“Yes, Mrs. Monterio. This is noted. Okay, we’re going to meet tomorrow. Sige po. Bye!”
Napabuntonghininga ako matapos ibaba ang tawag. Mabilis din ang aking mga hakbang habang papasok sa clubhouse ng South Ridge Village, isang eksklusibong lugar na kinabibilangan ng mayayaman at mga prominenteng tao. Napailing din ako habang pinagmamasdan ang aking itsura mula sa salaming dingding ng clubhouse. Pawisan ako’t halatang pagod.
‘Malas!’ bulong ko sa sarili, at nagpatuloy sa paglalakad.
Sa entrada pa lamang ng nasabing lugar ay kapansin-pansin na ang magarbong interior—ang namumukod tanging fountain na nasa sentro mismo ng pavilion at ang malawak na function hall. Minimalist ang disenyo at kulay ng buong clubhouse kaya napakaganda at napakaaliwalas tingnan. Hindi ko rin naiwasang pagmasdan ang naggagandahang mga muwebles na aking nadaraanan. Naghuhumiyaw ang kaelegantehan niyon. Ang magarbong marmol na sahig, na tila ipinagpupugay ang aking pagdating, ay halatang pinagkagastusan.
South Ridge Village screamed luxury; it was one of the main reasons why the wealthy always wanted to live in this place.
Ngumiti ako sabay napailing.
Yeah, wealthy people. . .
“Alam mo ba? ’Yang bagong lipat d’yan sa kabila, kabit pala ’yan.”
Tumaas kaagad ang kilay ko nang marinig ang bulungan mula sa aking harapan. Kakaupo ko pa lamang mula sa mahabang paglalakad ngunit iyon na kaagad ang bumungad sa akin. Parehong sopistikada at nagsusumigaw sa karangyaan ang dalawang babae na prenteng nakaupo sa silya na nasa aking unahan. Kasalukuyang nagsasalita ang presidente ng village para sa gaganaping Christmas Party sa darating na Pasko ngunit iba naman ang pinag-uusapan ng dalawa.
“Narinig ko nga rin sa isang amiga ko, binubugbog pala ’yang si Mrs. Martinez. Naku! Napakaganda at napakahinhin pero may pinagdaraanan pala,” wika naman ng isa. Hinampas pa nito ang kasama habang nagtatawanan sila na para bang may nakakatawa sa kanilang pinag-uusapan.
“Alam mo, ’yang si Mrs. Ramirez din, niloloko ng asawa. Nakita ko kamakailan, umiiyak nang mag-isa sa park. Nakakaawa!”
Tumikhim ako para agawin ang kanilang pansin, at hindi naman ako nabigo. Kaagad na nanlaki ang kanilang mga mata nang makita ako. Napangiti rin sila nang pilit na hindi man lamang umabot sa kanilang mga mata.
‘Plastic!’ hiyaw ng aking isip.
“It’s very rude to talk about other people’s lives behind their backs. Why not talk to them in private?” mariin kong sabi.
Natawa ang dalawa nang alanganin. Hindi rin mapirmi ang kanilang mga mata.
Bakit ba may mga taong mahilig mangialam sa buhay ng iba? Bakit may mga taong natutuwa pa sa kamiserablehan ng iba? Why didn’t they mind their own businesses? It was easier that way.
“Pasensiya ka na, Doktora,” hinging paumanhin ng isa sa dalawang babae sabay yuko. Alam kong napahiya sila.
Tumango ako at lumipat na lamang ng bagong upuan. Pinili ko ang bakanteng silya na ilang dipa lamang ang layo mula sa entablado. Nakinig ako sa bawat plano at mga suhestiyon ng iilan kong kasamahan sa homeowners, ngunit saglit lang ay hindi ko naiwasang sulyapan ang aking mga kasamahan isa-isa.
Curiosity filled within me while watching them from afar. Nagsusumigaw rin sa aking utak ang mga katanungan.
Totoo kaya ang paratang sa kanila? Totoo bang niloloko rin sila ng kanilang mga asawa?
Napailing ako kapagkuwan. Mas lalo rin akong nanliit sa sarili. How low of me to think about other people’s possible misfortune. Nakakatawa at nakakaawa! Ano ba ang itong iniisip ko?
Napangiti ako nang mapait para sa sarili. Pinilit ko ring pakalmahin ang unti-unti na namang pagsikip ng aking dibdib. Sino nga ba ang niloloko ko? Aasa pa ba akong mamahalin ng aking asawa? Ang pangako ni Atlas sa harap ng altar ay hanggang salita lamang. Walang ibang kahulugan. Dahil alam na alam ko naman na hindi niya ako mahal. Napakasakit na katotohanan para sa katulad kong namanhid na ng hapdi at pag-asam.
Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ang meeting. Mabilis akong tumayo para lisanin na ang lugar ngunit tinawag ako ng presidente. Wala akong nagawa kundi ang makihalubilo sa aking mga kasamahan. Pinaunlakan ko rin sila sa isang tea gathering.
“Pasensiya na kayo, hindi talaga makakadalo si Zanjo sa party bukas. Hindi na rin ako dadalo. Alam n’yo naman . . . kung nasaan ang asawa, nandoon din tayo,” natatawang wika ni Pepper, isa ring miyembro ng asosasyon.
Napailing ako sa nakita.
Kaya mang takpan ng isang plastic na ngiti ang lungkot,
ngunit hindi maaaring pekein ang damdaming isinisigaw ng mga mata.
Lungkot, hirap, at pasakit.
Hindi lamang ako ang may pinagdaraanan; maging ang mga kasama ko ay ganoon din.
Humugot ako ng malalim na paghinga. Hindi ko na kasi kayang makita ang mga pekeng ngiti at tawa.
“I’m sorry if I can’t be with you all for a long time. May pupuntahan pa kasi ako,” agaw ko sa kanilang pansin.
“Oh! Pasensiya ka na, Miss Olive, alam kong busy ka pero pinilit pa rin namin,” anang presidente ng asosasyon.
“Ayos lang po.” Ngumiti ako. Tumayo na rin pagkatapos.
Matapos magpaalam sa lahat ay umalis na rin ako. I went straight to my car and drove to a place where I had never wanted to go.
Hindi kalayuan sa village ay narating ko ang aking pupuntahan, ang Dreame Café. Hindi ko na pinansin ang mga naroong customer at dumeretso kaagad ako sa opisina kanugnog ng counter. Nakita ko kaagad ang babaeng aking hinahanap. Si Trina, ang kabit ng aking asawa.
“Ano’ng sadya mo?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. May ngiti sa labi niya—ngiting mapang-uyam.
Agad kong ikinuyom ang aking palad. Kung hindi lang kailangan, hindi ako pupunta sa kaniya. She was the last person I wanted to see!
“Gusto kong hiramin si Atlas bukas, may pupuntahan kami. May family gathering kami at kailangang nandoon siya.”
Natawa si Trina sa aking sinabi. Pumapalakpak pa siya na parang tuwang-tuwa. Ngunit, alam kong sa likod niyon ay isang sarkastikong tono. May panliliit.
“Hindi ko alam kung manhid ka ba, Olive, o bulag. Tanga ka ba? Akin si Atlas bukas! Schedule ko kaya magtiis ka sa kahihiyan!”
Sa lahat ng sinabi ni Trina, tanging ang huling pangungusap lang ang tumatak sa akin. Schedule. Para kaming mga bata na nagpapatintero sa laro ng kapalaran. Naghihintay kung kailan magiging taya. Kung sino ang dapat mauna o kung para kanino ang laban.
Ako ang totoong asawa. Ako ang pinakasalan. Ako ang nakikihati sa oras at panahon. Ako rin ang nasasaktan. Isa akong psychiatrist ngunit hindi ko kayang gamutin ang sarili kong sakit.
Hanggang kailan ko kayang tiisin ang sakit?
Hanggang saan ang kaya kong panindigan?
Ilang luha pa ang kaya kong ibigay?
@sheinAlthea
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: Tears Of A Wife
General FictionTRIGGER WARNING: This story is not for everyone. Sampung taon nang nagmamahal si Olive kay Atlas. Sampung taon ng pagtitiis kasama ito. Sampung taon ng pag-asam na sana ay mahalin din siya ng asawa. Ngunit sadyang bato na yata ang puso nito dahil s...