Kabanata 6

21.5K 766 97
                                    

I left Atlas in the kitchen after I said those words. Pakiramdam ko, kapag nanatili pa ako sa lugar na iyon kasama siya ay baka tuluyan nang malaglag ang mga luha sa aking mga mata. Hindi nga ako nagkamali. Dahil nakakailang hakbang pa lamang ako ay nag-uunahan nang magpatakan ang mga iyon.

Masakit.

Masakit dahil alam kong pinipilit ko lang ang sarili kong hindi masaktan sa lahat ng nangyayari. Alam kong dinadaya ko lamang ang aking sarili na maging matatag at lumaban. Pero ang totoo, durog na durog na ako. Isang klase ng pagkawasak na hindi ko alam kung posible pa bang mabuo.

Dumeretso ako sa aking kuwarto. I locked my door before I sat on my bed. Hinawakan ko rin ang aking dibdib at tinapik-tapik iyon nang marahan. My tears kept on falling that I could hardly breathe.

Natanongko rin ang aking sarili kung ganito na lang ba ako palagi? Iiyak at magtatago na lang? Masasaktan nangpaulit-ulit at mamamanhid na lamang?

Do I deserve this?

Ngunit, kahit ilang beses ko pa mang tanungin ang sarili, alam kong kasalanan ko rin naman. Kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan. Kasalanan ko rin kung bakit galit si Atlas sa akin.

May mga bagay na hindi ko sinasadya at nangyari na lang. Mga bagay na kahit kailan, hindi ko makalimutan. Bagay na hanggang ngayon, inuusig pa rin ako ng aking konsiyensiya. Bagay na hindi na nawala dahil nakatatak na sa isip ko maging kay Atlas.

Hinayaan ko muna ang sarili kong lunurin ng sakit. I cried my heart out, in hope that my worries would vanish in an instant. Ngunit, katulad ng isang ligaw na bala, tinamaan ako nang hindi ko alam. Tama na nagdulot ng sugat sa akin. Sugat na nagdulot ng isang pilat sa puso ko na hinding-hindi na mabubura.

Ilang sandali ako sa ganoong posisyon nang mapagpasyahan kong tumigil. I wiped my tears and tried to compose myself. Gustuhin ko mang maglupasay sa pag-iyak, hindi rin niyon maiaalis ang lahat ng sakit. Katulad ng dati, hahayaan ko na lamang iyon. Kalilimutan at kusa na lamang na ibabaon.

Huminga ako nang malalim pagkatapos kong pakalmahin ang sarili. Tumayo rin ako at tiningnan ko ang sarili sa salamin. Namumugto ang aking mga mata dahil sa pag-iyak. Maging ang ilalim niyon ay may mga maitim na linya, tanda ng stress sa buhay na matagal ko nang pinapasan.

Ngumiti ako nang pilit habang tinitingnan ang aking kabuuan. Hinawakan ko rin ang aking mukha at marahan itong dinama. Maging ang aking nagulong buhok ay inayos ko rin nang marahan.

I sighed.

I have everything that life could offer, and yet, I am not happy. I am a lost soul, trying to fit in.


Saktong alas-siyete ng gabi nang magdesisyon akong pupunta sa pool party ng village. Hindi ko alam kung ano ang meron dahil wala namang ibang nabanggit ang presidente kundi pool party. Gayunpaman ay nag-ayos pa rin ako.

I wore my usual black skinny jeans and white sleeveless top. Nilagyan ko rin ng kaunting kolorete ang aking mukha. Light makeup and red lipstick. Habang hinayaan ko namang nakalugay ang aking bob cut na buhok. Napangiti ako sa nakita nang tingnan ko ang sarili sa harap ng salamin. Tumayo rin ako at nagtungo sa aking maliit na dressing room para kunin ang aking white stiletto.

Nang makontento ako sa sarili ay tuluyan akong lumabas ng aking kuwarto. Tulad ng inaasahan ay tahimik ang buong lugar. Nakapatay ang ilaw sa sala at tanging ang kaunting liwanag lamang mula sa lampshade sa gilid ng dingding ang tanging nagbibigay-liwanag sa loob.

Mahina akong napabuga ng hangin kasabay ng mararahang paghakbang. Maingat ko ring binuksan ang pinto at tuluyang lumabas. Hawak ang aking clutch bag ay mabilis kong binuksan ang aking kotse. Nang makapasok sa loob ay napabuntonghininga na lamang ako kasabay ng isang iling. Alam kong magagalit na naman si Atlas sa akin ngunit, hindi ko na lamang iyon iisipin. Sanay naman na ako.

WIFE SERIES: Tears Of A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon