Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Atlas. Tinitigan ko ito nang mariin at tinumbasan ang titig niya sa akin. Kahit masakit ang braso ko dahil sa pagkakahawak nito ay hindi ako nagpatinag. Pinilit kong maging matatag para ipakitang hindi ako takot dito.
“Bakit, Atlas? Noong kumabit ka ba, humingi ka ng permiso sa akin?” Tumigil ako at natawa nang mahina. “Takot ka bang maranasan ang sarili mong multo?” mariing wika ko.
“You can’t do that to me, Olive.” May pagbabanta sa tinig nito. Mas lalo rin nitong hinigpitan ang hawak sa aking braso.
“Kung magloloko ako, magloloko ako, Atlas. I don’t need any approval from you!” Idiniin ko ang huling katagang sinabi. Pilit akong humiwalay kay Atlas at hindi naman ako nabigo. Marahas ko itong itinulak dahilan kung bakit ito saglit na nawalan ng balanse. Kinuha ko ang pagkakataon at mabilis na sumakay sa aking sasakyan.
I instantly locked my car. Wala akong pakialam kung kumakatok si Atlas sa bintana ng aking kotse. Sinamaan ko lang ito ng tingin at agad na pinasibad. Nakita ko pa sa rearview mirror kung paano nito sundan ng tingin ang aking kotse.
Mabilis akong nakarating sa bahay. Pagkatapos iparada ang sasakyan ay umibis kaagad ako. Binilisan ko ang aking bawat kilos. I didn’t want to see Atlas’ mom’s worried face. Alam kong magtatanong ito. At hindi ko alam ang isasagot kung sakali.
Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyang makapasok sa aking kuwarto. Ini-lock ko iyon at naupo sa aking study table. I was so tired and lazy. Gusto ko na lang magpahinga at kalimutan ang lahat.
Minsan, iniisip kong lumayo. Kasi pakiramdam ko, napapabayaan ko na ang sarili ko. Masyado na akong bulag at martir. Masyado akong nilamon ng pagmamahal ko para kay Atlas. That I needed to breathe some fresh air because Atlas’ presence was suffocating me.
Pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Kung saan ako pupunta. Kung papaano ako magpapaliwanag sa lahat. Kung kaya ko bang panindigan.
Everybody thought I am smart. Pero pagdating sa pag-ibig, sinalo ko na yata ang lahat ng isinaboy na kabobohan sa mundo. Hindi ko alam. Nagiging sarado ang utak ko sa mga bagay. Na mas gugustuhin ko na lang na masaktan. Mas gugustuhin ko na lang na mang-amot ng atensiyon.
My gaze shifted as I heard a loud slam of the door. I instantly saw Atlas walking close to me. His forehead creased, and his eyes looked at me intensely. He was fuming mad that I could feel the tension of his every pace.
“Olive!” pagtawag nito.
Hindi na ako nagtaka kung bakit ito nakapasok. Kaming dalawa ang gumagamit ng kuwarto dahil na rin sa nanay nito. May sarili akong susi at may susi din ito. Madalas nga lamang itong nasa labas at doon nagpapalipas ng gabi.
“What are you doing, Atlas? Anong kailangan mo?” Pinilit kong maging mahinahon. I stayed still from the chair I was sitting.
Atlas didn’t budge. Ni ang kumurap ay hindi ko nakita rito. Nanatili ang mabibilis na hakbang ni Atlas papalapit sa akin. At nang makalapit ito ay isang sampal ang iginawad nito sa aking kanang pisngi.
“How dare you do that to me, Olive!” galit na turan nito.
Nagulat ako sa nangyari. Nanlaki rin ang aking mga mata. Hindi ko inaasahan ang gagawin ni Atlas sa akin. Sapo ang nasaktang pisngi ay ibinalik ko ang paningin kay Atlas. Mabilis ang paghinga nito habang matalim pa rin ang titig sa akin.
Tumayo ako. “Ano bang ginawa ko, Atlas? Tell me! Sapat ba para saktan mo ako?!” mariing sigaw ko. Naramdaman ko pa ang sakit na dulot ng sampal niya sa akin.
“Dahil matigas ang ulo mo!” He pointed his finger at me. Nanlilisik din ang mga mata nitong nakatitig sa akin. “Have you seen yourself? Mukha kang kaladkaring babae!”
Atlas’ words pierced through me. I blinked a few times to suppressed my tears from falling. I desperately made myself strong in front of him and looked straight into his eyes. Umiling ako. “Napaka-imposible mo, Atlas.” Dinuro ko ito. “Ang galing-galing mong manakit!”
Pinilit ko mang hindi mabasag ang sariling boses, nabigo pa rin ako. Kumirot ang puso ko sa isang realisasyon. Nasaktan ako hindi dahil sa ginawa nitong pagsampal sa akin kundi dahil napagtanto ko kung paano ako kadaling saktan ni Atlas gamit lamang ang mga salita nito.
Mula sa sakit na pisikal, mental, at emosyonal, walang pinipili si Atlas kung gugustuhin nito. Kayang-kaya niya akong durugin nang paulit-ulit na hindi nangingimi. Kayang-kaya niyang iparamdam sa akin kung gaano ako kaawa-awa.
I looked down in resignation and let out a heavy sigh. Mapait akong ngumiti. “Tapos ka na ba? Makakaalis ka na,” wika ko.
“I’m warning you, Olive!” wika nito. Ni hindi nito pinansin ang aking sinabi.
“Hindi ko kailangan ’yan, Atlas!” mariing saad ko.
Narinig ko ang pagbuga nito ng hangin. I looked up and stared at him. Frustration was written on his handsome face. Ginulo nito ang sariling buhok habang nakatuon ang paningin sa paanan nito. Pagkatapos ay muli itong tumitig sa akin.
“May relasyon ba kayo ng attorney na ’yon?” tanong nito.
Kumunot ang noo ko. “Why do you keep on pulling that thing, Atlas? Hindi mo ba nakikitang ayaw kitang kausap? Wala kaming relasyon ni Kraius kaya umalis ka na!” bulyaw ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagkirot ng aking sentido. Hinawakan ko ang gilid ng aking ulo. Dahan-dahan akong umupo sa kinauupuan ko kanina. Ipinikit ko rin ang aking mga mata. Pakiramdam ko, bigla akong nahilo nang hindi ko alam.
“Pakisarado na lang ng pinto pagkatapos mong lumabas,” bilin ko rito.
“Fuck!” mura nito. “Magsisisi ka kapag inulit mo pa ang ginawa mo, Olive. Alam na alam mo kung paano ako magalit.”
Nakarinig ako ng kalabog ngunit hindi ko na iyon tiningnan. Ilang sandali pa ay narinig ko rin ang mga yapak ni Atlas. I sighed as I heard the door open and close. At saka ko pa lamang hinayaan ang sariling magmulat ng mga mata.
Ilang beses kong pinakalma ang sarili mula sa nangyari. I tried to get up and took my towel. Nagtungo ako banyo at naligo roon. Matagal akong nagbabad. Na para bang sa pamamagitan niyon, mawawala ang pangmamaliit ni Atlas sa akin. Kinuskos ko rin ang sarili para kahit papaano, maibsan ang nararamdaman kong awa para sa sarili.
Ngunit bigo pa rin ako. Akala ko, tapos na, pero tumulo pa rin ang luha ko kasabay ng pagdausdos ng tubig mula sa shower patungo sa aking katawan. Kasabay ng mabining lagaslas ay ang impit kong paghagulhol.
Marahil, may mga bagay na magbibigay rason para mamulat ang isang tao. May mga pangyayari na darating para magbukas sa matagal nang nakalahad na realisasyon.
I’ve been aware for a long time, but I chose to be blind. I’ve been hurting myself for so long that I forgot my worth. I’ve been loving a man who killed my self-respect. I’ve been very unfair for the last ten years because of loving him.
Panahon na siguro para isipin ko rin ang sarili ko. Para ibalik ang dating ako. Para maging malaya at masaya ulit ako na walang kahit anumang iniisip. Dahil pakiramdam ko, buhay lang ang katawan ko pero matagal nang patay ang puso ko.
Sumuko na rin ito para kay Atlas.
@sheinAlthea
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: Tears Of A Wife
General FictionTRIGGER WARNING: This story is not for everyone. Sampung taon nang nagmamahal si Olive kay Atlas. Sampung taon ng pagtitiis kasama ito. Sampung taon ng pag-asam na sana ay mahalin din siya ng asawa. Ngunit sadyang bato na yata ang puso nito dahil s...