Starry starry night
Paint your palette blue and gray
Look out on a summer’s day
With eyes that know the darkness on my soul
Now I understand
What you tried to say to me
How you suffered your sanity
And how you tried set them free
They did not listen
They did not know how
Perhaps they listen now
Agad kong hinapuhap ang cell phone na nasa ilalim ng aking unan. Pupungas-pungas na tiningnan ko ang screen nito. I pouted as I saw the time. Late na naman ako ng tatlumpong minuto sa aking pupuntahan. Alas-nuwebe na ng umaga at kagigising ko pa lang.
I put the phone on my bedside table and tried to get up. Maingat akong umalis ng kama at nag-unat nang kaunti bago dumeretso sa maliit kong bintana. I smiled instantly when the small but beautiful garden greeted me. Ang iba’t ibang klase ng mga bulaklak at ang namumukadkad na mga rosas. Maging ang aking mga succulents ay napakaganda ring tingnan sa aking maliit na bakuran.
“Good morning, sunshine!” masayang wika ko sa mga ito na para bang nakaiintindi ito ng mga sinasabi ko. Inilahad ko pa ang mga kamay na tila niyayakap ang mga ito maging ang araw.
Nang magsawa ay mabilis akong nagtungo sa banyo para maligo. Maliit lamang iyon na yari sa puting tiles ngunit kompleto sa amenities. A not-so-big bathtub and a separate shower room. Malinis kahit pa maliit at maaliwalas.
It was the Christmas season. Masyadong malamig sa Paris kaya kinailangan ko pa ng hot water para makaligo. Mabilis ang mga kilos ko nang matapos ako sa paghahanda ng tubig. Mabilis din akong lumusong sa bathtub para maligo at i-relax ang sarili.
Hindi tulad ng dati na pag-aari ko ang oras, I was a very busy person here in Paris. I surrendered my profession as a psychiatrist and managed to be a simple flower shop owner here in the City of Love.
Inabot ko kaagad ang tuwalya nang matapos ako sa pagbababad. I wrapped it on my body and exited the bathroom. I continued my pace towards the dressing room and picked some clothes to wear. Mga damit na bagay lalo na at taglamig dahil sa panahon.
I wore a white turtleneck cotton shirt and blue jeans. Pinatungan ko rin ito ng isang makapal na trench coat. Makapal na medyas naman at high-heeled boots naman para sa aking paa. Pinili ko ring ipusod ang aking buhok sa likod para maging maaliwalas ang aking itsura. At tanging pink lipstick lang ang kolorete sa aking mukha.
Nang makontento ako sa pagtanaw sa sarili ay napangiti ako. Kahit tatlong taon na ang lumipas, wala pa ring nagbago sa akin. I still looked the same as before. Mas nagkalaman nga lamang ako at tumaas na ang dating maikli kong buhok. My face was redder and I looked contented and happy.
Three years had passed, and I must say, I was finally healed. My pain and my sorrow. The undeniable hurt and my insecurities. Lahat ay nagawa kong gamutin nang ako lang. Nang dahil lamang sa sarili ko.
Naaalala ko pa kung paano ko sinimulang gamutin ang aking sarili. Ang mga sugat na nilikha ko at ng aking mga desisyon. Unti-unti kong ginagamot ang sarili sa mga panahong durog ako dahil sa pagkawala ng anak ko. Mga panahong pakiramdam ko, kinuha na sa akin ang lahat.
I remembered how I managed to talk to Ramn and went to jail with him. Pinuntahan kaagad namin si Trina sa selda nito. Katulad ng dati, sekreto pa rin ang aking pagpunta. Maging si Kraius ay hindi ko na isinama. Ako lang at ang kagustuhan kong makausap si Trina ang tanging dala ko.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: Tears Of A Wife
General FictionTRIGGER WARNING: This story is not for everyone. Sampung taon nang nagmamahal si Olive kay Atlas. Sampung taon ng pagtitiis kasama ito. Sampung taon ng pag-asam na sana ay mahalin din siya ng asawa. Ngunit sadyang bato na yata ang puso nito dahil s...