Ang sabi nila, ang Bagong Taon daw ang pinakamasayang araw ng taon. Ito ang nagbubukas ng panibagong pag-asa at panibagong yugto sa buhay ng tao. Isang panibagong umaga at panibagong simula.
Marahil, ganoon nga para sa iba. Ngunit para sa akin, normal na araw na lang ito. Normal na araw ng pag-iisa. Kaakibat ang lungkot at dalamhati na dala ko mula pa noong nakalipas na sampung taon ng buhay ko. Mula nang magmahal ako ng taong hindi ako mahal.
It had been a week since I left. One week of being alone and miserable. One week of trying to heal my broken heart. One week of hiding and pretending to be fine. A week of thinking things and reflecting. But things weren't that easy for me. The inevitable pain was still vivid that every time I remembered it, I couldn’t help but cry in silence.
I sighed and shook my head. Trying to forget the situation where I was inIt was New Year’s Eve, and I was ready to go to church. Perhaps, it was the best thing I could do to lessen the pain I was carrying. Surrendering myself to Him and asking for guidance. I knew He would listen in times when I didn’t know whom to talk to.
I took a last glimpse of myself before exiting my unit. I was wearing my casual jeans, shirt, and sneakers. Hindi na rin ako naglagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha. I wanted to look simple. ’Yong tipong hindi pangingilagan ng iba.
Bago lumabas ay kinuha ko ang wallet at cell phone sa ibabaw ng bedside table. Mabibilis ang mga hakbang ko habang patungo sa parking lot ng hotel. Hindi ko na rin pinansin kung gaano kaenggrande ang bawat parte nito na aking nakikita. All I know was it screamed luxury. Karangyaan na inaasam nang marami.
Napapikit ako nang tuluyang makasakay sa aking kotse. Binuksan ko rin ang bluetooth connector nito at kinonekta iyon sa aking cell phone. I called Dad first before I maneuvered the car.
Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko nang sagutin kaagad ni Dad ang tawag ko.
“Dad? Happy New Year!” I said. Trying to sound enthusiastic. Kahit sa ganoong paraan man lang, maiparamdam ko kay Daddy na masaya ako.
Hindi pa rin ako handang sabihin kay Daddy ang lahat. Hindi ko rin alam kung kailan ako magiging handa. Natatakot akong sabihin sa lahat. Natatakot ako sa maaaring mangyari. Duwag ako sa lahat ng posibilidad.
“Happy New Year din, hija,” sagot naman nito. “Hindi ka man lang dumalo sa party ng lola mo kanina. Nagtampo tuloy si Mama.”
“I’m sorry. Busy lang po kasi, Dad,” sagot ko. “Tawagan ko na lang po siya mamaya.”
Napabuntonghininga ako dahil sa sinabi ni Dad. I hate to disappoint my Lola especially to decline her offer, but I had to. Baka kasi kapag kaharap ko sila, bigla na lang akong humagulhol. Gusto kong kapag haharap ulit ako sa pamilya ko ay kaya ko nang dalhin ang lahat.
“You should, hija. Nagtatampo rin ako sa ’yo at kay Atlas. I invited both of you and you both said no,” litanya nito. Narinig ko rin ang mahinang buntonghininga nito sa kabilang “Anak, New Year is the only time that we can spend together as a family. I’m disappointed, too. But maybe you and Atlas have reasons why you declined my offer,” malumanay ngunit may diing wika nito.
“I’m sorry,” wika ko. Nakonsiyensiya kaagad ako sa sinabi ni Dad. I feed him lies when I declined his invitation. Sinabi kong sasama ako sa reunion ng aking ka-batchmate sa college.
“Anyway, I have gifts for you. Puntahan mo sa bahay kung gusto mong makuha.”
“Daddy naman.” Napalabi ako sa sinabi nito. Sinilip ko rin ang daan sa rearview mirror. Hindi masyadong traffic kaya magaan ang biyahe ko.
“What? Huwag mong sabihin na wala kang planong makipagkita sa akin. Magtatampo na talaga ako niyan,” wika nito ngunit nahihimigan ko naman ang isang palabirong tono.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: Tears Of A Wife
General FictionTRIGGER WARNING: This story is not for everyone. Sampung taon nang nagmamahal si Olive kay Atlas. Sampung taon ng pagtitiis kasama ito. Sampung taon ng pag-asam na sana ay mahalin din siya ng asawa. Ngunit sadyang bato na yata ang puso nito dahil s...