Kabanata 12

20.7K 681 121
                                    

“Aba, anak! Ang ganda na ng bahay.”

I smiled when I saw the happiness on Atlas’ mom’s face. Kahit hindi naging maganda ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Atlas ay pinilit ko pa ring mamili ayon sa gusto ko. Ni walang salitang namutawi sa akin sa buong durasyon na nasa mall kami.

Pinili kong manahimik dahil alam kong wala rin namang patutunguhan ang lahat ng sasabihin ko kay Atlas. He already concluded everything. Sarado ang utak niya sa anumang dahilan ko. Ang masakit, umasa ako na kahit papaano, magiging maayos ang pakikitungo namin sa isa’t isa.

Napailing ako at mahinang napabuntonghininga. Hindi pa rin ako nagbabago. Kapag mahal ko ang isang tao, marupok pa rin ako. Marupok ako kay Atlas dahil mahal ko siya. Mabilis din akong umasa. Kahit galit ako rito, hindi ko pa rin maikakailang mahal ko si Atlas. Alipin niya ang puso ko na sa loob ng sampung taon ay martir pa rin para sa kaniya.

“Olive, halika dali!”

Tumango ako at ngumiti. Nilapitan ko ang nanay ni Atlas at pagkatapos ay inakbayan. Sabay naming tiningala si Atlas na abala sa paglalagay ng dekorasyon sa aming bakuran. Isang malaking bituin ang hawak nito habang maingat na inilalagay iyon sa tuktok ng isang matayog na Christmas tree na binili namin kanina.

“Hay, naku! Ang ganda! Umalis ka na d’yan anak at magpapailaw na tayo. Tamang-tama at gabi na,” wika pang muli ng biyenan ko.

Mabilis na tumalima si Atlas sa sinabi ng nanay nito. Nakangiti kaagad ito nang makababa. Ngiti na dahilan ng pagtibok nang mabilis ng puso ko labimpitong taong gulang pa lamang ako.

Ang sabi nila, napakasarap ng pakiramdam ng unang pag-ibig. Marahil, ganoon nga ang nangyari sa akin. Nalunod ako nang hindi ko namamalayan. Nagmahal nang walang pag-aalinlangan. Tunay ngang masarap ang unang pag-ibig ko ngunit ito naman ang dahilan kung bakit nasasaktan ako.

Tumikhim ako para palisin ang kung anumang iniisip. Nanunuyo na naman ang aking lalamunan dahil sa mapapait na alaala. Kumikirot din ang aking puso dahil sa masasamang karanasan. Binalingan ko ang aking biyenan na kausap pa rin ang anak nito. Kung pwede lang sanang magtago at magkulong sa kuwarto ay ginawa ko na para makalimutan ang sakit at pait sa aking pakiramdam.

“Kukuha lang po ako ng maiinom, Mama,” wika ko pagkatapos ng ilang saglit. Sumunod ako sa mga ito sa veranda ng bahay. Abala pa rin sa pagmamando ang aking biyenan kay Atlas nang balingan ako.

“Hala, sige, anak! Uhaw na rin ako,” wika nito.

Binalingan ko si Atlas. Ngumiti ako kahit pilit. “Anong gusto mo, Hon?” tanong ko.

“Ikaw,” sagot nito.

“Bastos ka talagang bata ka!” Hinampas ng biyenan ko si Atlas at tumawa. Tumawa rin si Atlas at nakitawa na rin ako kahit pakiramdam ko, sinusunog na ang kaluluwa ko dahil sa pagpapanggap. Hindi nakakatuwa para sa akin ang sinabi ni Atlas dahil alam kong may halong sarkasmo iyon.

I walked out of the veranda and headed to the kitchen. Malakas ang pagbuga ko ng hangin nang makapasok ako roon. I badly wanted to be away from them. Pakiramdam ko, kapag nagbibiruan ang dalawa ay hindi ako kabilang doon. Dahil ang totoo, hindi ako makasabay.

Nang tuluyang mapailaw ang lahat ng dekorasyon sa buong bahay ay napangiti ako. Napakaganda niyon para sa akin. Nakakapanibago man ngunit ramdam ko pa rin na kahit papaano ang diwa ng Pasko na sinasabi ng biyenan ko ay mayroon din kami.

“Saan ka pupunta, anak? Aba’y gabi na?”

Abala ako sa panonood ng TV sa sala nang marinig ko ang tanong na iyon ng aking biyenan. Sinilip ko ang mga ito at nakita ko kaagad si Atlas na nakatayo sa aming pasilyo. Nakasunod dito ang nanay nito habang nakakunot naman ang noo.

WIFE SERIES: Tears Of A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon