I was losing my will. The unbearable pain was killing my being. The sound of my cries and pleading were nothing compared to the silent scar within me.
Deep and lasting scar that would stay with me forever.
My heart was hurting. My body was hurting.
But, I wanted my baby to be fine. Kahit ang anak ko na lang. Huwag na ako.
Halos mawalan ako ng ulirat sa ginagawa ni Trina sa akin. Ngunit nangingibabaw pa rin ang kagustuhan kong makalayo at mailigtas ang anak ko. I prayed and hoped that someone would find and help me. Kahit ngayon lang.
“Shit! Olive!”
I heard Atlas screamed. But I was too tired to even look around. Ni hindi ko na nga halos kayang ibuka ang aking mga mata. Basta’t naramdaman ko na lang na natigil na ang pananakit ni Trina sa akin. Marahil napagod na ito? O marahil umalis na ito? Alin man sa dalawa, hindi pa rin napapanatag ang loob ko.
I was still holding my belly while lying on the floor. I was sobbing softly when someone grabbed me from my back. Alam kong lalaki iyon base na rin sa laki ng braso nito. Mas lalo kong nakumpirma kung sino iyon nang maamoy ko ang pabango nito.
Sa nanlalabong paningin ay nakita ko ang mukha ni Atlas nang buksan ko ang aking mga mata. But I couldn’t open my eyes fully because of the unbearable pain. Umungol ako at pumikit muli. Hindi ko na kaya pero kailangan kong magpakatatag.
“Shit! You’re bleeding!” wika nito. Hindi ko man nakikita, ramdam ko ang pag-aalala sa boses nito. Naramdaman ko ring inilapag ako nito sa isang malambot na bagay. Walang lakas kong isinandal ang aking likod doon.
Napaigik ako nang sumikdo na naman ang sakit. Nangangatal ang aking pakiramdam at pagod na pagod. Pinilit ko ring pakalmahin ang aking sarili kahit papaano. I needed to be strong. I wanted to be strong for my baby.
“A-Atlas! ’Yong baby ko—”
“Shit! Hold tight, love!” mariing wika nito.
Ilang sandali ay mabilis na nitong pinaandar ang sasakyan. I felt him touch my hand. I heard him cursed nonstop. Malulutong na mura na tila galit na galit. I could hear his agony. I tried not to sleep, but the inevitable feeling succumbed inside my being. I slowly closed my eyes and forget everything.
Nagising akong nasa loob na ng hospital. My body was still aching, but it was bearable than the last time. Nang ilibot ko ang paningin ay purong puti ang nakikita ko. The usual façade of a private room in the hospital. Nakita ko rin kaagad si Daddy na nakatanghod sa akin. He was holding my hand. Concern was written in his whole face.
“D-Dad! ’Yong baby ko,” I asked. My voice cracked and I was in the verge of crying.
“It’s fine, princess. No need to worry,” sagot naman nito. Kinalas nito ang pagkakahawak sa aking kamay at hinawakan ang aking noo. “Good thing you’re already awake. Pinag-alala mo ako, anak. You slept for three days,” mahabang wika nito.
Nagulat ako sa sinabi ni Dad. Kapagkuwan ay tumango na lamang ako. Marahil, sa sobrang pagod at sakit na dinanas ko kay Trina ay ganoon nga ang nangyari sa akin. Ang mahalaga, maayos ang anak ko kahit pa dumanas ito ng kalupitan sa kamay ng iba.
“You’re stronger than Mama,” bulong ko. I looked at Dad and smiled. He nodded and smiled back at me.
Nasa ganoon kaming posisyon nang bumukas ang pintuan ng kuwartoI instantly looked at the door and saw Atlas heading in our direction, holding a basket in his right hand. His eyes looked directly through me. Piercing through my soul, but I knew better. I looked at him, too, with the same intensity.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko nang tuluyan itong makalapit katabi ni Daddy.
“Dad?” baling ko naman kay Dad.
“Hija, don’t stress yourself too much. Bawal sa ’yo. Please, saka na natin pag-usapan,” mahinang wika nito. His eyes were pleading. Nilingon din nito si Atlas at tinapik sa braso.
Napakunot ang noo ko. I didn’t know what was happening. Lalo na nang iwan ako nito at si Atlas sa loob ng kuwarto. Gusto kong magprotesta ngunit inaalala ko ang kalagayan ko. I didn’t want to take risks in my situation. Baka mapasama pa lalo sa kalagayan ko.
Nanatili ang katahimikan sa aming dalawa ni Atlas. Parehong pinakikiramdaman ang isa’t isa. I didn’t have anything to say to him either so we both stared at each other for a moment. Na para bang sa pamamagitan niyon, maramdaman niya ang lahat ng sakit na ipinaranas nila sa akin mula pa noon.
“Kung wala ka nang sasabihin, makakaalis ka na,” mariing wika ko kapagkuwan. Inayos ko rin ang aking sarili at isinandal ang aking likod sa headboard ng kama.
I looked to the other side of the room to ignore Atlas’ presence. Siya man ang nagdala sa akin sa hospital, hindi pa rin nito maikakailang ang kabit niya ang dahilan kung bakit muntik na akong malagay sa peligro. Maging ang baby sa sinapupunan ko.
Naikuyom ko na lamang ang aking mga palad dahil sa naisip habang naaalala ang tagpong iyon. I would surely get back to Trina. Kung napagbigyan ko siya noon ay hindi na pwede ngayon. Hinding-hindi na. Alang-alang sa anak ko.
“I don’t know,” mahinang wika ni Atlas.
Natigil ang anumang iniisip ko nang magsalita si Atlas. I shifted my gaze and looked at him. My forehead creased. I was puzzled. Ngunit saglit lang ay nakuha ko rin ang gusto nitong sabihin. Natawa na lamang ako nang mahina habang napapailing.
“So, now that you know, pwede ka nang umalis,” walang kasinlamig na wika ko.
“Can you please stop being sarcastic? Mag-usap naman tayo nang maayos, Olive!” mariing wika ni Atlas.
“Wala na tayong pag-uusapan, Atlas! Hiwalay na tayo kaya tapos na ang lahat!” wika ko.
“What about the baby?” iritableng tanong nito.
I laughed sarcastically and looked at Atlas in disbelief. Naaalala ko na naman ang pait ng unang beses na sinabi niyang hinding-hindi niya gugustuhing magkaanak sa akin. That was our wedding night. He slapped me with his words and left me in the room crying.
“You have nothing to do with it. Kaya kong palakihin ang anak ko,” mariing wika ko. I looked intently through his eyes. I was certain and determined to keep him away from me. Away from my baby.
“That’s bullshit, Olive!” malakas na wika nito. Lumapit din ito sa aking kama habang kuyom ang mga kamao. I could feel his rage. “Don’t you think it’s unfair, Olive?”
“Ang unfair ay noong minahal lang naman kita pero sinasaktan mo lang ako!” I touched my belly. “Ayaw kong pati ang anak ko, saktan mo rin, Atlas. Ayaw kong pati siya, saktan ng kabit mo.” I paused. I could feel my heart ache. The lump in my throat was inevitable. Palagi na lang, kapag nag-uusap kami ni Atlas nang ganito ay nasasaktan ako.
I looked away and sighed. Hindi maganda sa akin ang mapagod at ma-stress. Pinilit ko ring pakalmahin ang sarili sa namumuo na namang paninikip ng dibdib.
Siguro nga, mali ang magmahal ng taong hindi ka mahal. Masasaktan ka. Luluha at aasa. But nothing is perfect in this world. May mga bagay at pagkakataon na kahit anong pilit mong ilayo ang sarili ay mas lalo ka namang mahuhulog sa kumunoy. Alam mo na ang mangyayari at kahihinatnan pero nagpatuloy ka pa rin.
Selfishness. Katulad na katulad sa nangyari sa akin. I loved and I hoped, but in the end, I was still the loser. I lost the challenge. Ako pa rin ang unang sumuko. Ako pa rin ang unang umiyak. Ako ang unang bumitiw.
“Mahal kita, Olive.”
I smiled bitterly without looking at Atlas. Sana hindi na lang sinabi. Sana hindi na lang binigkas ang mga kataga. Sana hindi ko na lang narinig. Dahil ang totoo, nasasaktan ako. Dahil alam kong hindi totoo.
@sheinAlthea
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: Tears Of A Wife
General FictionTRIGGER WARNING: This story is not for everyone. Sampung taon nang nagmamahal si Olive kay Atlas. Sampung taon ng pagtitiis kasama ito. Sampung taon ng pag-asam na sana ay mahalin din siya ng asawa. Ngunit sadyang bato na yata ang puso nito dahil s...