Atlas’ intense gaze was piercing through me. Ramdam na ramdam ko iyon habang naglalakad ako papalapit sa couch na kinauupuan nito. Gayunpaman, pinilit kong lapitan ito kahit pa nanginginig ang aking mga tuhod. Maging ang aking mga paa ay pinilit ko lamang na maihakbang papunta sa kinaroroonan nito.
“In my office, Mr. Ramirez,” wika ko nang tuluyan akong makalapit dito.
There was a lump in my throat, but I managed not to stutter. I wanted him to see that I could face him without any confusion. Without any emotional attachment. That I could live without him. That I could face him in restraint.
“Follow me,” dagdag ko pa.
Mabilis kong tinalikuran si Atlas. Hindi ko na hinintay ang sagot nito. I abruptly continued my pace and walked straight to my office. Nakahinga kaagad ako nang maluwag nang makapasok sa loob at maupo sa aking swivel chair. I waited for Atlas to come in, and in a few minutes, he showed up. Naroon pa rin ang mariing titig niya para sa akin na tila nang-aarok.
Atlas’ physical appearance changed a bit. Mas tumaas na ang buhok nito. Maging ang bigote nitong laging trimmed ay mas tumaas din. Hindi naman ito mukhang marumi; bagkus nakadagdag pa iyon sa itsurang pisikal nito. He was wearing his usual polo and jeans. Halatang hindi pa ito pumapasok sa trabaho.
“A restraining order for me? Seriously, Olive?!” mariing tanong nito matapos isarado ang pinto. Naglakad din ito papalapit sa aking mesa.
Agad na napakunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam ang tungkol sa pinagsasasabi ni Atlas. Maging ang ideyang restraining order para dito. Maybe, Dad was behind it. I didn’t know.
I sighed and looked at him with the same intensity, too.
“What are you saying?” tanong kong naguguluhan.
“Don’t bullshit me, Olive! Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin!” sigaw nito. Marahas nitong inilagay ang dalawang kamay sa ibabaw ng aking mesa. He was towering over me that I needed to look up just to see him clearly.
Naikuyom ko ang mga kamao. I tried to calm down. Stress wasn’t good for me. “Kung may restraining order man ako sa ’yo, you deserved it. Sa itsura mo pa lang ngayon, parang gusto mo na akong saktan!”
“Fuck!” sambit nito at marahas na sinuntok ang aking mesa. Napapikit ako sa ginawa nito at pagkaraan ay nagmulat din ng mga mata.
I saw him pacing back and forth in front of me. Para bang hindi ito mapakali. Para bang may gusto itong sabihin na hindi nito kayang sabihin sa akin. Hindi ko alam. I was a psychiatrist but I couldn’t determine what Atlas was thinking right now. He was the biggest puzzle I have ever encountered. Someone who could give me so much confusion in my being.
“Kung wala ka nang sasabihin, makakaalis ka na,” wika ko rito. Pinilit kong manatiling matatag ang boses kahit pa natatakot na ako sa ikinikilos ni Atlas. I was not afraid for myself but for the baby inside me. Ito ang mas importante kaysa sa ano pa mang bagay. More important than Atlas.
Sa naisip ay hinawakan ko ang aking impis na tiyan. Mas lalo lamang akong binigyan ni Atlas ng dahilan para ipagpatuloy ang annulment na ibinigay ko rito. Alam kong kapag nalaman nito ang tungkol sa anak ko ay magagalit ito o itatakwil marahil. Alin man sa dalawa, hindi ko hahayaang mangyari iyon. I didn’t want it to happen and being away from him was the best option I would make.
“Kung wala ka nang sasabihin, makakaalis ka na!” pag-uulit ko.
Humarap ito sa akin na may galit na mga mata. “You want an annulment? Fine! Ibibigay ko sa ’yo ang gusto mo, Olive!” Dinuro ako nito. “You want me. Pero ikaw rin ang unang bumitiw. Napakagulo ng utak mo!”
“Magulo ang utak ko kaya umalis ka na, Atlas! Leave me alone!” sigaw ko. I stood up and faced him. “Ikaw ang dahilan kung bakit ako sumuko, Atlas. Nakakapagod kang mahalin.”
Halos bulong na lamang na lumabas sa bibig ko ang huling katagang sinabi ko kay Atlas. I sat back when I felt a sudden pain in my belly. Hindi dapat ganito. Masama sa akin ang ma-stress. Atlas was just too much. He was giving me too much stress.
“Kung mahal mo ako, hindi ka mapapagod, Olive!” katwiran pa nito.
I closed my eyes and tried not to burst out. I needed to calm myself for my baby. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin sa mga pinagsasasabi ni Atlas sa akin. Kung pain man ito para magkaroon siya ng pagkakataon na saktan akong muli, hinding-hindi ko ibibigay sa kaniya iyon. I needed to distance myself from him as soon as possible.
I opened my eyes and looked at him directly in his eyes. He was eyeing me intently, too. Pareho kaming tahimik na nakatitig lamang sa isa’t isa. Parehong nakikiramdam. In the end, I broke the silence between us.
“Sa loob ng sampung taon, hindi ako nagreklamo sa ’yo, Atlas. Tinanggap ko kung ano ang kaya mong ibigay para sa akin. Tinanggap ko ang parusa mo sa akin nang kunin mo sa akin ang lahat-lahat. You stripped me when you had your first affair. Hindi ako nagreklamo at nagtanong sa ’yo.” I stopped and shook my head. “Ngayon, ako naman ang hihingi ng pabor. I will give the freedom you deserve, Atlas. I will have mine, too. Palayain na natin ang isa’t isa.”
Tumikhim ako para palisin ang bikig sa aking lalamunan. Nasasaktan akong alalahanin ang mga paghihirap ko na tumagal nang sampung taon. Nasasaktan ako dahil pakiramdam ko, sinayang ko ang buhay ko sa paghihintay na mahalin din ako ni Atlas katulad ng pagmamahal ko rito. Nasasaktan ako dahil naaawa ako sa sarili ko.
Lumapit ito sa aking mesa. Nakatutok pa rin ang mga mata nito sa akin. “’Yan ba talaga ang gusto mo? Fine! I will sign those fucking papers for you!”
“For us, Atlas! Not only for me!” I reprimanded. Hinilot ko ang sentido dahil sa biglaang pagsakit nito. I looked down and sighed heavily. “This is going nonsense, Atlas. I’m sorry,” mahinang wika ko.
“I will let my attorney handle everything, Olive. I will talk to your Dad for this,” Atlas said. I looked up and saw him walking towards the door.
Masakit man ang ulo at puson ko, mas masakit pa rin ang puso ko. Alam kong masama sa akin ang malungkot pero hindi ko pa rin mapigilang masaktan habang pinagmamasdan ko ang likuran ng taong una kong minahal. Alam kong sa puntong iyon, desidido kami ni Atlas. Alam ko rin na maaaring huling pagkikita na namin ito. At hindi ako bato para hindi masaktan.
Nang tuluyan nitong maisarado ang pinto ay saka ko pa lamang hinayaang tumulo ang aking mga luha. Alam kong masama sa akin ang umiyak pero hahayaan ko na muna ang sarili sa ngayon. Hindi ko na alam kung sa papaano pang paraan maiibsan ang sakit na nararanasan ko.
Masakit. Sobrang sakit.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung saan ako kakapit. All I know was that I wanted to go out. From the pain that I was feeling. From the loneliness I’ve been carrying and from the love I’ve been holding a long time ago.
@sheinAlthea
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: Tears Of A Wife
General FictionTRIGGER WARNING: This story is not for everyone. Sampung taon nang nagmamahal si Olive kay Atlas. Sampung taon ng pagtitiis kasama ito. Sampung taon ng pag-asam na sana ay mahalin din siya ng asawa. Ngunit sadyang bato na yata ang puso nito dahil s...