Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na pumanaog sa sinasakyan namin ni Atlas. Hindi ko alam kung paano ko naihakbang ang aking mga paa kasabay ni Atlas na mahigpit pa rin ang hawak sa aking kamay. Nang balingan ko ito ng tingin ay seryoso lamang itong nakatitig sa aming harapan. Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan na lamang ang sarili kung saan man ako dalhin nito.
“We’re here.”
Tumigil kami sa isang di-kalakihang mausoleum. Halata na sa itsura nito ang katagalan dahil sa nababakbak na kulay ng grills nito. Maging ang yerong nagsisilbing proteksyon nito sa init at ulan ay halos kinalawang na rin.
“She’s my first love,” panimula nito.
Kahit ilang beses ko nang narinig ang mga katagang iyon mula kay Atlas ay masakit pa rin sa akin ang sinabi nito. Marahil dahil sa katotohanang iyon, nabuhay akong may agam-agam sa loob ng sampung taon. Dahil sa salitang iyon, nawasak ako nang paulit-ulit hanggang sa maging ang sarili ko ay hindi ko na makilala. Those words were my nightmare until now.
“We had dreams. Siya at ako. Pero nagbago iyon nang dumating ka. I loved her, but every time I saw you in our campus, laughing with some of your classmates, I felt that I was betraying Jen. Habang masaya akong nakikita ka sa bahay ninyo at nagtatanim, lagi ko ring iniisip na nagkakasala ako. At bago pa man lumala, tinapos ko na ang sa amin ni Jen,” mahinang wika nito.
“I thought she . . .”
Hindi ko masabi nang buo ang mga salita. Binalingan ko si Atlas at nakitang nakayuko lamang ito. Hawak pa rin nito ang aking kamay, at sa bawat segundo ay lumuluwag iyon. Lumuluwag hanggang sa pakawalan nito iyon.
Hindi ko alam pero sa ginawa ni Atlas ay nakaramdam ako ng pait. Isang klase ng pait na hindi ko pa kailanman naramdaman. Akala ko, ayos na sa akin ang lahat. Akala ko, tanggap ko nang sa huli, hindi ako ang hahawakan ni Atlas. Akala ko, tanggap ko nang bibitiwan din ako nito. Ngunit, nagkamali ako. I could still feel the pain. And it was more painful this time.
Tumikhim ako para mawala ang bara sa aking lalamunan. I needed to calm myself for the sake of my baby. Hindi na dapat ako mag-isip ng malungkot pero hindi ko pa rin maiwasan. Gayunpaman, pinilit kong patatagin ang sarili. I clasped my hands and put it on top of my swelling belly.
“M-Mahal mo pa ba siya?” mahinang tanong ko. Kahit pinilit kong patatagin ang boses ay trinaydor pa rin ako ng sarili ko.
“No,” deretsang sagot nito.
“Then, why are we here?” tanong kong muli kay Atlas. Inangat ko ang paningin dito at nakita itong titig na titig sa akin. His eyes were bloodshot, but it was very serious. It seemed like his eyes were telling me things his mouth couldn’t utter, and I was dumb to understand it. Hindi ko alam dahil pagdating kay Atlas, lahat ay hindi ko kayang basahin. Nakapagtataka ngunit totoo.
“Mahal kita, Olive. Pero dahil duwag ako, hindi ko masabi sa ’yo ang totoo. Duwag ako dahil hindi ko matanggap na nagpakamatay si Jen dahil sa akin. Dahil pinaasa ko siya at isinisi ko ’yon sa ’yo.” Atlas’ voice broke. Ramdam na ramdam ko ang sakit na dinadala nito.
Umiling ako para huminto na ito sa kung ano pa mang sasabihin nito. Kinuha ko rin ang kamay nito at dinala iyon sa aking tiyan. Tiningnan ko rin ito nang mariin at nginitian kahit pilit. Guto kong malaman ni Atlas na hindi na maibabalik sa dati ang lahat kahit gaano pa man ito nagsisisi.
“I’ve been living for the past ten years of my life blaming myself, Atlas. I’ve been deeply wounded by the things we can’t undo. Nasaktan ako nang sobra sa lahat pero hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan. This is our new life now. Let’s stop this.” My voice cracked and my tears fell. Nagmamakaawa ang aking mga mata na itigil na namin ito. Alam ko na at tanggap ko na. Hindi na kailangan pang patagalin ang lahat kung sa huli, pareho pa rin ang mangyayari. We both blamed ourselves and it wasn’t a good journey. We should live in the present and not in the past.
“I’ve been egoistic for the past ten years, Olive. I’m sorry,” anas nito.
“May kasalanan din ako. I did not fight for you. We shared the same feelings, Atlas,” sagot ko rito.
Atlas looked at me and embraced me tight. Niyakap ko rin ito pabalik kahit pa nahihirapan ako. I felt his shoulder shaking so I tapped his back lightly. Kahit sa ganoong paraan man lang, maipakita kong ayos lang ang lahat. Na kailangan nang iwan ang nakaraan para sa panibagong bukas.
Past is past. We could never undo things, but we could always look at it as a motivation to do better. To start anew. And to be the best version of ourselves. Maaari itong pansamantalang kalimutan ngunit hindi na kahit kailan mabubura. It would forever be embedded in our soul and be remembered as a memory. An experience. Either good or bad.
“Umuwi na tayo,” mahinang anas ko.
Atlas released me from his tight embraced and looked at me intently. Noon, hindi ko hinahayaan ang sarili kong maniwala sa lahat ng sinasabi ng mga mata nito. Ngunit ngayon, malaya kong hinayaan ang sariling maniwala sa lahat.
“Mahal kita, Olive. Ikaw at ang magiging anak natin.” Hinawakan nito ang aking tiyan. Sakto namang sumipa ang anak ko roon. Atlas and I both looked at each other and smiled. Marahil nararamdaman din ng anak ko ang nararamdaman namin ng ama nito. Dahan-dahan ko ring inangat ang kamay ko upang palisin ang mga luha nito.
“Mahal din kita, Atlas, but let us wait until things get better. Ayos ba iyon?” sinserong wika ko rito.
Atlas nodded. Ngumiti ako rito at kinuha ang kamay nito. Isang sulyap ang iginawad ko sa himlayan ni Jen. I muttered words and prayers for her before I pulled Atlas’ hands to walk with me out of the cemetery. Malayo kay Jen at malayo sa dating masasamang alaala.
I held Atlas’ hand tight until we’ve reached his pickup. Ang nanlalamig kong mga kamay kanina ay nawala. Wala na rin ang kaba sa aking dibdib. I felt relief. Para bang ang isang mabigat na bagay ay nawala sa akin nang tuluyan. Bagay na mananatili na lamang sa nakaraan.
Acceptance and letting go.
Matagal kong pinangarap na maghilom ang sugat sa puso ko. Matagal akong nagtiis sa sakit na dulot ng pag-ibig na pinilit kong maabot. Now that I was slowly healing myself, I know that there was a new journey for me, for Atlas, and for the love that we’ve been waiting for. In the right time.
Sabay kaming pumanaog ni Atlas sa lumang pickup nito. Tanghali na nang marating namin ang bahay ng mga magulang nito. Nakita ko kaagad ang paglabas ng nanay nito mula sa loob ng bahay habang nakasunod naman ang tatay ni Atlas. I smiled as I saw the sight, but it quickly vanished when I felt my belly ache. Kaagad kong hinawakan ang aking tiyan dahil doon. Natigil din si Atlas sa aking tabi at mabilis akong inalalayan.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong nito.
Ngumiwi ako rito nang sumakit muli iyon. I nodded, but the continuous pain that I was feeling was inevitable. Parang binibiyak ang katawan ko lalo na sa bahagi ng aking kaselanan. Nang maramdaman ko ang pag-agos ng kung ano mula sa akin ay agad akong kinabahan. This couldn’t be. Malayo pa ang due date ko.
“Manganganak na yata ako!” tanging naiusal ko na lamang.
Atlas’ eyed widened. Gusto kong matawa sa reaksyon nito ngunit iniisip ko ang bata sa sinapupunan ko. Nangangamba ako dahil hindi pa oras nito para lumabas. Hindi pa ngayon. Hindi pa bukas kundi dapat sa susunod na dalawang buwan.
“Fuck!” mura ni Atlas nang makitang nakangiwi muli ako. Agad akong binuhat nito at dinala muli sa kotse nitong bago. Mahigpit din ang hawak ko sa braso nito dahil sakit na patuloy kong nararamdaman.
“Hospital, please . . .” pagmamakaawa ko.
Gusto kong kumapit. Kahit ito na lang ang ibigay sa akin.
@sheinAlthea
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: Tears Of A Wife
Tiểu Thuyết ChungTRIGGER WARNING: This story is not for everyone. Sampung taon nang nagmamahal si Olive kay Atlas. Sampung taon ng pagtitiis kasama ito. Sampung taon ng pag-asam na sana ay mahalin din siya ng asawa. Ngunit sadyang bato na yata ang puso nito dahil s...