Kabanata 1

28.6K 779 118
                                    

Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa amin ni Trina. Natanong ko tuloy ang aking sarili kung bakit pa ba ako nagpunta sa lugar na ito? Kung bakit pa ba ako umasang papayag siya sa alok ko?

Who was I kidding? Sarili ko lang din ang niloloko ko. Umaasang maaawa siya sa akin dahil babae rin siya. Ngunit, nagkamali ako. I forgot that she was as rotten as an old potato. Nangangamoy at umaalingasaw ang bulok niyang pagkatao. She was a gold-digger bitch and a mistress of the town. Hindi ko nga maintindihan si Atlas kung bakit ito pa ang napili niyang maging kabit.

“Kung wala ka nang sasabihin, makakaalis ka na,” maarteng wika niya.

Wala akong nagawa kundi umalis na lang. My chest was in pain, but I couldn’t let anyone see how miserable I was deep inside.

I am Olive Trinidad-Ramirez. A well-known psychiatrist in the Metro. A daughter of a good senator. A successful woman that screamed confidence and wealth. No one should know my pain.

Martyr. Iyon ang madalas na itawag sa mga taong nagmamahal kahit nasasaktan—tulad kong mulat sa katotohanan.

Ganoon naman yata talaga ang nagmamahal—kayang masaktan nang paulit-ulit, kayang magtiis, at kayang lunukin maging ang natitirang respeto para sa sarili.

I shrugged the thoughts off and sighed to continue my pace. May nakasalubong akong babae, may dala siyang aso, a Pomerinian. Nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako pabalik.

Hindi nagtagal ay narating ko ang aking sasakyan. A red Ducati Veyron. Agad kong binuksan iyon gamit ang remote key at pumasok sa loob. Napabuntonghininga kaagad ako pagkapasok at agad na isinandal ang aking likod sa upuan.

My dad gave me this car as a gift for my success as a representative of the Philippines for women empowerment in India. I spoke as a woman with happiness and light. Isang bagay na kabaliktaran ng totoong buhay ko at ng totoong ako.

Pabalik ako sa South Ridge Village ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang lugar. The village was huge and exclusive. It had four different streets, and each block consisted of two-storey, glass-walled houses. Each screamed luxury and wealth while maintaining a more nature-themed environment because of the big trees in front of the houses. May malawak at engrandeng clubhouse rin sa gitna mismo ng village. Sa likod naman ay ang malaking pool para sa mga owner na gustong mag-unwind.

Luxury. Wealth. Class.

Mapait akong napangiti nang maalala ang mga salitang iyon. Umuukilkil sa aking isip ang tagpo sa meeting kanina. Ang mga pekeng ngiti at tawa, at ang mga boses na pilit pinatatatag upang umaktong normal. Women could hide their pain for the longest time. They could always pretend to be strong and happy. They could smile despite the pain they’ve been through. Kahanga-hanga. Somehow, I felt we were alike. May itinatago rin akong hindi dapat ipaalam sa iba. May mga bagay na hindi ko kayang bilhin gamit ang pera.

Sa dami ng iniisip ko, hindi ko na napansing narating ko na ang harap ng aking bahay. Isang single-storey and minimalistic designed house. May maliit na hardin sa bawat gilid at may di-kalakihang terasa sa harap. All were so peaceful for my eyes. Payapa at malinis. Ang tanging tanawin na nagpapakalma na lamang sa akin. May veranda rin na napalilibutan ng mga hanging plants, habang sa gilid naman niyon ay ang mga collections kong succulents.

Mabilis akong naupo sa couch pagkapasok. Agad kong isinandal ang aking likod at tumingala. I slightly massaged my temple and closed my eyes. The place was so quiet. Ingay lamang ng wind chimes ang naririnig ko.

Ilang sandali akong nanatili sa ganoong posisyon bago ko napagdesisyonang magbihis. My house was very simple. Isang maliit na sala na kanugnog ng isang di-kalakihang kusina. Dalawang kuwarto na magkalayo. Isang guest room at ang gym room ni Atlas. I did have a mini liquor room. Madalas akong uminom kapag nag-iisa ako. Para makalimot at mamanhid.

After a while, I quickly changed my clothes when I went inside my room. Wearing shorts and a white top, I scanned myself in the mirror. Napangiti pa rin ako sa nakita. My bob-cut hair was starting to grow long. I was petite physically and fair in complexion. Some said I looked like a teen, but I was twenty-eight years old.

Nakakatawa nga kung maglaro ang tadhana. Sino’ng mag-aakala na sa lahat ng pinagdaanan ko, hindi pa rin ako nabaliw? Maliit akong tao pero sa lahat ng paghihirap ko, hindi ko hinayaang mapabayaan ang sarili.

Tunog ng doorbell ang pumukaw sa aking pag-iisip. Mabilis akong nagtungo sa pinto at tiningnan ang monitor kung sino ang nasa labas. Napakunot kaagad ang noo ko nang mapagtantong isa sa aking kapitbahay ang naroon. Wala akong kaibigan sa village kaya nakapagtataka. I was a-social. Bukod pa sa may istrikto akong awra ay pinangingilagan din ako ng iba. Maybe because I’m rich. Or maybe, they simply didn’t like me.

“Hi! Ano’ng kailangan mo?” tanong ko nang mabuksan ang gate. Sa mukha ng bisita ang tingin ko. Nababalot kasi iyon ng makeup. I had a bad feeling of those, but I chose to keep quiet.

“Kumusta po, Doktora. Para po sa inyo.” Nakangiting iniabot niya sa akin ang dala.

“Salamat,” tipid kong sagot.

“Relyenong bangus po iyan, Doc. Naparami kasi ang gawa ko kaya naisip kong bigyan ka. Saka, magpapakilala na rin ako. Mina nga pala,” nahihiyang saad pa niya sabay lahad ng kaliwang kamay.

I smiled. A genuine one. Ngayon lang may naglakas ng loob na magpakilala sa akin. Ang mga kasamahan ko sa homeowners ay hindi ko rin gaanong nakakausap. This was my first time and I was thankful.

“Mina, I’m glad to know you.” Yes, I am. Pero hindi ako nagagalak makita ang lungkot sa mga mata niya.

Why did I have to see those sorrowful eyes?

Nagpaalam din si Mina matapos ang ilang sandaling pakikipag-usap. I sighed as I walked back inside the house. Dumeretso rin ako sa kusina para maghanda ng lulutuin para sa dinner. Inilagay ko rin sa isang maliit na Pyrex ang ibinigay niyang pagkain.

Maliit lamang ang kusina ko. Sakto lang para sa akin. Puti ang buong kulay, maging ang mga gamit ay ganoon din. May mga drawer sa palibot niyon habang isang electric oven naman ang gamit ko sa pagluluto. May maliit na lamesa rin doon at silya na puwede kong upuan kapag pagod na sa pagluluto at nais kong magpahinga. Sa may bandang pinto naman ay naroon ang aking four-door refrigerator.
 
Cooking was one of my passions aside from reading. Magaling akong magluto ng kahit na anong putahe. Nag-aral ako para matuto. Naniniwala kasi ako sa kasabihan. Theysaid a way to a man’s heart is through his stomach. Ginagawa ko ang lahat para kay Atlas. Tulad ngayon, I cooked bulalo for our dinner. I also added pandan leaf for our rice, for a good taste and aroma. Sa pamamagitan man lamang niyon ay makarating sa kaniya ang damdamin ko.

“What did you tell to Trina, Olive?!”

Natigil ang pagmumuni-muni ko at napalitan ng gulat nang mula sa nakabukas na pinto ng kusina ay bumungad si Atlas sa aking paningin. His eyes were piercing through me. Mabilis din ang mga hakbang niya habang papalapit sa akin.

“Sagutin mo ako!” sigaw pa niya sa aking harapan sabay haklit nang marahas sa aking braso.

“Nasasaktan ako, Atlas!” daing ko. Ngunit, bingi si Atlas sa bawat pakiusap ko. Bingi siya sa bawat hiyaw at pagpalag ko. Matagal na siyang bingi sa lahat. Naging bingi siya dahil sa galit niya sa akin.

“Halika dito!”

Marahas akong kinaladkad ni Atlas palabas ng kusina. Dahil maganda ang pangangatawan at malakas kumpara sa akin ay walang kahirap-hirap niya iyong nagawa. Masakit ang bawat diin ng kamay niya na alam kong magmamarka iyon.

“Atlas! Huwag! Please . . .” pagsusumamo ko pagkatapos niya akong ihagis sa kama. “Masakit!”

“Masasaktan ka talaga sa akin! ’Di ba, ito naman ang gusto mo kaya mo ako pinakasalan? You want me, right?” Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Atlas was stripping in front of me. Walang pakialam niyang hinubad ang damit habang mabilis ang mga kilos na dinaganan ako.

“No . . .” I whispered.

“It’s your punishment.”

I cried as he claimed me for his own satisfaction, moving in and out as if I were some random pornstar.

This was my life. I chose this. But why was I still not used to it?

The inevitable pain rushed through me. I was alive, but I was dying inside.

 







@sheinAlthea

WIFE SERIES: Tears Of A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon