Kabanata 9

21K 729 98
                                    

Tiningnan ko ang relong pambisig. Napailing na lamang ako nang makita ang oras. It was exactly three in the afternoon. Isang oras na lang sa napagkasunduan naming oras ni Montreal.

I sighed. Hindi pa rin ako makapaniwalang napapayag ako ng baklang attorney na iyon. He used his scheming tactics on me. Bukod pa sa interes ko nang marinig ang pangalan ni Trina na may pakana sa lahat ng nangyari sa party.

Ikinuyom ko ang aking kamay. She would never get away with this. Quotang-quota na siya sa akin. Tanggap ko ang katotohanang kabit siya ni Atlas, pero ang ipahiya ako ay hinding-hindi ko matatanggap. Sisiguraduhin kong magbabayad siya sa ginawa niya sa akin.

Ilang sandali pa ay ibinalik ko ang paningin sa mga papel na nagkalat sa aking mesa. Isa-isa ko ring tiningnan iyon at binasa. Being a good psychiatrist in the Metro means having the biggest responsibility. May mga kailangang ingatan. Mayroon ding kailangang itago.

Ilang sandaling pagbabasa ay naramdaman ko na ang pagsakit ng aking ulo. I put the papers back on the table and removed my eyeglasses. Tumingala rin ako nang bahagya para mag-unat. I also massaged my temple slightly. Sumasakit ang ulo ko sa mga binabasa. Mental health issues and my patients' records.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo."

Tumigil ako sa ginagawa nang marinig ko ang boses ng aking sekretarya. Ibinaling ko rin ang aking paningin sa kabubukas pa lamang na pinto.

Napakunot ang noo ko. "Who is it?"

"Riley Aston Monte Nuevo daw po," sagot naman nito.

"Sino 'yan?!" naguguluhang tanong ko. "Is he a new patient? Alam ko, walang ganiyang pangalan sa schedule ko this month," dagdag ko pa. Wala naman kasi akong natatandaang pasyente na may parehong pangalan.

Inayos ko ang sarili at binuksan ang aking drawer. I took the files where my patients were listed and scanned it. Kahit ilang ulit ko nang tingnan iyon ay walang ganoong pangalan sa aking listahan.

"Ramn daw po, for short."

Naagaw ng aking sekretarya ang aking pansin. Napakamot siya sa ulo na tila ba nahihiya. I sighed and nodded. Sa binanggit nyang pangalan ay tila nabuhay ang inis na pilit ko na sanang ibinabaon.

"Let him in," maawtoridad na wika ko. Agad naman siyang lumabas, at ilang sandali pa ay kasama na niya ang taong kinaiinisan ko.

"Good afternoon, Mrs. Ramirez," magalang na bati ni Ramn.

Tumango ako imbes na sagutin siya. Pinasadahan ko rin ng tingin ang kabuuan niya.Sa tantiya ko ay nasa twenty-two pa lang ang lalaki. Boyish ang itsura at halata ang kapilyuhan sa awra. Hindina rin ako magtataka kung bakit niya ako hinalikan sa party.

Napasimangot ako dahil sa naisip. Wala naman kasing karapatan ang sinuman na manghalik kahit pa bata o matanda man. It was all about respect. Lalo na para sa akin na may asawang tao. It was very improper. Kahit pa ayaw ni Atlas sa akin ay nirerespeto ko siya bilang asawa. My body was exclusively for my husband.

"Anong sadya mo rito?"

"I wanted to say my apology for what happened the last time. I'm sorry, Mrs. Ramirez. Napag-utusan lang," paliwanag ni Ramn.

Naagaw ng sinabi niya ang interes ko. Pakiramdam ko, alam ko na kung sino ang nag-utos sa kaniya, ngunit kailangan ko pa rin ng kompirmasyon. Gusto ko pa ring makasiguro.

I stood up and walked toward Ramn. Nakatayo pa rin siya sa gitna ng aking opisina at nakapamulsa ang dalawang kamay sa pantalong suot. Umalis na rin kanina ang sekretarya ko kaya kami na lamang dalawa ang nasa loob.

"Who is it? Sino ang nag-utos sa 'yo?" tanong ko. Tumingala rin ako dahil kahit pa mataas ang takong ko ay mas mataas pa rin si Ramn sa akin.

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. "It's my cousin, Trina. I'm very sorry about that, Mrs. Ramirez."

WIFE SERIES: Tears Of A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon