Kabanata 33

20.4K 672 102
                                    

Impit ang aking mga ungol habang sumisidhi ang sakit na aking nararamdaman. Ang papalit-palit na sakit sa aking balakang at gitnang bahagi ay hindi ko na halos makayanan. Kakaibang sakit na nagdudulot ng pawis sa aking katawan. Mabilis ang pagmamaneho ni Atlas sa kaniyang kotse. Mabilis din naming narating ang pinakamalaking hospital sa bayan ng San Vicente. Hindi ito nagsayang ng oras at agad akong binuhat para dalhin sa loob ng hospital. Maingay itong pumasok sa loob habang dere-deretso ang hakbang patungo sa kung saan.

“It’s okay. Everything’s gonna be okay,” mahinang bulong nito habang maingat na hinalikan ang aking ulo.

“Masakit,” nahihirapang sambit ko. .

Naramdaman ko na lamang ang paglapag sa akin ni Atlas sa akin kung saan. Nang magmulat ako ng tingin ay nakita ko kaagad ang nag-aalalang mukha nito. Katabi nito ang isang nakaunipormeng nurse habang sa likod naman nito ay isang nakauniporme rin na halos hindi ko na makita dahil sa nanlalabong paningin. I was tired and desperately wanted to sleep.

“Gaano kadalas ang pagsakit, Misis?” tanong ng doktor.

“Kailangan pa bang itanong ’yan? Seriously, manganganak na ang asawa ko!” bulyaw ni Atlas sa mga ito.

I didn’t know what happened next. Ang tanging alam ko lang ay ang sakit na aking nararamdaman. I couldn’t even managed to open my eyes to look around, but someone put me on the bed. Naririnig ko lamang ang bawat salita sa paligid ngunit hindi ko maintindihan ang ibig nilang sabihin. Even Atlas’ voice was unclear. The pain in my tummy was unbearable. Hindi ko kaya.

“Prepare a C-section,” narinig kong wika ng kung sino sa aking tabi.

Ilang sandali ay naramdaman ko na lang ang pagtusok ng isang bagay sa aking likod hanggang sa unti-unting pagkawala ng tinig na aking naririnig. Unti-unti ring namanhid ang aking katawan hanggang sa tuluyan akong hilahin ng antok at mahulog sa kawalan.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. When I woke up, the feeling wasn’t the same anymore. Para bang kulang na ako. Para bang may malaking bagay na nawala sa akin.

I was already awake, but I kept my eyes close. I could hear them talking. I could also hear my father’s voice. Even Atlas’ mom was there. Maging ang boses ni Atlas ay naririnig ko. Nang binanggit nila ang baby ko, doon lamang ako natauhan. Doon ko lamang napagtanto ang lahat.

“D-Dad! ’Yong baby ko,” I whispered and opened my eyes slowly. The blurry vision of me was evident and I needed to blink a few times. I even tried to get up and an inevitable pain in my tummy was undeniable.

“Careful,” Atlas’ voice was low. Para bang galing ito sa mahabang pag-iyak. Ang mga kamay nito ay mabilis na nakaalalay sa akin patungo sa headboard ng kama habang ako naman ay nakatingin lamang dito.

“Ayos ka na ba, ’Nak?”

Binalingan ko kaagad ng tingin ang nanay ni Atlas nang tuluyang maging maayos ang aking puwesto. Ngumiti ako kahit nahihirapan para ipakita ritong maayos ako. Maging si Daddy na katabi nito ay nginitian ko rin. Ngunit, napalis lamang iyon nang makita ang lungkot sa mga mata nito.

“Is everything okay?” My forehead creased.

Pinilit kong patatagin ang boses kahit pa hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Para bang natatakot ako na hindi ko alam. Hindi ko kayang ipaliwanag dahil lahat ay bago sa akin. Wala akong ideya sa lahat. I was clueless. Maging ang mga tao sa paligid ko ay kakaiba ang ikinikilos.

“Dad! How was my baby?” I asked. My voice broked and my chest tightened. Alam kong masama para sa akin ang ma-stress, but I couldn’t help it. “Sagutin n’yo naman ako!”

WIFE SERIES: Tears Of A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon