They said the best healing starts from yourself. Starts from accepting your flaws. From reflecting the things that you’ve done in the past. And from loving and caring for yourself, alone. Bagong simula para sa sarili at pagbangon.
“But, Dad! Di ba, sabi mo, you will go with me in the hospital? Paano na ’to,” problemadong saad ko rito sa kabilang linya.“I’m sorry, hija. May emergency lang sa senado kaya hindi na ako nakapagpaalam sa ’yo. But I promise, next time.”
I heard him sigh. Tumango na lamang din ako kahit hindi ako nito nakikita. “Sige po. I’m sorry, Dad. Alam kong busy ka and I am still disturbing you. Ako na lang po ang pupunta,” saad ko kapagkuwan.
“No, baby, Atlas will come with yo—”
“What?!” mabilis kong reklamo rito. Nang ma-realize kong sumobra ako ay napakagat-labi na lamang ako. “Dad naman,” mahina kong wika rito.
“Anak, alam kong may problema kayo ni Atlas. But I can’t deprive him the right to be the father of your child. Ama pa rin siya ng apo ko.” Bumuntonghininga ito sa kabilang linya. “He asked me to come with you. Hindi ko naman siya pwedeng pigilan. Hayaan mong makita niya ang mga bagay na sinayang niya dahil sa ginawa niya sa ’yo.”
“Daddy naman, may magagawa pa po ba ako?” tanong ko. Sinadya kong haluan ng pagbibiro ang aking boses pero ang totoo, kinakabahan ako.
It’s been two months since I declined Atlas’ offer. Two months of him pursuing me. Checking me everyday and showing me his feelings which I was not used to. Mga bagay na bago sa akin. Mga pag-aalagang hindi ko naramdaman noon. Nakakapanibago at nakakatakot kung magpapatuloy pa ito.
Dalawang buwan na rin akong unti-unting nasasanay sa sitwasyon namin ni Atlas. Pareho kaming casual sa isa’t isa at ayos na sa akin iyon. We were good to each other because of the baby and it was enough for me. Kahit pa sinasabi nitong hindi lamang nito ginagawa iyon para sa bata. Masarap sana sa pakiramdam ngunit napakahirap maniwala.
“Bye, Dad,” paalam ko rito. Agad naman itong pumayag kaya mabilis kong ibinaba ang aparato.
I sighed again. Ni hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na ba sa pagkakataong iyon ako napabuntonghininga. Ang alam ko lang, darating si Atlas at siya ang sasama sa akin sa checkup para sa ultrasound ng baby ko.
“Miss Olive, delivery po.”
My thoughts got interrupted by Jenny. Nilingon ko ito mula sa couch na aking kinauupuan. She instantly smiled when she reached my place. Her eyes were beaming and teasing. Alam ko na kaagad kung kanino galing ang mga bulaklak at prutas na dala nito.
“Where is he?” tanong ko rito. I took off my glasses and put it on the table.
“Nasa labas pa po, miss. Hinihintay siguro kayo,” inosenteng sagot naman nito.
“Okay. Please, tell him to wait. Magbibihis lang ako,” sagot ko rito. I leaned my back on the couch and sighed heavily.
“Sige po.”
I looked at Jenny as she walked away from me. Ang totoo, tapos na akong magbihis. Tamad lang akong kumilos dahil malaki na rin ang aking tiyan. It was exactly seven months in my tummy and I could always feel the kicking inside. Minsan, napapangiti na lamang ako kahit nasasaktan dahil sa ginagawa nito. But I was happy. Ramdam ko ang kagustuhan nitong lumabas at makita ang mundo. Maging ako ay ganoon din. I couldn’t wait to hold my baby and give my love. Alam kong kaunting paghihintay na lamang iyon.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: Tears Of A Wife
General FictionTRIGGER WARNING: This story is not for everyone. Sampung taon nang nagmamahal si Olive kay Atlas. Sampung taon ng pagtitiis kasama ito. Sampung taon ng pag-asam na sana ay mahalin din siya ng asawa. Ngunit sadyang bato na yata ang puso nito dahil s...