Kraius and I ended in a resto near in BGC. Pasado alas-sais na rin ng gabi. Nagutom kami pareho at napagkasunduang kumain na lang. Sa isang Turkish restaurant kami humantong. Nagulat din ako nang sabihin niya na half-Turkish pala siya. That explained his strong yet handsome features, though.
I ordered my usual salad and steak for this early dinner. Hindi naman kasi ako mahilig sa heavy foods kapag gabi. Madalas, juice lang at lettuce ay ayos na ako. Habang si Kraius naman ay isang Kebab and Köfté. Pareho naman kaming mahilig sa orange juice.
"Ayos na ba 'yan sa 'yo? No wonder, sobrang payat mo," nakakalokong wika niya. Nakataas ang kilay na nakatitig sa akin. Hawak niya ang tinidor na may kebab.
"Stop staring," saway ko.
Ibinalik ko ang atensiyon sa pagkain ngunit sadyang makulit si Kraius. I could feel his intense gaze towards me. I sighed and put my fork and knife back on the plate. Tinitigan ko rin siya nang mariin.
"I am okay with it. Kung iniisip mo 'yong kanina, malamang, you already concluded everything," mahinang sabi ko.
Umiwas si Kraius ng tingin. Nakita ko rin ang pag-iling niya. He started eating his food and did not ask any questions. Napailing na lamang din ako at napabuga ng hangin. Marahil, alam na rin niya ang sagot sa tanong niya sa akin.
We ate in total silence. The place was cozy and homey. May Turkish music na tumutugtog sa buong lugar habang may iba't ibang naggagandahang ilaw na nagbibigay kulay sa paligid. Lahat ay masaya at nagtatawanan sa kani-kanilang lamesa. Maging ang service crew ay laging nakangiti na tila ba masayang-masaya sa pagsisilbi sa mga customer.
"I love this place," wika ni Kraius kapagkuwan. I looked at him in curiosity. Tulad niya ay kanina pa ako tapos sa pagkain. "It feels like home."
"Bakit? Hindi ka ba nakakapunta sa Turkey?" Napataas ang kilay ko.
Kraius looked around the corner and smiled. "This is more than Turkey for me, Olive. This place is more important to me."
"I see," pagsang-ayon ko. Alam ko naman kasi na sa klase ng tingin niya ay may iba siyang ibig ipakahulugan sa simpleng salita niya.
"Yeah."
"So, what is seni seviyorum, Mr. Turkish?" pang-aasar ko. Ramdam ko kasi sa awra ni Kraius na may dinaramdam siya. I wanted to lighten up the mood for him. Nakita ko kasi kung paano mag-iba ang kulay ng mga mata niya. From its natural brown to a darker shade. Tila ba may damdamin at alaala na ayaw na niyang balikan.
Ibinaling ni Kraius ang tingin sa akin. "Fuck! I hate those words kaya i-search mo na lang sa Google."
Natawa ako nang mahina sabay napailing. I slowly stood up and crossed my arms in front of him. My eyebrows furrowed. "Tara na nga! Hatid mo na ako sa bahay."
"Okay,"pagsang-ayon niya kaagad.
Nauna akong maglakad kay Kraius. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Deciding to loosen a bit from the grudges I was holding was a good thing. Marahil, kailangan ko lang talaga ng panahon para makapag-isip. Kasi pakiramdam ko, kapag hahayaan ko ang sariling magpaalipin sa sakit at inis, hindi ko alam kung ano pa ang magagawa ko.
Kahit kailan, sa loob ng sampung taon, hindi ko hinayaan ang sarili kong mawala sa tamang pag-iisip dahil lamang nasasaktan ako. I could always handle the pain. I could always endure the hurt. I was a martyr wife for so long that sometimes I thought it wasn't worth it.
Maybe . . . just maybe. Kapag napagod na ang puso ko, kusa na lamang itong susuko. Kapag sawa na ako sa pag-iyak, kusa na lamang akong tatapang. Sana nga . . . Sana.
Hinatid ako ni Kraius sa tapat ng aking bahay. Nagpaalam ako sa kaniya nang maayos bago ako bumaba. Sinundan ko rin ng tingin ang kotse niya nang umalis. Mabilis ang pagmamaneho niya na tila ba nagmamadali.
Napailing na lamang ako. Bitbit ang aking mga gamit ay binuksan ko ang gate. Maingat akong pumasok sa loob at saglit lang ay napangiti. Pakiramdam ko, nawala ang lahat ng hinanakit ko. Pakiramdam ko, mas lalong gumaan ang puso ko.
I took out my phone from the bag and dialed Kraius' number. Nakailang ring muna ang aparato bago niya sinagot ang aking tawag.
"Yes, Olive?" bungad niya kaagad. May pagtataka sa boses.
"Thank you for the succulents. They're lovely, Kraius," wika ko. Pinagmasdan ko rin ang maliliit na halamang nasa gilid lamang ng aking dinaraanan. Nakaayos na iyon at maaliwalas tingnan.
"Good thing you like them. Next time, hanging plants naman ang ireregalo ko."
"Huwag na, 'no! Nakakahiya. This is more than enough, really."
Inangat ko ang aking paningin. Natigil ang lahat ng aking sasabihin nang makita ko si Atlas sa harap ng aming balkonahe. Nakatayo siya roon habang nakatanaw sa akin. Simple ang itsura niya. Naka-cargo shorts at puting T-shirt lang. Malayo sa nakita ko kanina.
"Olive? Are you still there?" si Kraius.
"Y-Yes!" Humugot ako ng malalim na paghinga. "Bye for now, Kraius. Salamat din dito," paalam ko bago pinatay ang tawag.
I started walking towards the house. Kahit pakiramdam ko, nanginginig ang aking mga tuhod, pinilit ko pa ring maglakad nang tuwid patungo sa kinaroroonan ni Atlas. I also tried to calm myself from the inevitable irritation slowly building inside me. Tapos na akong magalit at ayaw ko na ng isa pang away.
"Where have you been?" mariing tanong ni Atlas nang magkatapat kami.
"Kasama si Kraius, nakita mo naman siguro," sagot ko.
Atlas looked at me intently. Tila hindi makapaniwala ang mga mata niya. Bakit? Dahil ba sa paraan ng pagsagot ko?
He grabbed my arm and pulled me close to him. "Don't bullshit me, Olive."
Bumilang ako ng isa hanggang sampu. Hinintay kong pakawalan ako ni Atlas ngunit hindi nangyari; bagkus ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Atlas. Kung may bullshit man dito, iyon ay ang kabit mo at hindi ako." Marahas kong binawi ang aking braso. I blinked a few times before I entered our house. Hinubad ko ang heels na suot at basta na lamang itinapon iyon.
"Olive!" tawag ni Atlas sa akin.
"Ano?!" Nilingon ko siya.
"Nag-aaway ba kayo, mga anak?"
My body froze. Nilingon ko rin ang pinanggalingan ng boses. Agad kong nakita ang isang may-edad na ginang. Naka-Apron, at naglalakad palapit sa amin mula sa kabubukas lamang na kusina.
"Kumusta ka na, Olive? Aba'y mas lalo kang gumanda," nakangiti niyang sabi sa akin.
Atlas mom hugged me. Kahit nagulat ay yumakap din ako rito pabalik. My eyes looked at Atlas. I was confused. Nakakunot ang noo ko sa pagtataka. Hindi naman kasi madalas bumisita ang nanay niya sa amin. Kung bibisita man ay tatawagan ako para magpaalam. Ano kaya ang dahilan ng pagdalaw niya?
"M-Mama, kumusta po?" sa wakas ay naiusal ko.
Binitiwan ako ni mama at nginitian. Hinawakan din niya ang aking kamay. Tinitigan din niya akong mabuti. Maging ako ay ganoon din. Atlas' mom screamed the life in the province. May kaitiman dahil sa pagbababad sa araw at medyo kulubot na ang mukha dahil batak sa trabaho.
"Ayos lang, 'nak. Tinawagan kasi ako nitong si Atlas noong isang araw. Dalawin ko raw kayo." Sinulyapan niya si Atlas sabay utos, "Tingnan mo ang niluluto ko, dali!"
"Hon, puntahan mo na." Natawa ako kahit pilit. Nakita ko pa kung paano tumalima si Atlas sa utos ng ina niya. He portrayed a good boy for his mother. Maging ako ay ganoon din. We acted as a loving couple every time his mother was with us. Daig pa namin ang isang magaling na aktor at aktres kapag kasama ang magulang niya.
I sighed. Inakbayan ko na lamang ang nanay ni Atlas. Bukod sa daddy ko, marami kaming niloloko: mga taong malalapit sa amin at mga taong umaasa ng isang masayang pamilya para sa amin. Na kabaligtaran naman talaga sa totoong meron kami.
@sheinAlthea
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: Tears Of A Wife
Fiksi UmumTRIGGER WARNING: This story is not for everyone. Sampung taon nang nagmamahal si Olive kay Atlas. Sampung taon ng pagtitiis kasama ito. Sampung taon ng pag-asam na sana ay mahalin din siya ng asawa. Ngunit sadyang bato na yata ang puso nito dahil s...