Kabanata 31

21.6K 700 73
                                    

Kapag natapos ang unos, may liwanag na darating. Kapag tumila ang ulan, may araw na sisibol. Ang mga luha at sakit, mga dalamhati at pasakit. Ito ang magsisilbing pundasyon para sa panibagong yugto. Bagong simula at bagong pag-asa.

Nagising ako kinabukasan nang may ngiti sa aking labi. Inisip ko ang nangyari sa amin ni Atlas nang nagdaang gabi. Hindi sekswal kundi pisikal na pangyayari na hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang mga yakap nito sa akin. Yakap na naging dahilan upang maging payapa ang isip ko at mahulog sa karimlam.

I roamed around the room as I got up from bed. There is no trace of Atlas in every corner of it. I pouted my lips. I felt a bit of disappointment, but I just shrugged the thoughts off. Then, I sighed and continued the things that I needed to do.

“Ate!”

Natigil ang akmang pagbubukas ko ng pintuan ng banyo nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Leklek. My gaze shifted to where she was and I instantly saw her smiling face. She was holding a paper bag with a familiar brand of clothing. My forehead creased. Alam kong mamahalin ang brand na iyon.

“Good morning, ’te!” bati kaagad nito nang makalapit. “Para sa ’yo po. Binili ni Kuya kanina sa bayan.” Inilahad nito ang paper bag sa akin.

Binitiwan ko ang pagkakahawak sa seradura ng banyo at tuluyang hinarap si Leklek. Nakangiti pa rin ito sa aking harapan habang inosente ang mga matang nakatitig sa akin.

“Salamat, Lek.” I smiled shyly. Tinanggap ko rin ang paper bag na inabot nito. Sinilip ko rin ang laman ng paper bag bago ito binalingang muli. “Nasaan ang kuya mo?” tanong ko.

Napakamot ito sa ulo habang tila nahihiya sa kung anumang sasabihin nito. Inilibot muna nito ang tingin sa buong kuwarto bago ako sinagot. “Nasa tubuhan po, Ate. Tumutulong sa mga trabahador.”

Tumango ako sa sinabi nito. “Pwede mo ba akong samahan para maglibot mamaya? I wanted to see your place.”

“Sige po!” agad na pagsang-ayon nito.

I smiled to Leklek. “Wait for me, Lek. Maliligo lang ako at mag-aayos.”

“Sige, Ate. Maiwan na muna kita,” sagot naman nito.

Tinanaw ko muna ang papalayong pigura ni Leklek bago tuluyang pumasok sa banyo. Simple lamang ang loob at yari sa tiles ang buong sahig at dingding. May maliit na shower area at malaking salamin sa harap ng lababo habang nasa pinakadulo naman ang inidoro.

Mabilis ang aking mga kilos nang maghubad ng damit sa buong katawan. My lips formed a genuine smile as I felt my baby kicked inside my tummy. Tumagal ito nang ilang segundo bago tumigil kaya naman ay hinaplos ko ang malaking umbok ng aking tiyan.

This baby inside me was my new source of strength. My new hope. Dahil dito sa batang nasa sinapupunan ko ay natuto akong maging matatag at manindigan. Ang tumayo sa sarili kong mga paa. Dahil din dito, natuto akong pahalagahan ang sarili ko at tuluyang tanggapin ang sinapit namin ni Atlas. To love and let go. To cherish those who love me more than those who love me less.

I shrugged my thoughts off and walked towards the shower. As the water touched my body, vivid memories came rushing to my mind. Endless of flashes, either it was a bad or good one. Memories that made my heart ache yet, the one that made my heart beat faster and alive. Mga masakit ngunit masayang alaala. Bittersweet memories, ’ika nga ng iba.

It has been a long time since I felt genuine happiness from the things that was happening to me. It has been a long time since I felt relief. Marahil ay unti-unti nang naghihilom ang sugat sa puso ko. Unti-unting hinihilom ng taong lumikha ng mismong sugat ko.

I wore the clothes Atlas bought for me. It was a pair of maternity dress and leggings. Itim at puti ang kombinasyon ng kulay niyon habang may malaking bulaklak na disenyo sa bandang dibdib. Isang sunflower na namumukadkad.

WIFE SERIES: Tears Of A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon