Napakatahimik ng gabi. Tanging mga hagulhol ko lang ang maririnig sa buong bahay. I was punching Atlas’ chest with my right hand while I was holding his shirt with my left hand. Hindi ko alam kung may lakas ba ang bawat hampas ko sa dibdib nito. Ang tanging alam ko lang, gusto ko ring saktan si Atlas katulad ng sakit na ipinararanas niya sa akin sa loob ng sampung taon. For making me feel worthless.
I cried my heart out. Hindi na ako nahiya kahit pa makita niya ang kahinaan ko na matagal ko nang itinatago. Kahit pa mawala ang poise ko sa harap nito. Ang alam ko lang, gusto kong umiyak nang umiyak dahil sa sakit at paghihirap na nararanasan ko simula nang magdesisyon akong mahalin si Atlas. Simula nang ipilit kong makasal kami.
I was dying and hurting inside from the pain only me could understand. It was unbearable for me but I was trying. Gusto kong sa pagkakataong ito ay may magawa naman akong pabor para sa sarili ko at para kay Atlas. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang palayain namin ang isa’t isa. Kahit pa nagkakasakitan na lang naman kami.
My chest tightened, and I could hardly breathe, but I tried my best to look at him straight in his eyes. I also stopped punching him. Alam kong punong-puno ng luha ang aking mga mata pero wala akong pakialam. I wanted him to understand that I was tired and unhappy.
“Gan’yan ka naman palagi, Atlas. You’re good at hurting me. Napakadali para sa ’yo ang saktan ako.” I stopped and gasped for air. Pinakalma ko rin ang sarili mula sa pag-iyak. “Aren’t you happy? Kulang pa ba? Kasi pagod na ako, Atlas. Pagod na ’to!”
Yumuko ako at itinuro ang puso ni Atlas. Paulit-ulit ko iyong dinuro na para bang sa pamamagitan niyon ay maramdaman din nito ang nararamdaman ko. Nang mapagod ay tumigil din ako at lumayo sa kaniya nang bahagya. I looked at him again and shook my head. I saw how his expression changed, but it didn’t stop me from walking away.
I wiped my tears while walking and tried my best to calm myself. Iniwan ko si Atlas sa pasilyo at nagtungo ako sa aking kuwarto. I abruptly took my luggage and put my clothes inside. Inilagay ko ang lahat ng importanteng bagay para sa akin at iniwan ko naman ang iba. Alam kong desidido ako sa gagawin. This was the best for the both of us.
I took my phone on top of my study table. Pinagmasdan ko rin ang buong kuwarto. Ito ang naging kanlungan ko mula pa noon. Saksi sa lahat ng tahimik kong paghikbi. Naging karamay sa lahat ng sakit na nararamdaman ko mula simula.
Nang magsawa ay nagpasya akong umalis sa silid. I walked towards the door and saw Atlas standing near it. He was looking at me intently. His hands formed a fist while his jaw clenched. Ramdam na ramdam ko ang mariing titig nito sa akin ngunit hindi ako nagpatinag. Nilampasan ko ito at nagpatuloy sa ginagawa. Mabilis ang mga hakbang ko na nagtungo sa aking kotse. Nakaparada ito sa bakuran kaya hindi na ako nahirapan pa. I instantly opened it using the car key and put my luggage at the backseat.
“Olive!” he shouted.
Atlas voice roared in the middle of the night. Kung marahil magkakalapit lang ang bahay sa South Ridge ay nabulabog na rin niya ang kapitbahay. Malakas ang pagtawag niya sa akin at may awtoridad. Ngunit, hindi ako nagpatinag. Sinulyapan ko lamang ito sa veranda bago sumakay sa aking kotse.
Pinasibad ko iyon nang walang pag-aalinlangan kahit pa hindi ko alam kung saan ako pupunta. Natatakot akong sabihin kay Dad dahil ayaw kong masira ang Pasko niya at Bagong Taon. I didn’t want to hurt him in this special season. I didn’t want to hurt my family either. Especially my grandmother.
Habang kaya ko pa ang sakit, dadalhin ko muna ito sa dibdib. Kung hindi ko na kaya, pwede naman akong umiyak muli. Alam kong pagod na ang mga mata ko, pero kung iyon lang ang tanging paraan para maibsan ang mga pasakit ko sa buhay ay gagawin ko . . . nang walang pag-aalinlangan.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: Tears Of A Wife
General FictionTRIGGER WARNING: This story is not for everyone. Sampung taon nang nagmamahal si Olive kay Atlas. Sampung taon ng pagtitiis kasama ito. Sampung taon ng pag-asam na sana ay mahalin din siya ng asawa. Ngunit sadyang bato na yata ang puso nito dahil s...