I didn’t exactly know what Atlas meant about coming with him. I didn’t know what he meant by starting again. All I knew was that I was with him and we were both inside his car while he was driving, going somewhere far from the Metro. To a place I didn’t know.
Nagsisimula nang maging makulimlim ang paligid dahil sa pag-agaw ng kadiliman sa liwanag. Nagsisimula na ring mamaalam ang araw kasabay ng pagbati ng buwan. I was tired of the long ride that I let myself be drowned into slumber. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatulog dahil sa pagod. Ang tanging alam ko lang ay nagising ako sa isang banayad na halik sa aking labi. At nang magmulat ako ng tingin, ang nakangiting mukha ni Atlas ang bumungad sa akin.
“Nandito na tayo,” bulong nito.
“I’m sorry, I slept.”
Lumayo ako kay Atlas nang bahagya. Doon ko lang napagtantong nakasandal pala ako sa balikat nito. Inayos ko ang sarili sa pagkakaupo dahil sa pagkapahiya. Inunat ko rin ang leeg dahil medyo nangalay iyon. Pagkatapos ay hinaplos ko ang aking tiyan.
“The baby is hungry, I know.” Atlas put his hand in the same place where I placed mine. He then ran his hand to touch my belly as he desired. “Kanina pa naghihintay sina Lolo at Lola,” pahabol na wika nito.
My eyes widened. I instantly looked outside of the car. Alam kong hindi ako pinaglalaruan ng aking paningin sa nakikita. My lips formed a sweet smile as I saw Atlas’ parents looking at the car where we were in. Kahit tanging ilaw lang ng fluorescent lamp ang nagsisilbing liwanag sa mukha ng mga ito ay kitang-kita ng aking mga mata ang sayang nakapaskil sa mukha ng mga ito.
“I’m afraid that I will hurt them because of this Atlas,” hindi napigilang usal ko.
“Hindi mo naman sila sasaktan. They miss you so much. Alam nila ang nangyari sa atin at ang ginawa ko sa ’yo.” Atlas sighed. “I brought you here because I want to start from the beginning. Kung saan kita unang nakita. Gusto ko ring makilala mo ako noong mga panahong wala ka pa sa buhay ko, Olive,” mahabang litanya nito.
Kinuha ko ang kamay na hawak pa rin nito. I sighed and nodded on what he said in resignation. Kung anuman ang balak nito para sa aming dalawa ay hahayaan ko na lamang. Baka kung ganoon nga ay maliwanagan din ako sa dapat kong gawin, sa dapat kong maging desisyon, at sa rason kung bakit nagawa ni Atlas na palipasin ang sampung taon bago nito sabihin ang mga salitang matagal kong inasam.
Sabay kaming bumaba ng kotse ni Atlas. Mabilis akong inalalayan nito nang magsimula kaming maglakad. Bitbit din nito ang cell phone naming dalawa at ang aking pouch habang ako naman ay nakatutok sa bungalow na bahay, partikular sa mga taong nakatayo sa balkonahe ng mga ito.
“Olive, anak ko!” masiglang tawag sa akin ng ina ni Atlas. Hindi ito nakatiis at sinalubong kami sa bakuran pa lamang ng mga ito. Agad ako nitong niyakap nang makalapit sa amin habang may mumunting luha sa mga mata.
Parang hinahaplos ang puso ko dahil sa nakita. I missed my mother-in-law as well as the whole family. Ang mahigpit na yakap nito sa akin ay nagpapatunay na maging ito ay ganoon din ang nararamdaman. Ang bulong nito ng mga salita kung gaano ito nanabik sa akin ay siyang lalong nagpagaan ng aking pakiramdam.
“Kumusta po kayo, Mama?” Ngumiti ako rito pagkatapos akong pakawalan. Hinawakan nito ang aking dalawang kamay at ngumiti rin ito pabalik.
“Ikaw ang kumusta? Halika na sa loob. Doon na tayo mag-usap. Aba’y nagluto ako ng buong manok para sa pagdating ninyo.” Inakay ako nito papalapit sa bahay ng mga ito. Nauna na si Atlas doon at nakatanaw na lamang sa amin. Maging ito ay nakangiti.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: Tears Of A Wife
General FictionTRIGGER WARNING: This story is not for everyone. Sampung taon nang nagmamahal si Olive kay Atlas. Sampung taon ng pagtitiis kasama ito. Sampung taon ng pag-asam na sana ay mahalin din siya ng asawa. Ngunit sadyang bato na yata ang puso nito dahil s...