Kabanata 11

21.3K 676 86
                                    

Kanina pa ako gising pero ramdam ko ang kagustuhang hindi bumangon. My mind was clouded with so many uncertainties. Mga tanong na hindi ko alam kung dapat ko pa bang alamin o hayaan na lang.

Napabuntonghininga ako. Kasabay nito ay sinilip ko rin si Atlas na nasa kabilang gilid ng aking kama. Nakatalikod ito sa akin at mukhang tulog pa rin.

Napakasarap sanang isipin na ang mag-asawang tulad namin ay nagtatabi sa kama tuwing gabi. Na tulad ng karamihan ay normal kaming nagsasama. Mag-aaway, magkakatampuhan, pero sa huli, sa isa’t isa pa rin kami uuwi.

Sana ganoon na nga lamang kadali ang lahat para sa amin ni Atlas. Hindi na sana kami nagkakasakitan. Hindi na sana lalalim ang sugat sa puso ko. Hindi na sana ako nagtitiis na mang-amot ng pagmamahal.

I sighed and looked at the bedside table beside me. Alas-sais na ng umaga pero mas gusto ko pang matulog na lamang ulit. Gayunpaman ay pinilit ko ang sarili na bumangon. Dumeretso kaagad ako sa banyo at naghilamos doon. Mabilis din akong naligo at nag-ayos ng sarili. I wore my usual cotton shorts and sleeveless shirt. Kapagkuwan ay maingat akong lumabas ng silid.

Dumeretso kaagad ako sa kusina. Napangiti rin ako nang makitang wala pang bakas ng nanay ni Atlas doon. Malamang ay tulog pa ito kaya mas magaan sa akin ang kumilos para magluto. Ilang araw na rin itong maagang nagigising para maghanda kaya ako naman ang kikilos ngayon.

I took the pan out and a cauldron.

I boiled some potatoes for my buttered potatoes with cheese. As usual, I cooked ham, bacon, and egg. Hindi na ako nagsangag ng kanin dahil pareho naman kaming lahat na hindi mahilig sa kanin kapag umaga. Wheat bread lang din ang hilig ko.

Napangiti ako nang matapos sa pagluluto. Kahit papaano, sa simpleng paraan man lang, maipakita ko kung gaano ako nagpapasalamat sa kabutihan ng ina ni Atlas sa akin. Kahit ito man lang, masabi ko sa sarili na naging mabuting asawa ako. Isang mabuting manugang na hindi naiiba sa lahat.

“Aba’y naunahan mo pa akong magising, anak? Bakit ikaw ang nagluluto? Nasaan si Atlas?”

Mula sa pagsasalansan ng ihahandang pagkain ay lumingon ako sa aking likuran. Nakita ko kaagad ang biyenan ko na nakakunot ang noo. Basa pa ang kulay abo nitong buhok. Kaliligo lang marahil nito. Naka-leggings na itim at naka-cotton long sleeves naman sa pang-itaas. May katabaan ang ina ni Atlas ngunit hindi masyadong halata dahil matangkad ito.

“Tulog pa po,” sagot ko rito nang nakangiti.

“Pinagod mo siguro,” pilyang wika naman nito habang papalapit sa akin.

Tumikhim ako nang mahina dahil sa sinabi nito. Bumalik din ako sa ginagawa. Napapailing na lamang ako dahil doon. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay kapag pinag-uusapan ang ganoong bagay. Hindi naman kasi kami ganoon ni Atlas. He would claim me any time he wants to but not when I want to.

Wala naman akong problema roon. I am a woman in need, but not to the extent of seducing him or do it with another man. Iginagalang ko ang sarili ko maging ang mga taong nakapaligid sa akin. Hindi man ako perpekto, ngunit hinding-hindi ko hahayaan na ako mismo ang sisira ng sarili ko.

“Gusto ko nang magkaapo, Olive. Kailan n’yo ba ako bibigyan? Baka kapag patay na ako, saka n’yo pa maisip ni Atlas na magkaanak. Aba, ang laking lugi ko naman n’on!”

Natawa ito kaya natawa na rin ako. Nasa tabi ko na ito kaya malaya ko itong sinulyapan. Makikita sa mukha nito ang kasiyahan habang nakatanaw sa akin. Isang bagay na kinatatakutan kong mawala kapag nalaman nito ang totoo.

Alam kong masasaktan ito. Lahat sa pamilya ko ay masasaktan, maging sa pamilya ni Atlas. My greatest fear was my dad to get hurt. Nasasaktan din ako kapag nasasaktan ito. Ngayon pa lang, nasasaktan na ako para sa mga taong umaasa ng walang hanggan para sa amin ni Atlas. Kaya sa abot ng makakaya ko, ililihim ko ang lahat. Hanggang kaya ko pa. Hanggang hindi pa sumusuko ang puso ko.

WIFE SERIES: Tears Of A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon