Kabanata 29

22.6K 731 119
                                    

Dinala kami ni Dr. Lagman sa isang pribadong silid. My heart was beating so fast. Hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman. Kinakabahan ako at excited sa mga mangyayari.

Nang ilibot ko ang paningin, nakita kong isang normal na clinic laboratory room lamang iyon. May higaan sa gilid ng silid habang may maliit na mesa naman katabi ng ultrasound monitor. May lavatory din sa kabilang gilid ng silid at may mga larawan ng bata sa dingding. Puti ang interior nito na may halong berde kaya mas maganda sa paningin ng kung sinumang titingin.

“Alright! Pwede n’yo na pong bitiwan si misis,” baling nito kay Atlas. Doon ko lang napagtanto na nakahawak pa rin si Atlas sa aking baywang. I took a glimpse of him and shook my head. Tumango naman ito at binitiwan ako kasabay ng isang buntonghininga.

“Now, higa po tayo sa kama at mag-relax. Hindi po ito masakit,” wika pa nito.

I nodded and walked towards the bed. I took a deep breath before I laid down on the bed. Nakangiti lamang akong pinagmamasdan ni Doktora habang inaayos ang sarili sa ibabaw ng kama.

“Ang ganda mong magbuntis, Mrs. Ramirez. Let’s see kung ayos lang ba si baby,” wika nito. Umalis ito sa aking harapan at naglakad patungo sa maliit na mesa. May kinuha ito roon at pagkatapos ay bumalik din kaagad. “Pakita na ang baby bump, Mommy. May ilalagay lang ako,” dagdag pa nito.

“Sige po,” I answered.

Doctor Lagman put a cold and sticky gel in my tummy. Minasahe niya rin ito nang mahina bago kinuha ang aparato. I smiled when my baby kicked. Nagkatawanan pa kami ni Doktora dahil sa ginawa nito. In my peripheral view, I saw Atlas walking towards my side. Ipinagkibit-balikat ko lamang iyon at hindi na ito pinansin.

I closed my eyes as the transducer touched my belly. I felt Atlas hand hold mine. Mahigpit ang pagkakahawak nito na tila sa ganoong paraan mawala ang lahat ng mga bumabagabag sa akin.

“Ayos ka lang ba?”

I opened my eyes as I heard Atlas’ voice. I instantly saw his eyes that were looking at me intently. Concern was also written in his handsome face. Para bang nasasaktan ito sa nakikita.

Ngumiti ako rito nang alanganin. “I’m fine.”

“Goo—”

Atlas’ words stopped. Maging ako ay ganoon din. Binawi niya ang tingin sa akin at inilipat iyon kung saan. Nang sundan ko ito ay sa monitor na nasa dingding ang tungo niyon.

Ngunit hindi iyon ang nakaagaw sa aking pansin kundi ang tunog na nagmumula roon. Pakiramdam ko, sumasabay ito sa bawat tibok ng puso ko. Parang dalawang magkaibang saliw ng musika na naging isa dahil sa ritmo at tunog. Mahina hanggang sa unti-unting bumibilis iyon.

I wanted to open my mouth to utter a word, but there was a lump in my throat. The feeling was just too much for me. It was unexplainable and overwhelming at the same time. My heart was beating so fast that it hurts. Hindi ko alam na posible pala ang umiyak kapag sobrang saya ang nararamdaman. Ngayon ko lang napagtantong posible pala iyon.

“The baby is weak.” Napabuntonghininga ito. “We need to monitor, Mommy. Mahina pa rin ang fetal heart rate ni baby than usual. Proper care is necessary,” ani Dr. Lagman. “Ay! Napaiyak tuloy si Daddy!” eksaheradong sambit naman nito, kapagkuwan.

My eyes instantly shifted to Atlas and saw him wiping his eyes using his handkerchief. His other hand was still holding mine. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak nito na para bang ayaw akong mawala. Naninikip din ang puso ko na kinailangan ko pang lumunok para mawala ang bara sa lalamunan at panatilihing kalmado ang sarili.

WIFE SERIES: Tears Of A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon