Kabanata 5

21.4K 827 136
                                    

Dedicated to team Payaman! Keep slaying girls.

Thank you nga po pala sa lahat ng sumusuporta sa akin. Mula No Promises hanggang dito. Kayo ang inspirasyon ko. Lablab❤️



I stayed at my Dad's house for one week. I skipped from work and decided to cancel all my meetings. Naisip kong magpahinga mula sa lahat ng stress na nararamdaman ko nitong mga nakaraan. To unwind and relax.

Hindi na rin ako nagpaalam kay Atlas. Hindi naman kasi kami sanay na ipinapaalam ang nangyayari sa buhay naming araw-araw. Masasabi ko rin na hindi kami close. We were two different people that were binded only because of marriage. Na hindi pa niya gusto dahil ako lang naman ang nagpumilit.

Bago ako umuwi sa South Ridge Village ay dumaan muna ako sa aking clinic. Kinuha ko ang ilan sa mga dokumento ko at mga papeles ng aking mga pasyente. I decided to read those papers at home. It was six in the morning, and I had all day to scan it.

I smiled as I maneuvered my car. Naalala ko na naman ang masasayang araw ko kasama ni Daddy. Ang pagpunta namin ng ibang bansa para lamang kumain at magliwaliw ng tatlong araw at ang pagbili niya ng bagong sasakyan para sa akin. My dad spoiled me so much that sometimes I thought he was too good to be true.

Marahilmasuwerte lamang ako dahil mayroon akong tatay na sinusuportahan ako at minamahal. Mga bagay na madalas ay hindi nararamdaman at nararanasan ng iba. Minsan nakakalimutan na nga. Madalas napapabayaan na lang.

Nang makarating sa lugar ay ipinarada ko kaagad ang kotse sa aming malawak na bakuran. I even saw Atlas' car parked in our garage. Nang tingnan ko ang relong pambisig ay nakita kong mag-a-alas-otso na ng umaga. My forehead creased. Atlas usually went to work early. Nakapagtataka na nandito pa siya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng bahay. I sighed in relief that the house was quiet and peaceful. Tanging ang tunog wind chimes, ang huni ng alaga ni Atlas na ibon, at ang aking mahihinang paghakbang lamang ang maririnig.

"Where have you been?!"

Bigla ang pagtigil ng aking paghinga. Maging ang aking mga hakbang ay tumigil din. Pakiramdam ko, isa akong kriminal na isasalang sa hot seat. Naghihintay na tanungin at hatulan ng nararapat para sa akin.

Naririnig ko ang mabagal na tunog na nagmumula sa tsinelas ni Atlas. Bawat paghakbang niya ay aking binibilang. Nakatayo lamang ako sa pasilyo malapit sa aming sala. Natatakot akong lumingon dahil alam kong nasa likuran ko lamang siya. Alam kong galit siya dahil sa tono ng boses niya kanina.

Atlas stopped a few inches away from my back. Naramdaman ko pa ang init na nagmumula sa katawan niya, maging ang paghinga niya ay tumatama sa aking ulo. Hindi naman kasi ako masyadong pandak. Trina was just exaggerating things. Kahit five feet and eleven inches ang height ni Atlas ay umabot naman ako hanggang sa leeg niya.

"I'msorry. Hindi na ako nagpaalam sa 'yo. I spent my whole week with Dad. Matagaldin kaming hindi nagkita, that's why," wika ko nang mahanap ang sariling boses.Sinikap ko ring pakalmahin ang sarili. There was no reason for me to explainanything to him. Siya na mismo ang nagsabi na wala kaming pakialamanan sa isa'tisa.

"Gawain ba ng matinong asawa 'yan? Really, Olive?!"

I instantly turned my back to face Atlas. Nakakunot ang noo ko nang balingan siya. Sinuyod ko rin ang kaniyang kabuuan. He looked stressed. Bukod sa may mga itim na linya sa ilalim ng kaniyang mga mata ay mataas na rin ang tubo ng bigote sa pangahan niyang mukha.

"May problema ka ba sa akin, Atlas? This isn't the first time that I spent a week with my father. Bakit parang kasalanan ko na naman?"

"You should've told me! Para akong siraulo dito na naghihintay sa 'yo!" Hinawakan ni Atlas ang aking braso. Masakit ngunit hindi ko na lamang pinansin. All I cared was the glint of frustration in his eyes. Bakit?

WIFE SERIES: Tears Of A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon