Kabanata 20

24.9K 738 113
                                    

I didn’t know what exactly happened after I lost consciousness. When I woke up, the familiar scent of the hospital greeted me. The white ceiling. The nurse. And the private doctor that my dad hired for me. Everyone was watching my every move and sometimes it made me feel awkward. Even my dad cared for me too much which confused me even more. Until, they spilled the reason why.

It had been a month since that day happened. Tandang-tanda ko pa ang mga katagang binitiwan ng doktor para sa akin. The words made me feel happy, but at the same time, they hurt. It sent me so much emotions I couldn’t contain.

I am pregnant.

Buntis ako sa anak namin ni Atlas. Mahina ang kapit nito kaya kailangan ng dobleng pag-iingat. Kung hindi lamang naagapan ni Daddy at nadala ako kaagad sa hospital ay baka nawala na ito. Na baka tuluyan na akong hindi magkaanak dahil may nakita silang problema sa aking obaryo.

I touched my belly as I remembered the situation I was facing. Sa dami ng iniisip ko sa mga nakalipas na buwan, nakalimutan kong mag-inject ng contraceptive kaya ito nabuo. Gayunpaman, hindi ako nagsisisi sa nangyari. I was happy because of this existing life inside of me. It was always the blessing that I would accept. Kahit pa ako na lamang mag-isa ang mag-aalaga at makakasama nito.

Alam kong hindi papayag si Atlas na magkaroon kami ng anak. Sinampal na niya ako sa katotohanang iyon noon. He broke me too many times. Ayaw kong pati ang anak ko ay saktan niya dahil sa galit niya sa akin. Hindi rin ako umaasang mamahalin niya ako dahil sa bata. Sa nobela lamang nangyayari ang mga kaimposiblehang iyon at malayo sa realidad.

Hindi ko rin alam kung nasaan na si Atlas. My dad did not mention him while I was still in the hospital. Hanggang ngayon ay wala pa ring imik si Dad lalo na sa mga nangyari. Hindi ko na rin pinilit na magsalita ito. I knew how disappointed he was to Atlas and I didn’t want to fuel his rage. Kahit pa gusto ko sanang malaman ang nangyari dito nang bugbugin ito ng mga bodyguard.

“Miss Olive!”

I abruptly turn my gaze to Jenny. Isang buwan na rin mula nang alukin ko ito ng tulong. Mabait ito kaya magaan ang loob ko rito. She reminded me of a sister that I didn’t have. Malinis at maayos na ang itsura nito ngayon kumpara noong una ko itong makita.

“Bakit, Jen?” tanong ko nang makalapit ito sa akin. Inayos ko rin ang sarili sa kinauupuang couch.

“Bawal ka pong magpuyat, miss. Papagalitan ako ni Senator.” Napakamot ito sa ulo. Natawa ako nang mahina kaya ngumuso ito.

Jenny resembled my grandmother. Marahil kaya magaan ang loob ko rito. Minsan nga lamang, nakikita ko itong may kausap sa telepono ay hindi ko na lamang pinapansin. Ang sabi niya sa akin, may pamilya siya sa probinsiya habang ang asawa naman niyang nambubugbog ay nadakip na.

“It’s fine, Jenny. Hindi pa naman masyadong late.” I looked at my wrist watch. “Nine pa lang ng gabi. I still have enough time!”

“Kayo po ang bahala. Inumin n’yo lang po ito.” Inabot nito ang isang baso ng gatas sa akin.

Tumaas ang kilay ko. “Jenny, you treated me like a baby. I can always do it for myself.” Kahit ganoon ay kinuha ko pa rin ang basong ibinigay nito. “Go and rest! Daig mo pa si Dad,” pagtataboy ko rito.

“Sige po,” sagot naman nito bago ako iniwan. Tinanaw ko na lamang ang likod nito habang papunta sa guestroom.

I sighed after Jenny completely left. Napakatahimik ng buong mansion. Tanging ang tunog lamang ng pinanonood kong palabas ang maririnig sa buong sala. Marahil ay sa buong kabahayan din. Ibang-iba sa nakasanayan kong buhay sa bahay namin ni Atlas. Kahit ako lang ang mag-isa noon ay maingay naman ang paligid dahil sa ibon na alaga nito at ang wind chimes.

WIFE SERIES: Tears Of A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon