Kabanata 25

26.4K 767 322
                                    

“I’m sorry about that, Kraius,” mahinang anas ko. “Hindi ko lang kasi napigilan,” dagdag ko pa.

“It’s okay, Olive. I understand,” sagot naman nito.

I sighed and leaned my back to the seat. Nasa sasakyan kami ni Kraius at pauwi na ngunit wala sa biyahe ang utak ko. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. I lost my control that I cried in front of Trina. Kahit sinasampal ko ito at pinagsasalitaan ng masama, umiiyak ako. Kasi hindi naman nagbago ang nararamdaman ko. Hindi nawala maski katiting na pait sa aking pagkatao. Ganoon pa rin. Mas nadagdagan pa nga yata iyon.

In the end, Kraius lift me and took me out of the jail. He helped me to calm down. He reminded me about my baby’s condition. Dahil kung ako lang ang naroon, hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari. I lost my logic that I burst out.

“I got carried away,” anas ko. I looked up and closed my eyes. Nakokonsiyensiya pa rin ako sa ginawa ko kay Trina.

“Forget about it, Olive.”

I opened my eyes and looked at Kraius. Seryoso lang itong nagmamaneho. Nakatiim ang bagang at mahigpit ang hawak sa manibela.

“I will. Thank you, Kraius.” Tumango ako kahit alam kong hindi naman niya ito makikita. I was very thankful because, in times like this, there was someone who would help me. Someone I barely spent my time with.

Inayos ko na lamang ang aking sarili at ibinaling ang paningin sa labas ng sasakyan. Madilim na sa lansangan dahil pasado alas-siyete na ng gabi. Hindi na rin masyadong traffic dahil iilan na lamang ang nakikita kong mga sasakyan. Mabilis ang pagmamaneho ni Kraius kaya pinagsawa ko na lamang ang paningin sa aming nadaraanan.

Ang mga ilaw sa lansangan. Ang iba’t ibang nagkikislapang neon lights mula sa mga establisimyento. Ang naglalakihan at nagtataasang mga building at maging ang mga taong naglalakad pa sa kalsada kahit gabi. Larawan ito ng isang maingay at buhay na buhay na Metro.

Naisip kong sana maging ganoon din ako. I wanted to experience life again. Na bumalik ako sa dating ako. A happy and cheerful one. Laging nakangiti sa lahat ng bagay. Hindi nagpapanggap at hindi na magmamakaawa. I wanted to be me again. Alam kong matatagalan pa iyon, ngunit handa akong maghintay. I wanted to be healed and start again.

Hindi kalaunan ay nakarating kami ni Kraius sa isang restaurant. Pareho kaming kumain nang tahimik. Hindi na rin ako nagsalita at nagtanong. Maging ito ay ganoon din. Marahil, alam din nitong hindi madali para sa akin ang lahat. Masakit pa rin kahit pinipilit kong kalimutan.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid ako ni Kraius patungo sa mansion. Katulad kanina, tahimik pa rin ang aming biyahe. Mahigit isang oras din bago kami nakarating sa Corinthians. Gabi na kaya lahat ay tahimik sa loob ng subdivision.

“Dito na lang ako, Kraius,” anas ko. Binalingan ko rin si Kraius ng tingin.

Kraius looked at me. “Are you sure?” nakakunot ang noong tanong nito. Binagalan din nito ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Tumango ako. “Yes! Malapit na rin naman ang mansion. I want to breath some fresh air. Masyado kong sinagad ang sarili kanina.” Ngumiti ako kay Kraius. Naramdaman ko rin ang pagtigil ng sasakyan.

Napabuntonghininga ito. “Fine! Ikaw ang bahala. Just call me if you need anything.”

Tumango muna ako kay Kraius bago binuksan ang kotse nito. I mouthed thank you before I got out of the car. I waved to Kraius before he finally maneuvered the car. Ngumiti rin ako rito para ipakitang ayos lang ako.

Nang tuluyan itong makalayo papalabas ng subdivision ay saka ko pa lang sinimulang maglakad. Tahimik na ang buong paligid kaya alam kong ligtas ako. I walked and stared at some views which caught my attention and appreciated it silently. Umaasam ako na sana, mas marami pang magagandang tanawin ang makita ko sa aking paglalakad.

WIFE SERIES: Tears Of A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon