Kabanata 3

21.2K 707 51
                                    

Alas-dos pa lang ng hapon nang umalis ako sa aking clinic. Sa Forbes Subdivision ang tungo ko. Sa marangyang bahay ng aking tita, kapatid ng aking ina. May birthday gathering ang pamilya at lahat ay imbitado; mga kilala sa lipunan, mga pare-parehong makapangyarihan at matunog ang pangalan.

"Naku! Olive, kailan n'yo ba balak na magkaanak ni Atlas? Aba'y sampung taon na akong naghihintay ng apo mula sa 'yo!" Ngumiti si Lola sa akin. Nasa hapagkainan kami at magana ang lahat na kumakain.

Si Lola ang nanay ng mommy ko. Seventy na siya at maganda pa rin. Presidente siya ng isang cosmetic line na isa sa nangunguna sa bansa. Habang ang mga tita ko naman ang isa sa mga distributor ng cosmetics sa iba't ibang bahagi ng mundo. Lahat kami sa pamilya ay busy. Ngayon lang ulit kami nagkasama.

"Hindi pa kasi kami handa, Lola. Lagi naman po kaming nag-uusap ni Atlas tungkol doon. Maybe, in the right time."

"Baka mag-menopause ka na, Olive, bago pa maisipan ni Atlas na gusto na niyang magkaanak," biro naman ng aking tito. He was a well-known court judge because of his age. Isa rin sa hinahangaan sa bansa. Judge Condrad Aguirre.

"Tito, naman. Huwag mo naman akong biruin ng ganiyan." Ngumuso ako. Nagpipigil ng isang ngiti.

Tumawa ang mga tita ko, maging ang aking Lola ay natawa rin. Lahat ng naroon sa hapag ay natawa. Tumawa na rin ako, ngunit damang-dama ko ang pait niyon. Alam na alam ko naman kasi ang gusto ni Atlas. He hated having a child with me. He wanted me to take contraceptives. Ayaw na ayaw niyang magbunga ang ginagawa niya sa akin.

"Hay, naku, Ate Olive. Kapag si Tito, nainip, baka maunahan pa kayo ni Atlas!" wika ng pinsan ko habang tumatawa.

Sa sinabi niya ay bigla kong naisip si Daddy. Saglit ko ring sinilip ang aking relong pambisig. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong may oras pa bago ang pagkikita namin ng aking ama.

"Bilisan mo na, Apo. Gusto ko nang makita ang maliit at makulit na Olive," pahabol ni Lola sa akin.

Nginitian ko na lamang siya. Hindi ko ibinuka ang aking bibig sa kung ano pa man na maaaring pagsimulan ng bago na namang pag-uusapan. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko rin alam kung paano ko nakayang pakiharapan ang aking mga kamag-anak nang nakangiti at taas-noo.

"Do you have a problem, Olive?"

"Wala po, Lola. I'm very happy and contented," mahinang wika ko. Hindi ko nga lamang alam kung nakumbinsi ko siya. Nakatitig lamang kasi siya sa akin nang mariin.

"I don't know." Umiling si Lola. "When I looked in your eyes, there's something missing, hija. I loved the glow in your eyes way back then. But it's different now. It's very different."

I got dumbfounded from the words my grandmother said. Hanggang ngayon, kilalang-kilala pa rin niya ako. Alam na alam pa rin niya ang bagay na hindi basta-basta makikita ng iba. Marahil, maging ang damdamin ko ay nababasa rin niya.

Umiling ako. Pilit na pinapaskil sa aking labi ang isang matamis na ngiti. I blinked once more to shrug the unwanted feelings that was visible in my eyes. Alam ko kasi na hindi bulag si Lola. We lived together for so long that she knew me. Kahit ang kadulu-duluhang tikwas ng buhok ko.

"I miss your mother so much, Olive. Ikaw na lang ang alaala niya sa akin. You are a spitting image of her. I hope Atlas is taking good care of you, just like how your father takes care of my daughter. Busy si Menandro pero kahit kailan, hindi niya nakalimutang alagaan ang anak ko." Hinawakan ni Lola ang aking kamay. She smiled at me and kissed the back of my hand. "I will always be here. I will always protect you."

Tumango ako. My heart was filled with too many emotions that I couldn't contain. Gustong sumabog ng puso ko sa lahat. I wanted to cry in Lola's lap. I wanted to tell her the life I had for the past ten years. But I kept my mouth shut. Instead, I stood up and walked closer to her. I gave my warmest hug to the woman who was not just my granny but my mother. Mas madali ang manahimik na lamang ako mula sa lahat ng sakit na meron sa puso ko.

"I love you, Lola."

My dad was a busy senator. Bukod sa maraming sesyon ang senado ay palagi pa siyang pinapatawag ng presidente. Maliban pa sa palagi rin siyang nasa outreach program. Masyado siyang abala na ngayon na lamang ulit kami magkikita sa loob ng dalawang buwan.

Habang nasa biyahe ay hindi ko na pinansin ang napakaingay na Metro. Ang mga busina ng bus at jeep sa kalye at ang mga nag-uunahang sasakyan sa EDSA. Normal na lang para sa akin ang lahat. Maging ang minsang madilim na kalsada at ang malakas na tugtog mula sa mga comedy bar. Naging normal na rin sa akin ang mga taong naglalakad sa kalsada at mga nagtitinda sa lansangan kahit gabi. It was the true face of the Metro. Crowded and striving.

As I reached the place, I instantly parked my car and headed inside the restaurant. Sinalubong kaagad ako ng manager ng resto at iginiya sa private room ni Daddy. The resto was cozy. Bagay na gustong-gusto ng ama ko para sa tahimik na pagkain niya. Naaalala ko pa dati kung gaano ako katakot magsalita kapag kumakain kami sa bahay kasama si Mommy.

I sighed. Nagsusumikip na naman ang dibdib ko kapag naaalala ang nakaraan. My mother was an old beauty queen titleholder, but she died young. Fifteen years ago, my mother was ambushed by some men who seemed to hate our family. Nakulong man ang may sala, ang sakit na iniwan nila sa amin ay hindi mapapantayan ng habambuhay na sentensiya.

"That was the room, ma'am," wika ng manager. "Mr. Senator is waiting for you inside."

"Thank you." Tumango ako at ibinaling ang paningin sa aking unahan. Nakita ko kaagad ang dalawang bodyguard ni Daddy na nakabantay sa labas ng pinto ng kinaroroonan niyang silid.

I went straight to the room. Ako ang nag-hire sa kanila para bantayan ang aking ama. Kahit doon man lamang, maramdaman kong maayos ang kalagayan ni Daddy dahil may nagbabantay sa kaniya. My smile widened when I saw the man that love me until eternity. Nakapormal itong coat and tie habang ang buhok ay bagong gupit. He looked appealing in his fifty-five years of existence. Mas lalo pa nga itong gumuwapo sa paningin ko habang nakatitig sa akin nang nakangiti.

"Hi, Dad! I miss you," bati ko kaagad habang niyayakap si Daddy nang mahigpit.

"I miss you too, my princess." Hinalikan niya ang aking ulo.

"Niloloko n'yo na naman ako." Ngumuso ako pagkatapos kong kumalas sa yakapan namin ni Daddy.

Napailing siya habang may pilyong ngisi sa mukha. Pareho kaming tahimik na bumalik sa upuan at nagpasyang mag-order ng pagkain. Sweet and sour sauce, dynamite shrimp, at egg dumplings ang order ni Daddy, habang panaka-naka ay tinatanong ako kung ano ang gusto ko.

"Susubuan na lang kita, Daddy. I'm already full. Nagtatampo nga si Tita kung bakit hindi ka nagpunta kanina." Ngumuso ako.

"Alam naman nila kung bakit," wika niya. "Galing pa akong Dubai. Gusto nilang inaapura ako palagi. Mabuti na lang at nandito ka, anak." My dad smiled.

"Matitiis ba naman kita, Dad? Ang lakas mo kaya sa akin," biro ko.

Tumawa si Dad sa aking sinabi. "Malakas nga ako sa 'yo pero ang asawa mo, naku! Tinanggihan ang offer ko sa kaniya. Ni-recommend ko sanang architect sa bagong ipapatayong building ng gobyerno. Hindi naman pumayag," litanya ni Daddy.

Natigilanako sa sinabi ni Daddy. Nalasahan ko na naman ang pait sa aking pagkatao. Ni hindi man lamang nagsabi si Atlas sa akin tungkol sa bagay na iyon. Kung sa bagay, aasa pa ba ako?

Napailing ako. Dayain ko man ang sarili, ang totoo ay umaasa ako. Umaasa na sana balang-araw, magiging maayos din ang lahat. Na mapapatawad din ako ni Atlas. Na mamahalin niya rin ako. Na sana katulad ng iba, magiging masaya akong asawa.



@sheinAlthea

WIFE SERIES: Tears Of A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon