I drank until my heart’s content. Pilit ginagamot ang sakit sa aking puso nang mag-isa. Nagpapasalamat na lamang ako dahil kahit marami ang nainom ay kaya ko pa ring maglakad nang tuwid. Malinaw pa rin ang paningin ko kahit medyo masakit na ang aking ulo.
Tiningnan ko ang relong pambisig. It was exactly midnight but the bar was still alive. Maging sina Atlas at Trina ay kanina pa umalis. Kahit masakit sa akin ay pinilit kong sundan ang dalawa ng tingin habang papalayo.
Masokista ako dahil kinaya ko ang sakit. Tinanggap ko na rin na kahit kailan, hindi ako nanalo pagdating kay Atlas. Talo ako parati, hindi pa man nagsisimula ang laban.
Napailing ako at napangiti ng mapait. Kanina pa ako sa loob ng aking sasakyan pero hindi ko alam kung saan ako uuwi. O may uuwian pa ba ako. Hindi ko alam kung saan ba talaga ako lulugar. Kung ano pa ang dapat kung gawin.
Pagod na ako. Pagod na pagod na.
Sa huli, pinili kong umuwi sa South Ridge. Hindi sa bahay kundi sa malawak na park nito. Dahan-dahan ang ginawa kong pagmamaneho para makarating sa lugar. Hindi na rin masyadong ma-traffic kaya mas tiwala ako.
I parked my car as I reached the place. Agad akong lumabas at nagsimulang maglakad. Dahan-dahan na para bang takot akong matumba. Maingat na para bang unang beses ko pa lamang iyong napuntahan. Na hindi naman totoo.
I’ve been in this park since day one. Ito ang naging saksi noong unang beses akong umiyak mula nang tumuntong ako sa village. Suki na rin ang swing kung saan lagi kong sinasakyan kapag masama ang loob. Nakakatawa pero totoo. This place knew my story. The story that I couldn’t share to anyone.
“Olive?”
Nagulat ako sa tinig na narinig. I instantly wiped my tears and calmed myself. Nilingon ko rin ang may-ari ng tinig at nakita ko si Kraius na mariin ang titig sa akin. Kahit medyo madilim dahil lamppost lang ang nagsisilbing ilaw sa lugar ay nakita ko pa ang nakakunot na noo nito.
“Umiiyak ka ba?” tanong nito.
“Hindi. Napuwing lang,” pagsisinungaling ko. Ibinalik kong muli ang paningin sa aking harapan.
I noticed Kraius walked toward my direction. Lumapit ito sa akin at sa harapan ko pa mismo ito pumuwesto. Nakatanghod sa akin habang ako naman ay hindi makatingin dito. Mahina ko ring inugoy ang sarili sa swing.
“Come on, Olive. Attorney ako. You can’t lie to me.” Pinamaywangan ako ni Kraius. “Ang mabuti pa, sumama ka sa akin. I also live here, anyway.”
“Sandali,” reklamo ko nang pigilan ako nito sa ginagawa.
“What?!” asik naman nito.
“Kasi—”
“Ang dami n’yo talagang arteng mga babae. No buts, Olive. Gabi na. You need to rest.” Hinawakan ni Kraius ang kamay ko na nakahawak sa swing. Hinila nito iyon nang mariin at walang pakialam kung nasasaktan ako.
Mabilis ang mga lakad ni Kraius. Maging ang aking kotse ay iniwan namin sa parke. Lulugo-lugo man ang aking pakiramdam, hindi na rin ako nagreklamo pa dito. Marahil, naiintindihan ako nito at ang pinagdaraanan ko.
“This is your house?” tanong ko. Tumigil kami sa dulong bahagi ng village. Sa isang two-storey glass house. Namangha ako sa itsura nito sa labas ngunit mas namangha ako sa ganda nito sa loob. Minimalist at moderno ang disenyo nito.
“Yes.” Tumango ito. Iginiya ako ni Kraius papasok sa enggrande niyang bahay. “Bagong lipat lang ako kaya wala pang gamit. At saka hindi na kailangan,” dagdag pa nito.
“Kung sa bagay,” komento ko.
Kraius and I headed to the living room. Nag-usap kami pareho tungkol sa nangyari sa akin. Hindi na rin ako nagsinungaling pa rito. Ramdam ko rin na mapagkakatiwalaan ito.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: Tears Of A Wife
General FictionTRIGGER WARNING: This story is not for everyone. Sampung taon nang nagmamahal si Olive kay Atlas. Sampung taon ng pagtitiis kasama ito. Sampung taon ng pag-asam na sana ay mahalin din siya ng asawa. Ngunit sadyang bato na yata ang puso nito dahil s...