Chapter 14

214 13 1
                                    

Chapter 14
Aphrodite Wesley

Nagising ako sa pinaghalong amoy ng mga gamot. Nakakahilo ang amoy at agad kong iminulat ang mga mata ko dahil alam kong nasa hospital ako. Ikinuyom ko ang kamao ko. I hate doctors! Ano bang ginagawa ko dito?

“Aphrodite.” napatingin ako sa gilid ko. Si kuya na nag-aalalang nakatingin sakin.

Dahan-dahan akong bumangon. “Kuya, anong nangyari?”

Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya lang ako saglit saka biglang lumabas ng kwarto. Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Napailing nalang ako saka tiningnan ang mga braso ko. May mga cuts ako sa kaliwang braso.

Maya-maya pa ay muling pumasok si kuya, may kasunod siyang doktor.

“Kumusta na ang pakiramdam mo, Miss Wesley?”

Tumikhim ako. “Okay na.” hindi talaga ako masaya kapag nakakakita ako ng doktor. Parang gusto ko silang saktan.

“Mabuti kung ganoon. Hindi naman kasi talaga grabe ang sugat na natamo mo. Si Mr. Alzona lang talaga ang medyo napuruhan.”

N-Napuruhan? Umawang ang labi ko. Kasabay ng pagbalik ng alaala sakin ang pagkabog ng malakas ng dibdib ko. E-Edrix..

Marahas kong nilingon si kuya. “Kuya! Kuya, kumusta si Edrix?”

“He’s fine, Aphro.”

Hindi ako nakuntento sa sagot ni kuya kaya naman nilingon ko ang doktor. Ngumiti ito. “Your boyfriend’s fine, miss Wesley. Kailangan niya lang ng ilang araw na pahinga.”

Boyfriend? Gusto kong itama ang doktor pero mas natuon ang atensyon ko sa magandang balita.

Nakahinga ako ng maluwag. Muli kong nilingon si kuya nang magpaalam ang doktor. “Ilang araw na kami dito?”

“Less than 24 hours.” umupo siya sa upuan sa tabi ng kama. “Nakausap ko na ang pulis na nakaassign sa investigation. Hindi daw kilala ang rider, tell me, Aphrodite, isinangkot mo nanaman ba ang sarili mo sa gulo? Base sa investigation ikaw ang puntirya, humarang lang si Edrix kaya siya ang tinamaan.”

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. “Sa tingin ko nakilala kami ni Wayne. Hinabol kasi kami ng mga armadong lalaki noong nagmanman kami.”

Malutong na nagmura si kuya. “Goddamn it, Aphrodite! Bakit hindi kayo nag-iingat? Alam mong isa sa shareholders natin ang mastermind ng child trafficking. Mas delikado ngayon ang kompanya dahil sa kapabayaan nyo.”

Bumuntong-hininga ako. “Sorry.”

“Stay here, kakausapin ko si Wayne.”

Tumayo siya at dinukot ang cellphone niya. Akmang lalabas na siya nang bumukas ang pinto, pumasok ang isang wheelchair kung saan nakaupo si Edrix, tulak ng babaeng nurse ang wheelchair.

Pinagmasdan ko siya. May cast siya sa kaliwang braso. May hiwa siya sa pisngi na halos dalawang pulgada ang haba.

He smiled. “Hi, Aphro.”

Pumalatak si kuya. “Stop smiling you, idiot! Bakit ka pa nakawheelchair?”

Nagkamot ng ulo si Edrix. “She insisted. Kaya ko naman maglakad e kaso mabibinat daw ako.”

Sinulyapan ko ang babaeng nurse saka muling ibinalik kay Edrix ang paningin ko. Nilingon ako ni kuya, saglit na tumitig sakin saka biglang itinulak ang wheelchair ni Edrix.

Nanlaki ang mga mata ko. “KUYA!”

Napatingin ako kay Edrix na nanlalaki rin ang mga mata. Muntik na siyang bumangga sa kamang kinahihigaan ko, kung hindi niya lang naitukod ang paa niya sa kama ay babangga talaga siya.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon