa bahay. Sinalubong ako ni Edrix na nasa may pintuan. He smiled at me and started wiping my sweat with his own towel.

“Sana inaya mo ko.”

Nagkibit balikat ako. “Mukhang masarap ang tulog mo e.” sagot ko saka pumasok sa loob. “Si kuya?”

“Tulog pa. Lika na, nagluto ako ng almusal.”

Tumango ako. Dumiretso naman kaagad kami sa kusina. I don't mind wearing sports bra and leggings infront of him.

“Edrix..”

Naglagay sya ng plato sa at kutsara sa harapan ko. “Hmm?”

“Hindi ka ba pupunta sa CRIACES Empire? Stockholder ka doon diba?”

He smiled saka naupo sa harapan ko. “Bumibisita ako doon thrice in a week saka kapag may urgent meetings.”

Tumango ako saka kumuha ng pagkain. Pinagmasdan ko syang magdasal. Nang matapos sya ay may humuning pusa sa may paanan nya. Tumayo sya at kinarga ang pangit na pusa.

“Gutom ka na?” kinuha nya ang pagkain ng pusa sa cabinet saka nilagyan ang kainan nito. “Here, eat this.” ibinaba niya ang kuting na agad sinunggaban ang pagkain. Hinaplos-haplos nya pa ang pusa bago bumalik sa mesa.

Nginitian nya ako. “Sorry about that.”

Tumango ako. “You really like animals.”

“They're adorable.” nakangiting sabi nya.

Nagsimula kaming kumain. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ni Edrix na nasa ibabaw ng mesa. Agad niya 'yong kinuha. Pinindot saka itinapat sa tainga nya. “Mr. Collins..”

Fire Collins?

“Copy.” nang ibaba nya ang tawag ay tiningnan nya ako. “That's Mr. Collins, pumunta daw tayo sa bahay ni Mr. Morfell mamayang 1pm.”

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Ano kayang meron?

Ipinagkibit balikat ko nalang ang tanong ko saka nagpatuloy sa pagkain. After eating, as usual, Edrix voluntered to wash the dishes kaya naman habang naghuhugas sya ng plato ay kinuha ko ang mga maruruming damit ko at damit ni kuya. Bitbit ang isang malaking basket na puno ng lalabhan ay lumabas ako at bumaba. Dumiretso ako sa kusina.

“Edrix.”

Agad nya akong nilingon. “Hmm?”

“Maglalaba ako, nasaan ang marurumi mong damit?”

Agad syang tumayo ng tuwid at tumikhim. “It's okay, Aphro, ako nalang ang maglalaba.”

Umiling ako. “Ako na. Nasaan ba?”

“Aphro..”

Hindi ko na sya pinansin. Bumalik ako sa itaas at pumasok sa kwarto nya. Inilibot ko ang paningin ko. Ito yata ang unang beses na nakapasok ako sa kwarto nya. It's very clean and his stuffs are arranged beautifully. Nakatiklop ng maayos ang kumot at nakasalansan ang unan. Sa ulunan ng kama nya ay napansin ko ang malaking litrato. Silang dalawa 'yon ni Percy.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon